12

9.2K 309 65
                                    

MATAPOS ang pangyayaring iyon ay dalawang linggong hindi dumalaw si Troy. Iniwan nito sa kanya ang CP nito para magamit niya sa emergency. Subalit kahit tawag ay hindi tumatawag ang binata.


"Marahil ay naghahanda na para sa pagpapakasal nila ni Anette," aniya kay Yaya Juling nang mabanggit kung bakit matagal itong hindi nadadalaw. Hindi niya sinasalubong ang mga mata ng matandang babae.


"Si Troy ang ama ng nasa sinapupunan mo, Jea, hindi ba?" wika ng matandang babae makalipas ang mahabang katahimikan.


Biglang nag-angat siya ng paningin. Nawalan ng kulay ang mukha. "B-bakit naman ninyo nasabi iyan?"


Huminga nang malalim ang matandang babae at kinabig siya payakap. "Hindi ko alam kung ano ang problemang kinakaharap ninyong dalawa, Jea. Pero kahit ako'y nahihirapan para sa inyo. Hindi ko gustong makialam pero kung kailangan mo ng tulong ko'y magsabi ka lang."


Bumigay ang mga luha niya. Hindi siya sumagot, ni nagpaliwanag. Subalit sapat na ang kumpirmasyong iyon. At kahit paano'y lumuwag ang dibdib niyang hindi siya laging nag-aalala sa matandang babae.


"HELLO," isang ring pa lang ay sinagot na niya agad ang CP."Kumusta ka na," bungad agad ni Troy.


"M-mabuti. Ikaw?" Isinandal niya ang ulo sa headboard at pumikit. She missed him so much."Busy sa opisina. Auditing week ngayon. And as of now, pinag-uusapan na namin ni Anette ang tungkol sa kasal," pagbabalita nito.


"G-ganoon ba?" ni hindi halos magdaan sa lalamunan niya ang salita. Parang may mga aspili sa palibot ng dibdib niya. "Tuloy na bang talaga?"


"Hinihintay niya ang pagdating ng father niya galing sa Maynila. Darating daw at dadalawin siya. Gusto niyang mamanhikan na kami," walang siglang sabi nito.


"C-congratulations, then," bahagya pa siyang tumawa pero hindi niya alam kung saan galing ang mga likidong dumadaloy sa pisngi niya.


"Itinatanong ka nga ng Mama. Ikaw ang gusto niyang maid of honor."


"Imposible, Troy," she whispered painfully. "Bahala ka nang magdahilan. Baka nga hindi ako maka-attend sa kasal mo, 'di ba?"


"Sige. Magpahinga ka na, tila ka may sipon. 'Pag nakaluwag ako sa schedule ko ay pupunta ako riyan."


"Troy..." aniya bago naibaba ni Troy ang telepono."Yes?"


"N-nothing. It's... just that I miss you."


Matagal bago sumagot ang binata. Muntik na niyang isiping wala na ito sa linya. "You can't know how much I miss you too, Je." Iyon lang at ibinaba na nito ang telepono.


Pinunasan niya ng likod ng palad ang mga luhang ayaw huminto sa pagtulo. Minumura na niya ang sarili sa pag-iiyak. Wala sa loob na napahawak siya sa tiyan niya. Hindi niya maiwasang hindi maawa sa sarili pero agad iyong binura sa isip.


MAAGA siyang umalis nang araw na iyon. Gusto niyang magpunta sa Trinidad. Tatlong linggo na mula nang magkausap sila ni Troy pero hindi natupad ang sinabi nito na dadalawin siya. Nag-aalala na siya na baka nagkaproblema ito.


Inipon niyang lahat ang lakas ng loob and tried contacting him twice at his office subalit hindi niya matiyempuhan. Kung hindi wala ay nasa meeting, ang sabi ng sekretarya. Hindi naman niya gustong tawagan ito sa bahay dahil baka ang papa at mama nito ang makasagot at wala siya sa kondisyong sumagot sa mga tanong ng mga ito.


Kahit nang tumawag siya sa kanila at itanong sa Mommy niya ay wala rin itong nasabi maliban sa hindi gaanong napagkikita si Troy. Kaya kahit takot na baka may makakita sa kanya ay lakas-loob siyang tumungo sa Trinidad upang makita ito.


Alas-kuwatro ang labasan ng opisina sa bangko. Hindi siya tumuloy sa opisina nito at naghintay sa parking lot, sa tabi ng pickup ng binata. Nakaramdam siya ng kasiyahan nang makitang lumalabas ng bangko si Troy nang bandang alas-tres. Lalapitan sana niya ito nang mapaurong siya. Kasama nito si Anette at nagtatawanan pa ang mga ito.


May galit na bumangon sa dibdib niya. Alalang-alala siya rito at buong akala'y may malaking problema pero hayun at mukhang maligayang-maligaya. Hindi man lang maalalang angatin ang telepono at kumustahin siya.


Pero hindi niya obligasyon iyon, Jea. He proposed marriage pero tumanggi ka. At alangan namang bale-walain niya ang nobya niya dahil lang sa iyo. He had given so much of his time for you, ang sinasabing iyon ng isang bahagi ng isip ay unti-unting nagpapalis ng galit sa dibdib niya.


Mabilis siyang tumalikod at lumayo. Hindi niya gustong makita siya ni Troy doon, nagmumukha siyang kawawa. Pinigil niya ang sariling maiyak dahil nasa bus na siya. Labis ang sakit na dulot ng pagkakita niya rito kasama si Anette.


Dinama niya ang tiyan. "I'm sorry. I love your father, perhaps loved him from the very start. Pero may nagmamay-ari na sa kanya, eh. He can never be mine," ang isip niya na tuluyang nagpalabo sa paningin dahil sa mga luhang mabilis na nag-uunahan sa pagbagsak. Hindi pinansin ang curious na tinging ibinibigay ng katabi.



***********************Kawawa naman si Jea, minsan talaga huli na ang lahat bago pa natin malaman na mahal natin ang isang tao huhuh. :( Nalungkot ako para sa'yo Jea. - Admin A ************************************

Sweetheart 7 - Somewhere Between Lovers & Friends (COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now