CHAPTER 13 - ZOOLOGY

8.8K 320 14
                                    


ASHARI JENESSE FERELL'S POV

Nasa isang magandang garden ako naka-upo kaharap ang isang lalaki dito sa garden table. May tsaa at pang mayaman na biscuit na nakahain sa harap naming parehas. Para akong aso na ngingiti ngiti sa harapan niya.

"How's your sleep?" nakangiti din niyang tanong sa akin--ni Boy Tsaa bago humigop doon sa tasa niya. Hindi ko tinanggal ang ngiti ko sa labi pero kaunting kaunti nalang hindi na ako makakapagpigil.

"Kaylan niyo ako balak pauwiin?" .

Hindi ko sinagot yung tanong niya tungkol sa tulog ko dito sa lugar na'to kasi ayaw ko ng alalahanin ang mga nangyari kahapon! Linggo na oh, anong petsa na nandito pa din ako sa Earth version ng impyerno. ARGHHHH!! BAKIT BA KASI AKO TUMAKBO PAPUNTA SA GALI THE CHANAK NA'YON HA? PAHALIK HALIK PA AKO SA NOO NIYA. TAPOS ANO PA SABI KO?

'Oo, dito lang ako ok? Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan'

EWWWWW!!! YUCK!!!! ANONG MASAMANG HANGIN ANG PUMASOK SA UTAK KO NG MGA PANAHON NA'YON? ARGH!

Kalma ka Ashari ok, ganito kasi 'yan...simple lang ang sagot diyan.

Nadala ka kasi sa mga pangyayari kaya dapat mag function ang mga braincells mo at mag isip ng pinaka safe na paraan para iligtas ang buhay mo. Hello, kamuntik na kaya ikaw mamatay kahapon sa kamay ni Boy Isprikiton. Ikaw man tutukan ng baril sa ulo at sabihan ng 'Bid your death wish' ay nako, ewan ko nalang kung hindi ka maging desperada! Syempre kaylangan mong magbabait-baitan at kung todo acting na may care kay Gali the Chanak para maawa sa iyo ang mga tao na nanonood-- lalong lalo na ang second hand man ni satanas na si Easton-- para makalabas ka ng buhay at walang galos.

Huwag kang mag-alala kasi ginamit mo lang talagang alibi si Gali the Chanak para makatakas ka sa sitwasyon mo Ashari ok? Masamang tao ka pa din, normal ka pa kaya huwag kang mag-alala. Ginawa mo lang ang kahihiyan na 'yon kahapon para maligtas ang buhay mo! OO, ganon na nga 'yon! Ganon lang talaga 'yon! MASAMA KA PA DIN AT WALANG MAKAKAPAG PABAGO SA'YO KAHIT MAGUNAW MAN ANG MUNDONG IBABAW! KUNG MASAMA SI EASTON, HUH, MAS MASAMA KA ASHARI! Hindi ka magpapatalo!

"If Gali's fever is gone, you can go home as soon as possible." kumuha siya ng biscuit at isinubo iyon. Ito na ba umagahan namin? Ano sila dito, diet huh? Hanep, hindi ako mabubusog diyan! Isa pa, hindi naman ako umiinom ng Tsaa noh.

Ngumiti nalang ulit ako sa kaniya ng matamis at nagkunwaring nasisiyahan sa biscuit na nasa isang magandang plato. Kumuha ako nito at sinubo. Infairness, lasang pang mayaman! Hindi tinipid sa asukal "'Yung 500 Million ko, ibibigay pa din ba ni Easton?" beautiful eyes kong tanong kay Dyther. Yepiduuu si Dyther ang kausap ko. 'Yung lalaking nagligtas sa akin nung sinasakal ako ni Boy Isprikiton.

Sa lahat ng tao dito, siya lang ang pinaka mabait. Gwapo pa at smiling face. Hindi katulad ni Isprikiton na parang laging nakakain ng ampalaya sa sobrang sama ng mukha!

Oo, miski kahapon nung nagpakita ako ng pekeng kagandahang loob kay Gali the Chanak. Pagkasampa ko sa bed ni Gali the Chanak, agad niya akong sinundan tapos hinila saka pinalabas. Tandang tanda ko pa kung paano ako pinagtabuyan ng bwisit na Isprikiton na'yon. Ang sabi niya kahapon...

"DO NOT TOUCH MY SON! DYTHER, GET HER OUT OF MY SIGHT! HUWAG NA HUWAG MO SIYANG PAPAPASUKIN DITO SA KWARTO NG ANAK KO!" sigaw niya, pinahiya nanaman ako sa madaming tao.

Edi huwag niya diba. Kaniyang kaniya na anak niya, lamunin pa niya! Bwisit na bwisit talaga ako kahapon. Gusto ko na ngang umuwi pero sabi ni Dyther hindi pa daw pwede kasi under investigation pa daw ako. Mag stay nalang muna daw ako dito. Kaya ayon, pinatulog nila ako dito.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now