CHAPTER 45.2 - HEADACHE AGAIN

6.7K 402 193
                                    

ASHARI'S POV

Saktong isang buwan na mula ang madrama kong pag-alis sa mga Marchese.

At sa palagay ko, sapat na ang isang buwang pagbubulakbol. Dapat ay mag-aral naman akong mabuti--este mangopya ng maigi kay Kiffiana!

Sa sobrang determinasyon ko sa pagbabagong buhay sa pag-aaral, sinundan ko si Kiffy dito sa National Bookstore. Lahat ng bibilhin niya, bibilhin ko din. Malay natin tumalino ako ng kasing talino niya.

Dumampot si Kiffy ng isang eraser, kumuha din ako ng dalawa. Kumuha siya ng dalawang ballpen, kumuha ako ng apat. Kumuha din siya ng isang rim ng bind paper kaya kumuha ako ng dalawa.

Basta lahat ng kinukuha niya, dinodoble ko. Mayaman ako e! Milyonarya kaya 'to! Atsaka naniniwala ako na kapag dinoble ko ang bili e mas tatalino pa ako dito kay Kiffy.

Baka sa susunod siya na mangopya sa akin MWAHAHAHA!

"Stop following me and stop getting the same things double of what I am getting!" Nag freeze ang kamay ko sa pagdampot ng folder ng bigla akong sungitan ni Kiffy. Luh, may dalaw ba siya?

Bago pa ako magsalita, tinalikuran na ako ni Kiffy. Dumiretsyo siya doon sa book area.

"Sunget!" reklamo ko sabay dampot ng sampong folder atsaka inilagay iyon sa cart ko.

Sinundan ko si Kiffy sa book area.

Anong libro kaya bibilhin non?

Pagdating ko sa pwesto ni Kiffy, agad kong sinilip kung ano 'yung librong hawak niya.

Infairness ha, ang bilis niyang nakapili ng libro! Ganon ba talaga kapag matalino?

Pagbaba ng mata ko sa libro na binabasa ni Kiffy, parang may kung anong nagpatigil sa buong sistema ko.

Iyon 'yung libro na isinulat ni Madam Angel. Iyong libro na patungkol lahat kay Gali.

"This kid is living his life to the fullest." komento ni Kiffy. Nanlalamig ang buong katawan ko na pinagmasdan siya habang inililipat ang bawat pahina. "He has everything but I wonder if he is happy."

Wala sa sariling nakagat ko ang ibabang labi. Leche naman, bakit ba kung kaylan ko sinasabing kakalimutan ko sila at si Gali, atsaka naman ipinapakita sa akin ng tadhana ang mga ganito!

Pabibo lang noh, papampam!

Nakita ko na inilagay ni Kiffy ang libro sa cart niya.

"Huwag mong bilhin..." hindi ko alam pero bumulalas iyon sa bibig ko.

Masungit akong nilingon ni Kiffy. "Bakit hindi?"

Kasi kapag binili mo 'yan, bibili din ako ng dalawang copy! Ayoko ng may kahit anong connection ako kay Gali at sa kahit sinong Marchese.

"Sayang lang pera mo diyan."

Bumaba naman ang tingin ni Kiffy sa cart ko. "Sabihin mo 'yan sa sarili mo Ashari. You are hoarding, hindi ba mas sayang ang pera sa ganyan?"

Edi waw cubao! Basta si Kiffy, barado ako palagi! Nilayasan niya ako para magbayad na sa counter.

Naiwan akong nakatitig sa natitirang dalawang copy ng libro na nasa estante.

Nakatitig ako sa mukha ni Gali na cover ng page. Habang nakikipagtitigan ako dito, pakiramdam ko biglang gumagalaw yung picture. Parang biglang nagmamaka-awa naman na sa akin na bilhin ko silang dalawang natitira.

Sinapak ko ng mahina ang sarili ko. Kaylangan ko na yatang magpa check up ng mata. Mula pa kahapon ako nakakakita ng mga tao na hindi ko dapat makita.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon