2

10.5K 303 22
                                    


NAGMAMADALING umahon sa dagat si Jea nang matanawan sa baybayin si Troy.


"O, pare, naliligaw ka. Maliligo ka rin ba?" bati niya. Naka-boxer shorts ito at puting kamiseta."Mamaya na. Nag-aaya nang mananghalian ang mommy at daddy mo. Siyempre pahihindian ko ba, eh, ang sarap ng inihaw na buntot ng baboy," nakangising sagot nito. Tinitigan ang

 dalagitang tumutulo ang tubig sa katawan. Naka-short shorts na maong at itim na tank top.

 "Tila hindi ka tibo diyan sa ayos mong iyan, ah. At—" natawag ang pansin nito sa babaeng kumakaway sa dagat. "Si Dindin ba iyon?" Ginantihan nito ng kaway ang babae.

"Siya nga," nilingon niya sandali ang babae na naka-float, muling lumingon kay Troy at ngumiti na tila nagyayabang. Si Dindin ay isang transferee mula sa isang exclusive school na pambabae sa kabilang bayan at alam niyang balak pormahan ni Troy. "Naunahan ba kita, ha, pare?"


"Siya ba ngayon ang girlfriend mo?" nakatawang tanong nito sa tinig na sadyang nilakasan."Sshh! Huwag kang maingay," saway niya sabay sulyap sa likod ni Troy. "Nasa likod mo ang Mommy."


"Hija," si Laila. "Yayain mo na ang kaibigan mo at si Troy. Kumain na kayo.""Mamaya na kami, Mom. Nag-e-enjoy pa sa tubig si Dindin.""Baka nagugutom na si Troy, Jea."


"Hindi, Mom," mabilis niyang sagot at hinila si Troy palayo. "Bakit ka ba nandito?" inis niyang tanong.


"Naisipan ko lang. Masama ba?""Masama dahil baka madulas ka sa harap ng Mommy at Daddy. Muntik mo na pati akong ibuko. Naku, Troy, hindi kita patatawarin," babala niya.


"Ipapahamak ba kita? Sasabihin ko bang tibo ang anak nila?" bahagya nitong nilakasan ang tinig bilang pang-asar lalo.Nilingon ni Jea ang ina subalit bumalik na ito sa cottage. Inambaan ng suntok si Troy na umatras. "Ang galing mo talagang mang-asar, ano?"


"Ang dali mo naman kasing mapikon. O, ano, kumusta na kayong dalawa ni Dindin? Kailan pa kayo mag-on?"Umupo sa ibaba ng malaking bato si Jea. Hinayaang laruin ng mga alon ang binti. Sumunod si Troy pero nanatiling nakatayo.


"Hindi ka na sumagot."Huminga siya nang malalim. "Isang linggo na kami. At hindi ko nga malaman ang gagawin kung paano magtatagal ang relasyon naming dalawa. May palagay akong may inaasahan siya sa akin."


Umangat ang mga kilay ng binata sa amusement. "Regalo? Bigyan mo ng isang kaing na tahong at talaba.""Puro ka naman kalokohan, eh. Sabi ni Brenda ay i-date ko raw," nakasimangot niyang sagot."Sweetheart, manghihiram ka lang yata ng pang-date, nagpapasakalye ka pa. Diretsahin mo na. May dalawandaan ako rito."


"Pare, hindi iyon ang problema ko, eh," she made a face at bahagyang lumingon sa tubig sa bandang kinaroroonan ni Dindin. "Problema ko'y kung saan kami magdi-date na walang makakakilala sa akin."


"Problema nga iyan," patianod ni Troy na pilit itinatago ang amusement."Isa pa, ano naman ang gagawin namin 'pag nag-date kami."


"Lalo pang problema iyan," halos hindi na nito mapigil ang pagtawa. Mabuti na lang at ang buong pansin ni Jea ay nakatuon sa problemang sinasabi.Bigla itong tumingala sa binata. "Troy..."


"Uh... uh..." itinaas ni Troy ang dalawang kamay. "Kabisado ko iyang tinging iyan. Huwag mong sabihin sa aking gusto mo akong gawing chaperon ninyong dalawa at ipapabahala mo sa akin kung saan kayo magdi-date."


"Sira. Di lalong hindi ko nai-date si Dindin 'pag kasama kita. You will steal my girlfriend away from me in my very eyes. Iba ang iniisip ko..." titig na titig siya sa binata sa paraang nangangawit na ang leeg sa pagtingala rito. "Maupo ka nga."


Masunuring umupo si Troy. "Ano kung gayon?"Ilang beses lumunok si Jea bago nagsalita. "S-sabi kasi ni Brenda ay h-hagkan ko si Dindin 'pag nakatiyempo ako."


"Hindi mo pa ba nahahalikan?" angat ang kilay na sabi nito. Nakakaloko ang ngisi. "Ang hina mo naman. Dito lang ay ubra na. Sumisid kayong pareho sa dagat at saka mo hagkan," ngiting-ngiting sulsol nito.


"I-iyon nga ang problema ko, eh. H-hindi ako marunong n'on...""Ang alin? Sumisid?"


"Ako pa? Iyong halik na sinasabi mo ang ibig kong sabihin.""Aba, malaking problema nga iyan," ani Troy na kumikislap ang mga mata."Paano ko ba gagawin iyon?" seryosong tanong niya. "Ituro mo kaya sa akin."Muntik nang mapaubo si Troy sa sinabi niya. Mabilis na lumayo. "Ano ang ibig mong sabihin?" seryosong wika nito.


Nagkibit siya ng mga balikat. "Magkaibigan naman tayo, 'di ba?""So?""If you'll..." lumingon muna siya sa pinanggalingan. "...kiss me now, malalaman ko kung paano ko hahalikan si Dindin, 'di ba?"


"Sapak, gusto mo?" wika nito na iniamba ang nakakuyom na kamao.Magkahalong pakiusap at inis ang tinig niya nang muling magsalita. "Para ka namang others, pare, eh. Kung hahalikan mo ako kahit sandali, walang malisya iyon dahil magkaibigan naman tayo."


Isang palsipikadong ngiti ang ibinigay ni Troy sa kanya. Pinitsirahan siya na napaangat siya sa tubig at saka inilapit ang mukha niya sa mukha nito.


"That is precisely my point, Janice Elizabeth Antonio. We are friends. At kung gagawin ko ang sinasabi mo, hindi na tayo magkaibigan, okay?" At saka bigla siyang binitiwan na kung wala ang bato ay baka natumba siya sa tubig.


"Troy, ano ba!" habol niya sa binata na bumalik sa pinanggalingan nila.Nilingon siya nito. "Kung hindi kita kayang sapakin, isusumbong na lang kita sa Tito Patrick kapag ipinilit mo iyang kalokohan mo! Tingnan ko lang pag hindi namaga iyang puwet mo sa palo."


"KJ!"



***********************************Napaka-chill ng story na ito char hahahaha, bumabalik ako sa kabataan ko, yung mga panahong ganito pa kami nuon eh nung mga friends ko char hahahahaha. Hayst miss ko na ang milk tea ko char hahahaha. - Admin A **************

Sweetheart 7 - Somewhere Between Lovers & Friends (COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now