CHAPTER 11 - DON'T PULL THE TRIGGER

8.6K 407 95
                                    



ASHARI'S POV


"Now we can talk..." malamig at malalim ang boses na wika ni Isprikitikton "...alone." dagdag pa nito.


Napalunok ako. "A-ano bang pag-uusapan natin?" nag-a-alangan kong tanong sa kaniya. Nakatayo pa din ako dito sa may gawi ng pinto habang nakatingin lang sa mga pisngi niya. Oo, ayoko siyang tingnan sa mata kaya sa pisngi lang niya ako nakatingin!

Parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig sa pwesto ko ng makita ko na tumayo siya at naglakad papunta sa akin.

Napalunok muli ako ng huminto siya sa harapan ko. Ang tangkad niya talaga, considering na hindi naman ako kaliitan. Sakto lang ang height ko pero naiiwan pa din ako sa height niya


"Now tell me, anong relasyon mo sa mga Silvia?" malamig at mapanuri niyang tanong sa malalim na boses. Nakita ko ang mata niya na nakatingin sa akin pailalim. Those stares, towering its domainance!

Nakaka-intimida ang mga mata niya.

Kalimutan mo muna mga tingin niya Ashari okeh? Tinatanong ka niya tungkol sa sa mga Silvia. Sa side ng nanay ko?

Bakit? Para saan? Bakit parang ang big deal non sa kanila...sa kaniya...


"W-wala. Hindi kami close ng mga pinsan ko." nasabi ko nalang kasi hindi naman talaga kami close. Kapag nga nag rereunion kami, nandoon lang ako sa gilid pa-irap irap kasi lahat ng pinsan ko mga pabibo kid. Gusto kanila lahat ng papremyo sa mga laro.



Halatang ang pagpipigil ng galit ni Isprikiton isptrikitik. Nagtitiim ang bagang niya at kulang nalang sapakin ako para mabawasan ang stress niya sa akin.



"I'll let you slide this time about Silvian matter since there's no concrete evidence yet. Pero oras na malaman kong may relasyon ka sa kanila, ako mismo kikitil sa buhay mo." seryoso siya.


Hoy grabe ha, kahit gaano ako kasamang tao hindi naman ako dumating sa point na papatay ako dahil sa kamag anak ng kinagagalitan ko. Pang low class lang yung ganon noh.


Isang masamang tingin ang ibinato ni Boy Isprikiton sa akin bago siya naglakad pabalik sa upuan niya. Nakahinga ako ng maluwag pheww.




"Why don't you take your sit first?" utos niya na pagkaupong pagkaupo kaya ayan, bumalik nanaman ang kaba ko. Haler, ang upuan na ino-offer niya ay 'yung katapat ng kaniya.

Nag-aalala kasi ako noh, baka mamaya kapag lumapit ako sa kaniya e mapatay ko nalang siya ng wala sa oras. Maging murderer pa ako! Hanggat maaari umiiwas lang ako sa tukso ng kasalanan!



Kinalma ko ang sarili ko at nakaposas pa din na umupo sa itim na sofa na katapat ng kaniya. Ang bait bait kong umupo, dapat ma-maintain ko ang kaibaitan kong 'to hanggang makalabas ako ng walang napapatay dito!

"So ano na nga ang pag-uusapan natin?" tanong ko pag kaupo.

Tiningnan lang ako ng seryoso ni Boy Isprikiton. Hindi ko talaga siya matitigan sa mata. Iba kasi 'yung tingin niya e, parang nanghihigop na hindi mo malaman. Alam ko naman na maganda ang mata niya, sana naman huwag siyang ganyan tumingin noh. Hindi ko ma-appreciate ang ganda ng mata niya e.


"I have questions." bawat pagsasalita niya, tila isang command o utos na dapat mong sundin. "I am an impatient listener, Ashari..." and the way he says my name...it's different, parang lalo akong hinihigop papunta sa kaniya.

"I want direct to the point answers sa lahat ng itatanong ko sa'yo." he stated. Tumango tango naman ako at blankong nakatingin sa kaniya.


BABYSITTING THE MAFIA'S KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon