10

9.8K 317 34
                                    

WALA siyang magawa nang sabihin ni Troy na doon ito matutulog sa gabing iyon kahit na anong tanggi ang gawin niya. Kung may katigasan ang ulo niya'y kilala rin niyang matigas ang kaibigan.Kaibigan. How ironic. Matalik silang magkaibigan pero heto at sa susunod na pitong buwan at kalahati ay magkakaanak na sila. Ibig niyang magtawa sa kaisipang iyon. Ano kaya ang sasabihin ng nobya nitong si Anette kapag nalaman ang kalagayan niya?


"Bagaman natutuwa ako't nakangiti ka na'y kinakabahan naman ako dahil mag-isa ka lang na ngumingiti. Baka sa problema natin ay unti-unti ka nang bumibigay," biro nito sa kanya.Natin. Tinitigan niya si Troy. Malaking bagay sa dibdib niya ang salitang ginamit nito.She smiled. "I just remembered something funny."


Mula sa pagkakaupo sa baldosa'y tumayo ang binata. "Dito ka muna. Magsara ka ng mga pinto. Bibili ako ng banig sa palengke pansamantala. At saka unan na rin. Nagdala ka ba ng kumot?" Tumango siya. "Mabuti. At bibili na rin ako ng mga kakailanganin mo pansamantala."


"At saka pagkain, ha?" aniya nang nasa pinto na ito. "Iyong... iyong... sunkist, bumili ka rin."He smiled gently. Sa unang pagkakataon mula nang magkausap sila sa Trinidad ay iyon ang unang ngiti ni Troy. At least, nababawasan niyon ang bigat ng dinadala niya.


"PAANO mong nagawa ito, Janice?" halos maiyak na sita ni Juling sa kanya. "Sino ang lalaking gumawa sa iyo nito?"


"Yaya, please, huwag na ninyong itanong. Natutuwa ako't narito kayo. Pero sana'y huwag na huwag po kayong magsasabi sa Daddy at Mommy."


"Hanggang saan mo maililihim ang bagay na ito, Jea?" patuloy ng matanda na itinaas ang palda at pinahiran ang mga mata. "Paano kung tumanggi si Troy na tulungan ka?"


"Alam naman ninyong lagi ko siyang naaasahan, 'di ba? Kaya nga po nagpapasalamat ako nang labis sa kanya."


"Hindi ko kayang isiping nagawa mo ito, Jea," patuloy sa pagsinghot ang matanda. "Pinalaki kang maayos ng mga magulang mo. Puno sa pangaral at—"


"Yaya..." banayad niyang saway.



DALAWANG linggo makalipas ay umuwi sa San Ignacio si Jea kasama si Juling. Bagaman nabigla'y wala na ring sinabing gaano si Patrick at Laila nang sabihin niyang sa Baguio ang destino niya sa loob ng anim na buwan bilang kasama sa probationary period niya. Malaki ang tiwala ng mga ito dahil kasama niya si Juling. Nangako siyang tatawag parati sa mga magulang.


Sa paglipas ng mga araw ay unti-unting napuno ng mga gamit ang bahay. Lahat ay binili ni Troy. Bumili rin ito ng isang maliit na television upang hindi siya mainip. At sa loob ng isang linggo ay dalawang beses itong pumaparoon.


Minsang umaga ng Linggo ay dumating ito at may mga dalang maternity dresses. "Ang dami naman nito," aniya na hinalungkat ang dalawang shopping bag.


"Kailangan mo iyan. Sa susunod ay ang gamit naman ng bata ang bibilhin ko.""Paano ba iyan, mas sanay akong naka-pants," nakatawang sabi niya at sumama ang mukha nang iladlad ang mga damit-pambuntis. "Yuck."


"Hindi ka na makapagsusuot ng maong sa sandaling lumaki na ang tiyan mo. Mahihirapan ang bata," seryosong sabi nito. "At pagkakain natin ay magbihis ka at may pupuntahan tayo.""Saan?" kunot-noong tanong niya.


"Sa doktor. Maghahanap tayo ng OB-Gyn sa kabisera. Kailangang ma-monitor ang kalagayan mo," tumayo ito at naghubad ng polo shirt. Lumabas sa kusina at inakbayan si Yaya Juling. "Rest muna kayo, Yaya, at ako ang cook ngayon."


"Ku, itong batang ito. Hamo na nga ako rito at ikaw nga itong nagbiyahe pa, eh."


Subalit hindi maawat si Troy. Bagaman nakangiti ay may lungkot na nadarama si Jea habang pinapanood ang binata. Para silang mga bagong kasal. Mula sa mga gamit hanggang sa kaliit-liitang bagay. At bagaman matagal na silang magkaibigan ni Troy ay ngayon niya nakita kung gaano ito talaga kamaalalahanin. At talagang magandang lalaki ito. Ngayon niya lubos na naintindihan kung bakit hindi birong mga babae ang nagkakagusto rito.


Anette must be very lucky.


"O, huwag kang tumanga riyan na tila ba taga- Pluto ako," wika nito na nilagyan ng pagkain ang pinggan niya."Kumain ka nang kumain. Kailangan ng bata ang sustansiya."


"Ano ka ba, mauubos ko ba iyan?" reklamo niya.


"Dalawa na kayong kumakain ngayon. Hindi puwede iyong dati mong kain. Kailangan dagdagan mo. Mamaya ay hihingi tayo ng vitamins sa doktora," walang kangiti-ngiti at seryosong sabi nito.


"Bakit mo nasigurong doktora ang makikita nating doktor?" aniya na hindi magawang tanggihan ang pagsubo ni Troy. "Paano kung lalaking doktor?"


"You're forgetting your manners, sweetheart," nakangiting isinubo pa ni Troy ang natira sa kamay nito. "Don't talk when your mouth is full."


Napilitan siyang nguyain lahat ang nasa bibig. Sinamahan niya iyon ng abot ng tubig at uminom."Kakainis ka, ha!" mabulon-bulunang angil niya rito. Humalakhak lang si Troy at tinapos ang pagkain. "Bilisan mo at maghahanap pa tayo ng babaeng doktor."


Si Juling ay iiling-iling habang pinagmamasdan ang dalawa. Nasa puso ang matinding kalungkutan para sa alaga. Nasa puso rin ang panghihinayang para sa dalawa.


*************************Alam mo ateee Juling ramdam kita eh, ganyan na ganyan rin ang feels ko char. Kakapanghinayang talaga noh bakit naman kasi Troy at Jea char hahahaha. Ako na lang sana niyaya mo Troy eh di happy family agad tayo char hahaha - Admin A.... Happy weekends mga beshie, sana happy ang weekends n'yo. :) - Admin A . Stay safe and God bless. :) *************************************************************************************

Sweetheart 7 - Somewhere Between Lovers & Friends (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon