Prologue

23.6K 469 68
                                    

ANG TANGKANG pagbangon ni Troy ay napigil sa bahagyang sakit ng ulo. Napaupo siya sa gilid ng kama at sinapo ng mga kamay ang ulo.


Hangover. Naparami ang inom niya kagabi. Tuloy na sana siyang tatayo nang mapunang hindi siya nag-iisa sa kamang iyon. Nanlalaki ang mga matang napatitig sa katabing babae."Shit!" pabulong niyang mura.


Si Jea. Nakadapa sa kama at tulog na tulog. Like him, she was totally naked. Ang maganda at makinis na katawan ay nakahantad sa kanya. At kung hindi sa pagkabigla niya kung bakit naroon ang dalaga'y pagtutuunan niya ng pansin ang reaksiyon ng katawan sa kagandahang nakahantad sa kanyang paningin.


Nang may matuunan pa ito ng pansin. Brownish stain sa kumot na gasino nang nakatakip sa buttocks ng dalaga.


"Oh, god!" he groaned. Naihilamos nito ang palad sa mukha. He was horrified.Ano ang nangyari?


Ilang sandaling kalituhan ang nasa mukha ni Troy bago hinagilap ng tingin ang briefs. Nakita niya iyon sa ibaba ng sahig at mabilis na dinampot at isinuot. At pagkatapos ay niyuko ang natutulog.


"Jea... Jea, wake-up," banayad niyang yugyog dito.


Umungol ang ginigising. Dahan-dahang tumihaya. Troy groaned aloud. Small, firm breasts and pink nipples teased his eyes and senses. Fighting the urge to look down beyond her narrow waist, mabilis niyang hinatak ang kumot at itinakip sa katawan ng dalaga.


San Ignacio, help me, bulong ng binata. Iyon ang patron sa bayang iyon.Ang paghatak ng kumot at sa pagdantay niyon sa katawan niya ang nagpagising kay Jea. She opened her eyes slowly. Mukha ni Troy ang nabungaran niya. And there was nothing extraordinary about it. Hindi siya miminsang nagigising na si Troy ang namumulatan. Manhik-panaog ito sa silid niya kung paanong labas-masok din siya sa silid ng binata.Subalit hindi niya marahil makakalimutan ang namulatang anyo ni Troy sa susunod na mga taon ng buhay niya.


Shock is an understatement."Good... morning," bati niya sa salubong na mga kilay. Her voice husky. "Bakit ang aga mong narito sa silid ko at bakit ka hub—" isang malakas na tili ang pinakawalan ng dalaga nang humulagpos sa akmang pagbangon niya ang kumot at matantong siya man ay hubad din.Mabilis na dumaluhong sa kama si Troy at tinakpan ang bibig ni Jea.


"Huwag kang sumigaw! Magigising mo ang buong San Ignacio!" Upang iglap na maisip na isang pagkakamali ang ginawa nito. Ang hubad nitong katawan ay mariing lumapat sa hubad ding katawan ng dalaga. Her soft body still warm from sleep. And his hard maleness ay tila pako sa tagiliran ng dalaga.


Jea gasped and pushed him and dived for cover. Ipinulupot ang kumot sa katawan at dumistansiya sa pinakadulo ng kama.


"W-what happened?" she asked in horror. Pinagana ang isip at ang pakiramdam. Felt the sudden tenderness in between her thighs and her eyes widened. Tumingala kay Troy with her eyes almost occupying her face. "T-Troy...?"

Inilahad ni Troy ang dalawang kamay. Regret crossed his eyes. Tinakpan niyon ang naroong pagnanasa. And was shocked even more. Kailan pa nito pinagnasaan ang kaibigang matalik?

"Jea..." He gazed down at her horrified face. Ang natural na kulot na buhok na nahahati sa gitna at hanggang balikat ay magulo mula sa pagtulog. Which made her look sexier.


Sexier! Troy Santillan, saan ka kumuha ng ganyang kaisipan para sa babaeng iyan?Ipinilig nito ang ulo at muling tinitigan ang dalaga. "I... I never meant this to happen." Litung-lito ang anyo ng binata.


"B-but... but..." Ni hindi nga niya alam kung ano ang sasabihin. He didn't mean it to happen. What really did happen? Napayuko siya, pilit hinahagilap sa isip ang nangyari nang nagdaang gabi subalit hindi agad makagana ang isip niya. Hinigpitan ang pagkakahawak sa ugpungan ng kumot na tila ba iyon ang lifeline niya. "L-leave me alone, please..."

Luminga sa labas ng bintana si Troy. Natitiyak nitong nasa pribadong beach at cottage sila ng mga magulang ni Jea. "Nasa kubo tayo sa tabing-dagat. Paano mo ipaliliwanag sa mommy at daddy mo ang nangyari?"


Nalilitong tumingala sa binata si Jea. Gusto nang bumunghalit ng iyak. "I-I don't know.""Damn!" mura nito at dinampot ang maong sa sahig at isinuot. Pagkatapos ay ang T-shirt at sa papaano na lang ipinaloob sa maong. Pagkatapos ay isinuot ang rubber shoes at nagpalakad-lakad. Ang mga yabag ay gumigiik sa dikit-dikit na sahig na kawayan.


"What now?" baling nito sa dalagang naguguluhang sinusundan ito ng tingin sa bawat paghakbang. "Ano ang sasabihin natin sa Tito Patrick at Tita Laila pag-uwi?"


"Iwan mo na ako, Troy," utos niya. Pilit niyang ikinakalma ang sarili. "Nang... nang magtungo tayo rito kahapo'y paalis din ang Mommy at Daddy patungong Maynila. Ang alam ni Yaya ay sa inyo tayo pupunta at hindi iyon mag-aalala."

"Mag-usap tayo, friend." Friend? Yes, they were friends... best of friends. Pero bakit ba hindi na yata angkop ang salitang iyon?

"Please, Troy. Saka na lang. Gusto kong mag-isip." Gumagaralgal ang tinig niya sa pagpipigil na maiyak.


"But—""Please?"


Huminga nang malalim si Troy at alanganing lumabas ng kubo. Hindi nito gustong iwan si Jea. Pero marahil ay kailangan nilang mag-isip pareho.


Nang marinig ang andar ng palayong sasakyan ay saka siya sumubsob sa unan at umiyak.


******************Grabe naman yan si Admin A char hahahaha. Simulan na rin natin itong Sweetheart series para may maupdate naman , nakakahiya sa mga naghihintay eh char hahahaha. Baka may manlibre sa akin ng milktea ngayon kaya ipadala n'yo na lang mga beshie hihihhihi , iuupdate ko na ito char hhahahaha. Kumusta ang mga weekends n'yo?  - Admin A**************


Sweetheart 7 - Somewhere Between Lovers & Friends (COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now