CHAPTER 39- THE TRIAL

5.7K 348 145
                                    

THIRD PERSON'S POV

MPO's Trial...

O paglilitis sa pinakamababaw na salita. Ginagawa ito sa mga special cases. Usually, kapag may civilian na na-involved sa mga mafian businesses.

Bago maging opisyal ang trial, 50% sa MPO ang kaylangang mag-approve dito. Ibig sabihin, dapat ay umabot sa limang ulo ng executives ang papayag.

Pagkatapos, tatlo sa kanila ang kaylangang um-attend bilang maging judge sa mismong trial.

Isa ding MPO executive member ang gaganap bilang prosecutor.

Ang lilitisin ay maaring kumuha ng isa o higit pang abogado upang maipaglaban ang kaniyang karapatan.

Ginaganap ito sa lugar depende sa mapagkakasunduan. Kadalasan, ginaganap ito sa mansion ng mafian community na involved pero sa kalagayan ni Ashari...

"HOY SAAN NIYO NGA AKO DADALHIN? Kanina pa ako tanong ng tanong. May mga tutuli ba kayo sa tenga at hindi niyo ako nadidinig?" nakasakay sila sa isang itim na van. Nasa unahan si Easton katabi ng driver at katabi naman niya si Kumareng Helen.

May mga nauuna sa kanilang kotse. Kotse nila Dyther, Adolfo and others!

"Dear, hush ka lang ok? Kaylangan natin ng matinding concentration ngayon. Let's conserve our energy."

Pinanlakihan ng mata ni Ashari si Kumareng Helen na cool na cool at chilax na chilax.

"Ang panget niyo naman kabonding!"

Hindi alam ni Ashari kung ano ang nangyayari. Ang alam lang niya e isasalpak siya sa isang trial. Malay ba niya kung saan siya dadalhin ng mga Marchese na ito.

Tumingin siya sa front seat kung nasaan si Easton. Miski ito ay normal lang ang ekspresyon.

Siguro naman hindi siya mapapano noh?

"Psst," kinalabit niya si Kumareng Helen na nakapikit at literal na nag co-conserve ng energy.

"Hmmm? Why dear?"

"Anong gagawin niyo sa akin? Wala naman kayong balak na ibenta ang laman loob ko diba?"

"Don't worry dear, we don't sell organs."

Lalo kinakabahan si Ashari sa concentration na ginagawa ni Kumare e. "Ang sabi mo trial, anong trial ba 'yon? Ikukulong ba ako? Ipapatapon sa isolated na isla? Ibigay niyo muna 505 million ko bago mangyari yon!"

Nagdilat ng mata si kumare at takhang tumingin kay Ashari.

"Ashari dear, you will be investigated and judged base on what you have read about Project ExG. Huwag kang mag-alala, hindi ka makukulong, baka ipapatay ka lang nila."

Bumagsak ang panga ni Ashari sa narinig. Nanlamig ang buong sistema niya. Naubos yata lahat ng dugo sa katawan niya e. Sabi na! Sabi na ihahatid siya ng mga ito sa huling hantungan.

Bwisit! Bakit ba kasi nahuli pa siya sa pagbabasa ng ipinagbabawal na libro.


"Oh goodness. You are turning pale." legit na namutla nga si Ashari ng marealize niya na buhay niya ang nakasalalay dito. "We hired a top notch and the best mafian-lawyer for you dear. You have nothing to worry about."

Medyo bumalik ang buhay sa dugo ni Ashari. Phew buti nalang talaga at reliable din kahit papaano itong si Kumareng Helen.

Mananalangin na siya ngayon palang na nawa e magaling na lawyer talaga ang ibinigay sa kaniya. Ililibre niya bg 1 million worth ng fishball ang lawyer kapag nailigtas nito ang buhay niya.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now