CHAPTER 35 - HOME

6K 387 97
                                    

ASHARI'S POV



Malungkot ako. Gabi gabi, bago matulog iniisip ko kung bakit kaylangan kong maging mag-isa. Bakit wala akong kasama? Bakit wala akong magulang? Bakit wala akong kaibigan? Ah, siguro kasi inilalayo ko ang sarili ko sa kanila? Bakit kaylangan kong sanayin ang sarili ko na malayo sa ibang tao? Bakit pilit kong nilalagyan ng barrier ang sarili ko sa iba? Bakit masyado akong hard sa sarili na pati sa ibang tao hindi ko napapansin ganoon na din pala ako.

I am a sad soul until one day...



Hinding hindi ko makakalimutan noong unang beses na kumatok si Gali sa pintuan ng bahay. Ang baho niya at akala ko talaga ipinaglihi sa maligno. Mukhang engkantong nuno e. Amoy imbornal pa.

Gigil na gigil ako noon kasi bukod sa imbis na nag-k-kdrama nalang ako at ninanamnam ang kagwapuhan ni Cha Eun Woo e may bata pa akong dapat alagaan. Oh, saan ka pa hindi ba? Minsan lang magkaroon ng teacher's conference sa isang taon, 'yung mini bakasyon ko na-udlot pa.

Speaking of mini bakasyon...hindi ko makakalimutan na ang  mini bakasyon ko e naging pang 1 month pala. Sino ba kasi mag-aakala na magiging mala roller coaster with matching babysitting ng malignong bata na may kasama pang barilan, habulan, takbuhan, sakalan, bombahan, kabayuhan, lunudan at higit sa lahat halikan. 

Oh diba, sobrang saya ng naging bakasyon ko.

Tapos nakidnap pa ako.

Enjoy na enjoy ko pa nga e, akala ko kasi anghel. Nakalimutan ko na si satan nga din pala ay dating angel.

Simpleng mamamayan lang ako na scholar ni mayor pero nakilala ko ang mga tao na hindi ko naman dapat makikilala.

Mafias...

Ni minsan hindi ko inisip na ma-i-involve ako sa kanila, haler, pang worldwide ang ganap nila samantalang ako hanggang sa tindahan lang ni Aling Marites...

May nakilala akong Easton isprikiton na walang alam kundi ang pagplanuhan ang pagpatay niya sa akin. Mukha siyang I will kill you kasi. Si Easton na number 1 na rason ng lahat ng paghihirap ko. Kung wala siya sa Marchese hayahay sana ang pag-b-babysit ko kay Gali. Nakilala ko din si number 2 pahirap, ang boy animal na si Dyther. Imagine, unang araw naming mag-usap dinala agad ako sa lupon ng mga ka-uri niya na hayop! Tss, ang panget niya kabonding! Pang number 3 syempre si Angel the Uranggu. Pantay sana sila ni Dyther sa ranking pero binigyan niya ako ng iPhone kaya pang number 3 siya. Walang ibang ginawa 'yun kundi isigaw ang pangalan ko sa mansion kapag hindi niya ako nakikita. Feel ko crush ako ni Uranggu, di lang niya masabi kay Nate! Pantay sa listahan ko si Nate at si Kumareng Helen. Minsan lang nila ako bwisitin pero kapag binwisit naman nila ako e sagad.



Marami pa akong nakilala na hindi naman gaanong mahalaga ang existence sa point of view ko kaya hindi ko na sila isinama sa listahan.

Nakilala ko sila...

Nangyari nga ang lahat...



At dahil iyon sa simpleng pagkatok ni Gali sa pintuan ng bahay ko.

Gali broke that barrier inside me. He introduced me in a world I don't even know existing. 

Oras na maka-uwi ako, yayakapin ko ng mahigpit si Gali hanggang sa mapiraot ko ang pisngi niyang matambok!



Pero bago mangyari 'yon, bago kami magkita ulit ni Gali...



Kaylangan ko munang harapin ang Big Boss ng mga sugo ng kadiliman!



BABYSITTING THE MAFIA'S KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon