CHAPTER 57 - SMOKE

3.7K 219 84
                                    

ASHARI JENESSE FERELL

Tuwing aalis ng bahay ang magaling kong tatay para magtrabaho, lagi akong walang pake. Nasanay na ako sa set up na ilang buwan siyang mawawala tapos uuwi ng bigla bigla para mag-utos na ipagluto ko siya ng ganito ganiyan.

Nagsusustento naman sana siya ng sapat sapat lang. Kay Aling Marites pa sa pera padala ko kinukuha.

Walang spesyal, normal na normal. Pang truck driver talaga ang halaga ng sustentong ipinapadala ng tatay kong walang kasing galing. Hindi manlang ako maghinala ba sa perang pinapadala niya.

Ni minsan hindi ako nagtaka. Ni minsan hindi ko naisip kung bakit ganon siya katagal mawala. Akala ko ganoon lang talaga katagal bumyahe. Baka sadyang kayod kalabaw lang talaga ang tatay kong magaling. Iniisip ko pa na baka para sa future ko lang 'yon...kahit alam kong wala naman talaga akong future.

Kapag tumatawag naman ako sa kaniya, nasasagot naman niya. Ang akala kong mga usapan na background minsan sa phone, akala ko mga katrabaho niya o baka mga pinagdedeleviran niya.

Letse lang. Kaya pala laging may dyaryo sa bahay, iba ibang issue at publisher pa. Akala ko feeling huwarang mamamayan lang ang tatay ko na gusto palaging updated sa happenings sa mundo.

Kaya pala imbis na Cardo Dalisay na hindi mamatay matay ang minamarathon ng tatay ko e panay balita sa tv ang inaantabayanan. Sukdulang pati ang pang hatinggabi na balita, iniintay niya.

Feel ko nga non balita ang anak niya e tapos ako tamang ginagawa niyang utusan saka taga luto lang.

At ito pa ang nakakatawa, tuwing nanonood ako ng kdrama tapos nakita niya na tungkol sa mafia mafia, palagi niyang sinasabi na hindi daw totoo 'yon. Kathang isip lang daw at dapat daw e hindi ako nanonood ng ganon.

Wow!

Wow lang talagang talaga!

Pakiramdam ko nag shut down lahat ng neurons ko sa utak ng makita ang magaling kong tatay na umakyat sa stage.

Teka sandali, hindi ko pa din madigest. Mai-impatso ako nito e. Bumagal ang paligid ko, iyong kaninang sobrang gulo at sobrang ingay na lugar, nagiging tahimik para sa kin. Pakiramdam ko nagb-blurred ang lahat.

"Woah, why is everything on chaos, nawala lang ako ng ilang sandali ah?"

Ano nanaman ba 'to?

Please, ano nanamang kalokohan 'to, Tay?

Nananaginip siguro ako at kaylangan ko lang ng isang matinding sapak para magising.

Namimiss ko ba si tatay at hanggang dito nakikita ko siya? Hindi, malabo pa sa maduming tubig na mamiss ko 'yon. Baka naman kamukha lang niya, oo tama baka kamukha lang ng magaling kong ama.

O kung hindi man, baka naghahallucinate ako.

"Let us all welcome in presence, our MPOs President, MR. PETER VERACELLI!"

Nagpalakpakan ang lahat ng mga extra. Parang kanina lang sa wine pa ang atensyon nila ah.

"Thank you, thank you Mr. Dominico. It's a pleasure to have you here." pagbati nito sa announcer. "Ohhh, Tobias, ang gwapo mo!"

Isa pa 'yan, ang walang hiyang Tobias. Pamaskara maskara pa, si Tony papaya lang naman pala.

Pinaglalaruan ba ako ng dwende?

"So who's your luckiest buyer."

Hindi sumagot si Tony pinya. Nakatingin lang siya akin na akala mo matagal na niyang iniintay na malaman ko na siya 'yung tao sa likod ng maskara. Kung alam ko lang naman, edi sana matagal ko na siyang ibinenta sa mga mafia. Ako na mismo magbebenta para 'yung bid na umabot ng 1 trillion e sa akin na mapunta.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon