11

8.7K 289 26
                                    


KAGAGALING lang niya sa pagpapa-checkup kasama si Yaya Juling nang madatnan sa bahay si Troy. Inabutan niyang natutulog ito sa silid niya. Nakadapa sa kama. Half-naked. Maong lang ang suot.


It was so intimate watching him sleep in her own bed. Sleeping on her pillow. But then, alangan namang sa kabilang silid matulog si Troy gayong walang laman iyon.


Nakadama siya ng lungkot habang pinagmamasdan ito. Marami na ang nabago sa pagsasama nila. Parang hindi na sila ang dating magkaibigan. Pakiramdam niya ay may pader na sa kanilang pagitan. But neither were they lovers. Ano ang tawag sa kanila?


Then she remembered Kenny Roger's song—Somewhere Between Lovers and Friends.Naramdaman marahil ni Troy ang presensiya niya'y nagising ito. "Saan ka ba galing?""Sa doktor," umupo siya sa gilid ng kama. "Kumain ka na?"


"Hinihintay kita. Nagugutom na nga ako," bumangon ito at umupo sa tabi niya. "May dala akong ulam. Iyong paborito mo. Kalderetang baka, maanghang-anghang."


Tumayo siya. "Sasabihin ko sa Yaya Juling na maghain na."


Napuna niyang tahimik lang si Troy habang kumakain. Hindi siya nagtanong dahil kasabay nila si Juling. Nang makakain ang binata'y lumabas ito sa balkon sa harap ng bahay. Sumunod siya."May problema ba?" ang hindi makatiis niyang tanong.


Nilingon siya ni Troy at nagbuntong-hininga. "It's about Anette.""What about her? Nagkagalit ba kayo?" she asked curiously.


"Hindi. Kaya lang ay nagtatanong na siya kung kailan kami pakakasal."Natigilan si Jea. Ilang segundo ang lumipas bago nag-angat ng paningin at ngumiti. "So, ano ang problema roon? Hindi ba at noon ka pa naman handa."


"Dati, pero..." tumingin ito sa kanya. "Not now."


"Bakit naman?"


"Paano ka na?"


"Anong paano ako?" natatawang balik-tanong niya. Bagaman sa kaibuturan ng puso'y naroon ang sakit at hapdi. "Troy, huwag mo akong intindihin. Sa sandaling magpapakasal kayo'y aalis kami ni Yaya Juling dito."


"Hindi ganoon kadali, Je," nahihirapang wika nito. "Paano mong sasabihin sa mga magulang mo na nagkaanak tayo pagkatapos ay nagpakasal ako sa iba? Baka kahit mga magulang ko'y magalit sa akin."


"Napag-isipan ko na iyan," wika niya sa gumagaralgal na tinig. "Hindi nila kailangang malaman na ikaw ang ama. Anyway, sa batas natin ay talaga namang hindi magagamit ang pangalan mo. Matatanggap na siguro nilang nagkaanak ako nang walang ama. And who knows, baka lalaki ang maging anak ko'y magagamit niya ang Antonio. Di hindi sa akin natapos ang lahi ng daddy," she tried to joke about it.


"Sa tingin mo ba, gugustuhin kong walang kikilalaning ama ang anak ko?" galit at pait ang nasa tinig nito. "Jea, anak ko rin ang dinadala mo. At sinusunod ko lang kung ano ang gusto mo dahil natatakot ako sa maaari mong gawin. Na baka umalis ka at hindi na magpakita. Pero huwag mo akong tanggalan ng responsibilidad sa anak ko bilang ama."


Hindi agad nakakibo si Jea. Alam niyang hindi papayag si Troy sa gusto niyang mangyari pero paano nga ba niya sasabihin sa mga magulang na ang ama ng kanyang anak ay si Troy?


"P-paano na si Anette, ano ang sasabihin niya kapag nalaman niyang magkakaanak ka sa akin?""Hindi importante kung ano ang sasabihin niya. Ang mahalaga'y magampanan ko ang pagiging ama sa anak ko," mariing sabi nito kasabay ng pag-abot sa mga kamay niya. "Kung mahal niya ako... maiintindihan niya ako." Kinabig siya nito payakap.


"Ewan ko, Troy. Litong-lito rin ako," she tried to control her sob. "Kung minsan ay hindi ako makatulog, natatakot ako."


"Alam mo bang nami-miss na kita?" Hinawakan siya nito sa baba at itiningala. "Hindi ka nawawala sa paningin ko pero tila hindi na ikaw ang dating Jea na kilala ko. Parang nawawala na ang kaibigan ko."


And you'll never know just how much I missed you, Troy. You'll never know just how much I care."Huwag mo akong intindihin, pare," she smiled through misty eyes. "Ikaw pa rin ang kikilalaning ama ng anak ko... natin. Ang gusto ko lang ay lumigaya ka sa piling ni Anette."


Mahigpit siyang niyakap ni Troy sa paraang halos hindi siya makahinga. Hindi niya alam kung para saan iyon. Pagkatapos ay binitiwan siya at nagpaalam na aalis na. Ni hindi nito nakuhang magpaalam kay Juling.


Nang mawala sa paningin niya si Troy ay hindi niya mapigilan ang pag-iyak. Pareho silang nahihirapan sa sitwasyon.


******************Hayst ang hirap naman ng sitwasyon n'yong dalawa Jea and Troy. Pati ako nahihirapan eh nagbabasa lang naman ako char hahahaha - Ano sa tingin n'yo mga beshie? - Admin A *********************

**********Ang haba ng bakasyon ko ah hahahaha **********

Sweetheart 7 - Somewhere Between Lovers & Friends (COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now