CHAPTER 21 - WELCOME PHONE

5.8K 254 63
                                    


ASHARI'S POV


A-Y-A-W K-O N-A!

SUKO NA AKOOO!

Bakit?

Sinong hindi susuko sa sangkaterbang gagawin ha? Bukod sa gutom na ako, hindi na madigest ng utak ko ang mga pinagsasabi nitong si Uranggu.

Una,

"Kapag papaliguan si Gali, 37 degree Celsius o 98.6 degree farenheit. Eksakto, bawal lumampas ng kahit isang degree. Intsyendes? May thermemoter ang bath tub niya, bawal siya lumampas ng 10 mins sa pagpapaligo!"

Pangalawa,

"Sensitive ang skin ni Gali, ito gamitin mo...'yan ang pinakamahal na tuwalya sa buong mundo! Gawa 'yan sa sheep's wool! Kulang ang sampong taon mong paninilbihan dito bago makabili niyan!"

Pangatlo,

"Ang sabon na gamit ni Gali ay kasing mahal ng pabango niya. Exclusive para sa balat lang niya 'yon! Hindi siya pwedeng gumamit ng kahit anong pipitsugin na brand! Huwag mong titipidin, ibuhos mo ng sapat! 15 ml sa sabon, para sa buong katawan niya at 5 ml sa shampoo. Tandaan, ang shampoo ni Gali ay nagkakahalagang kalahating milyon! 'Yon ang hiyang niya kaya huwag kang manghinayang sa shampoo!"

Pang-apat,

"Moisturizer, mahal din yan! Lotion, may centrifuged gold 'yan! Pang patatag ng balat! Pea size para sa paa niya, four drops para sa kamay at 1 squeeze para buong katawan! Naiintindihan mo ba?"

Pang lima,

"Isuot mo sa kaniya ang damit na'to! Huwag mong lulukutin dahil ang damit niya ay inilalagay sa isang museum na para kay Gali lamang! Hindi basta basta ang mga damit na'yan! 'Yan yung mga ino-auction na aabot sa dalawang milyong piso!"


Pang-anim,

"Ang diaper niya ay ready to made! Made out of the most expensive cotton! Kita mo 'yung pin na nandiyan, pure gold 'yan! 50k each! Ikabit ng maayos ang diaper, every hour or every needed papalitan ok!?"


Pang-pito

"Kung sa yaman lang, walang problema ang mga Marchese! Kayang kaya ka nilang bilhin, Ashari kaya huwag mong subukang takasan ang responsibilidad mo dito!"


Pang walo,

"Hindi pwedeng pagsalitaan ng masasama si Gali! Ayusin mo pananalita mo!"


Pang siyam,

"Ang paglalaro niya ay maximum tatlong oras. Bawal kulangin, bawal sumobra! Doon lamang siya pwedeng maglaro sa play room niya na nasa south wing! Hindi pwede sa labas! Kahit sa garden bawal!"


Pang sampo,

"BAWAL SIYANG MAULANAN OKEH? Never pang nakasalat ng tubig ulan 'yang balat ni Gali!"

Pang labing-isa,



"HINDI PA BA 'TO MATATAPOS?" ako na sumagot kay Uranggutan. Leche napakadami namang kaechosan!


Oo na! Oo na nga diba? Sandamukal na sa yaman 'tong si Gali. Siya na may malaking walk in closet, siya na may yayamaning bathroom at yayamaning gamit. Siya na hindi gumagamit ng safe guard! Siya na may thermometer sa CR, oo di na siya gumagamit ng tabo at higit sa lahat hindi siya nakakadampi ng malamig na tubig! Hindi din siya nahihilam!!!

SIYA NA HINDI NA-UULANAN SIGE!

Siya na may pang auction na damit, yayamaning pabango at siya na din ang may diaper na tataehan lang naman e sing mahal pa ng sampong taon kong pagtatrabaho dito! SIYA NA OKEEH?

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon