7

8.9K 290 40
                                    


NAKATANAW siya sa dagat nang marinig ang pagparada ng pickup ni Troy sa tabi ng kubo. Napaangat siya sa pagkakaupo nang lumitaw ito sa tagiliran.


"May sakit ka raw sabi ni Tita Laila," wika nito na inisang hakbang ang baitang na kawayan. "Tumawag kasi ako kanina sa inyo at dito ka nga raw nagpapahinga." Inilagay sa tabi niya ang isang supot na prutas. "Kaya naisip kong umuwi nang maaga. Dumaan na tuloy ako sa palengke at binili ko iyan sa iyo."


"Di nagkagulo na naman ang mga tindera doon," biro niya.


Ngumisi si Troy. "Sanay na ako roon, sweetheart," pagkatapos ay sumeryoso. "Ano ang sakit mo? Sabi ng Tita Laila ay lagi kang matamlay nitong nakaraang mga araw."


"Masama lang ang timpla ko. Mawawala rin ito," inabot ang supot sa tabi at binuksan."Uso ang flu ngayon. Baka tatrangkasuhin ka."


Mabilis nitong binalatan ang sunkist. "Baka nga, dahil noong isang linggo ay ang Yaya Juling ang may trangkaso. Malamang na nahawa raw ako sabi ng Mommy. Ang nakapagtataka'y malakas akong kumain."


"Baka kulang ka sa paligo, friend."


"Sira," sagot niya na sunod-sunod ang subo ng orange."O, baka dahil matagal ka nang walang girlfriend," dugtong pa nito.


Binato niya ng balat ng sunkist ang binata at ngumiti. Paano niyang sasabihin dito na sa mga panahong inakala nitong tomboy siya ay hindi naman siya nag-enjoy kahit minsan sa mga babae? Na wala itong atraksiyon sa kanya. Siguro nga'y nadala lang siya ni Brenda.


"Gusto mo bang samahan kita sa doktor?" si Troy uli na niluwagan ang necktie at saka nagtanggal ng ilang butones sa polo shirt at nahagip ng tanaw ni Jea ang pinong balahibo sa dibdib nito. Mabilis niyang iniwas ang mga mata.


Umupo sa naroong silyang kawayan si Troy. Itinaas ang paa sa kinauupuan niya."Bakit, grabe na ba ang sakit ko?" natatawa niyang sagot. "O, kumusta na kayo ni Anette?" pag-iba niya ng usapan.


"Okay lang," kibit-balikat nito. "Actually, we're planning to get married this year."Na-freeze sa mga labi niya ang sunkist sandali. "S-sigurado ka na ba?"


"Siguro," bale-walang sagot nito.


"Ano bang sagot iyan. Dapat sigurado ka. Hindi biro ang papasukin mo," kaswal ang pagkakasabi niya subalit hindi iyon ang nararamdaman. Tila may mga karayom na ibinabaon sa puso niya nang isa-isa.


"Si Anette lang ang pinakamatagal sa mga naging girlfriends ko. So, siguro'y siya na nga.""K-kunsabagay," the sudden loneliness that she felt seemed to go bone-deep.


Dumukot sa supot ng sunkist si Troy. "Ipagbabalat na nga kita. Kung makakain ka ng sunkist ay tila ba ngayon ka lang nakatikim nito."


"CONGRATULATIONS," ang doktor na pinagpatingnan niya sa Trinidad. Ang bayang sinundan ng San Ignacio. At natitiyak niyang walang nakakakilala sa kanya. Besides, bago ang clinic. "You're six weeks on the way."

Sweetheart 7 - Somewhere Between Lovers & Friends (COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now