CHAPTER 54 - THE GLOOM THAT BLOOMS

3.9K 260 99
                                    


Third Person's POV

Sa buhay ni Ashari, hindi mabilang sa daliri ang beses na cinelebrate niya ang kaniyang birthday.

Hindi mabilang sa daliri kasi walang bibilangin. In short, hindi siya nagce-celebrate ng birthday.

Masamang nilalang siya kaya walang bumabati sa kaniya sa klase. Kuripot naman si Aling Marites na kapitbahay nila kaya hindi siya maipaghanda.

Si Tony na ex niya, nakipag break sa kaniya a day before ng kaniyang birthday kaya ilang taon din siyang masama ang loob kapag sasapit ang kaarawan.

Ang tatay niya, palaging may byahe. Never nag leave 'yon sa byahe niya para magcelebrate ng birthday ni Ashari. Panget nga kabonding eh, byahe is lifer. Mas mahal ng tatay ni Ashari ang manubela ng truck at ang kalsada kaysa sa kaniya.

Sinong gaganahan mag celebrate ng birthday sa ganon?

Ilang taong pinapalampas ni Ashari ang birthday niya na tila isa lang itong normal na araw.

Sa katunayan nga, nakalimutan na niya ang edad niya sa tagal niyang hindi nagb-birthday.

Kaya naman ngayong nakatayo siya sa gilid ng malaking living room ng mga Marchese, hindi mag-sink-in sa isip ni Ashari ang mga nangyayari.

Magulo ang paligid. Lahat aligaga sa biglaang pagkuha ng MPO kay Gali. Lahat tensyonado. Wala halos ang nasa matino at rasyonal na pag-iisip.

Blanko ang utak ng ating bida.

Kasi naman bhie, dati mukhang pera lang siya tapos ngayon may iba na siyang pinoproblema.

Hindi sanay si Ashari sa ganitong mga pangyayari.

"Ganito din ba sila noong unang beses na nawala si Gali?" pabulong niyang tanong sa sarili habang pinagmamasdan ang magulong mansion ng Marchese.

Bigla siyang na-guilty noong naalala niya na chinilde abuse niya si Gali noon unang beses itong kumatok sa bahay niya.

E kasi naman, bukod sa mukha talagang maligno si Gali noon e wala naman siya alam talaga sa pag-aalaga ng bata.

Siya ang bida dito pero na-e-etsapwera na siya at wala ng pumapansin sa kaniya.

Kung dati magpapa bibo na si Ashari, ngayon daig pa niya ang lantang gulay sa dami ng tanong na tumatakbo sa isip niya.

Halo halong emosyon din ang nararamdaman ng ating bida na dating mukhang pera.

Nakakaramdam si Ashari ng takot...

Takot na baka hindi na niya makita si Gali

Ng pangamba... na baka may mangyaring masama

Pagkabalisa... para bukas at sa mga susunod na mangyayari

May mga nararamdaman pa siya na hindi niya maipaliwanag. Para siyang lumulutang.

Dahil gulong gulo, tumalikod si Ashari at naglakad palayo sa mansion! Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig niya.

Naglakad lamang siya sa pinakamalayo na kaya niyang marating.

Habang binabaybay niya ang daan ay siya niyang niriring ang number ng ama.

"Sumagot ka..." nanginginig na boses na pagmamakaawa ni Ashari sa cellphone na hawak. "Tay..."

Idinako si Ashari ng kaniyang mga paa sa back garden ng mansion. Hindi niya alintana ang madilim na paligid at ang malamok na lugar.

Niring niya sa pang limang beses ang cellphone number ng tatay niya.

"Gabing gabi na tumatawag ka pa! Natutulog na ako e."

Sa wakas sumagot ang tatay niya.

"Bakit ngayon ka lang sumagot?" singhal niya bago napa-upo sa damuhan ng garden. Hindi na kinaya ng tuhod niya ang panghihina.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon