14

9.5K 323 62
                                    


"MOMMY," agad siyang yumakap sa ina nang lumabas ito ng silid ng ama sa ospital matapos pasukin ni Juling.


Dobleng gulat ang nasa mga mukha ni Laila nang makita siya. Kung bakit siya naroon at kung bakit ganoon ang kalagayan niya. Kumawala ito.


"J-Jea..." palipat-lipat sa mukha at tiyan niya ang mga mata ng ina."I'm sorry, Mommy... I'm so sorry," pigil na pigil niya ang mapahagulhol. Puro iyak na lang ang ginagawa niya nitong mga nakaraang araw. "Hindi ko gustong mabigla kayo ni Daddy... ayokong pasamain ang loob ninyo."


"Nag... nag-asawa ka ba sa destino mo?" naguguluhang tanong pa rin ni Laila.Umiling siya. Hindi makatingin sa ina. "Iyon ang dahilan kaya umalis ako, Mom. W-wala akong maipakilalang ama ng magiging anak ko sa inyo. Forgive me, Mom. Kayo ni Daddy."Iniupo siya ni Laila sa naroong hospital bench. Ilang sandaling walang masabi.


"You should have trusted us, Jea. Totoong magagalit ako, lalo na ang Daddy mo na..." napailing ito.


Tila isang déjà vu ang nangyayari. Noong panahon ni Kimberly at Renz. Bagaman nagkalakas ng loob si Kim na sabihin sa mga magulang ang pagdadalang-tao. Isang malaking kahihiyan sa pamilya iyon kung hindi nagawan ng paraan ng biyenan.


"Alam ito ni Troy at ni Juling pero—" napaungol si Laila, muli'y nawalan ng sasabihin. Hindi pa rin makapaniwala. "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Saan ba kami nagkulang ng Daddy mo, anak?" buong kapaitang wika nito na lalo lamang nagpasurot sa konsiyensiya ni Jea.


 "All our lives was spent watching you... caring for you. Itinanim sa kaisipan mo ang kahalagahan ng moral, ng... oh!"

"Mom, humihingi ako ng tawad," pahikbing sabi niya. "At gusto ko lang namang masilip ang Daddy kaya ako narito."


Nanlulumong napatayo si Laila at humakbang patungo sa pinto. "Nariyan ang Daddy mo sa loob. Natutulog..."


Kinakabahang sumilip ang dalaga. Nasa kama ang ama. May poste ng suwero pero wala nang laman at hindi na nakakabit.


"Daddy..." she choked the word. Ilang sandaling minasdan ang ama at saka tumuwid ng tayo. "Aalis na ako, Mom."


"Ano ang sasabihin ko sa Daddy mo, Jea?"


"Baka makasama sa kanyang malaman, Mommy," lalo lamang nagsikip ang dibdib niya at gumulo ang kaisipan. Isang pagkakamali at tila domino na bumigay ang lahat. "How is he?"


"Maraming trabaho nitong nakaraang linggo sa opisina. Masama na marahil ang pakiramdam niya kaya nagsikip ang paghinga. But it was a mild attack. There's no cause for alarm, he's all right. Kaunting pahinga at ingat sa pagkain."


Tahimik siyang umusal ng pasasalamat. Muling yumakap sa ina at saka niyakag si Juling na umalis na.


Palabas na sila ng gate ng ospital nang masalubong ang papasok na pickup ni Troy. Agad itong nagpreno at binuksan ang salamin sa bintana ng sasakyan.

Sweetheart 7 - Somewhere Between Lovers & Friends (COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now