CHAPTER 18 - AGREED

7.5K 311 24
                                    


ASHARI'S POV


Umirap ako sabay ihip sa tuyong dahon na naligaw sa mahaba kong buhok. Nakasibangot akong tumingin ng diretsyo sa lalaking prenteng prenteng umiinom ng tsaa doon sa sofa habang nag ce-cellphone.


Sana all may charge ang cellphone.



"If staring would kill, kanina pa ako patay sa titig mo Ashari." wika ni Boy Hayop ng di man lang lumilingon sa akin.


May third eye ba mga Consigliere? Paano niyang nakita na nakatitig ako sa kaniya e di naman siya lumilingon sa akin. "Naka-ilang salvage na ako sa'yo sa utak ko. Ilang beses na din kitang nailibing! Anong karapatan mong patirin ako kanina ha?!" inis kong sagot pag nagpapadyak sa bwisit. "PAUWIIN NIYO NA KASI AKO!" reklamo kong sigaw sa kaniya.



Kaming dalawa lang dito sa isang room na may sala.


Bakit kaming dalawa lang?



Kasi inutusan siya ng magaling na Isprikiton na'yon na bantayan ako!


Parehas ko silang i-sa-salvage sa utak ko!



Nakaka-inis! Akala ko makakalabas na ako ng buhay dito, itong BOY HAYOP kasi na'to, sukat ba namang patidin ako kanina nung tumatakbo ako paalis! Nadapa tuloy ako tapos nagdire-diretsyo sa halaman. 


Dahil sa kaniya napahiya pa ako sa harapan ng madaming tao. Ewan ko kung sino yung sandamukal na tao na papasok sa entrance pero lahat sila ang sama ng tingin sa akin. Kung Mafia din sila, pwes....


Hehe, pwes pauwiin na nila ako please lang!



Tumingin sa akin si Boy Hayop, iyong seryosong tingin niya. Tusukin ko mata niyan e, dahil sa kaniya nandito pa din ako sa impyernong 'to! "You think papayagan ka ni Easton na lumabas dito ngayong alam mo na ang lahat?"


Umirap naman ako at nagmaktol. "Hindi nga ako mag-i-ingay ok? Tatahimik ako! Hindi ako magsasalita, kakalimutan ko lahat ng nalaman ko! Promise."


Nag sign ako na izinipper ko ang bibig ko. Itataas ko sana ang kanang kamay ko para sign din ng promise ng maalala kong nakaposas nga pala ako. "Bwisit naman! Bakit ba ipinosas niyo ulit ako?"



Hindi ako tiningnan ni Boy Hayop. Inubos lang niya yung tsaa niya atsaka muling nagcellphone.



"ARRGGGHHHH! NAKAKA-INISSSSS!" sigaw ko atsaka tumayo.


Lumapit ako kay Dyther. Tumayo ako sa harapan niya. Doon na siya nag-angat ng tingin sa akin. "What?" taas kilay niyang tanong.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now