Challenge # 1

194K 4.5K 871
                                    

Three years ago...

"Pre, hindi pa ba tayo aalis?"

Tiningnan ko lamang si Axel John. Hindi ako kumibo. Nanatili akong nakatayo sa gilid ng punong iyon habang nakatitig sa nangyayaring libing sa harapan ko. I had been to my mother's funeral. I remember that moment and it was sad but I guess that this funeral was sadder than my mom's.

I was wearing a pair of dark shades. Direkta akong nakatingin sa mga nangyayari. My heart throbs with pain and I don't know why. I can't explain it. Wala akong karapatang magpunta sa lugar na ito ngunit heto ako at naghihintay na umalis ang lahat para makalapit ako sa babaeng itinuring kong kaibigan sa loob ng mga panahong nag-iisa ako.

It was actually very unexpected. Hindi ko inasahan na darating kami sa punto na pati ako ay magiging mabait sa kanya. Hindi ko nga lang masyadong ipinapakita sa kanya na gusto ko siya. My mom was right, Lukas Consunji did marry a wonderful woman and I hated the fact that I couldn't hate her --- even if I want too . But most of all, I hated the fact that I won't be able to taste her sinigang sa miso, talk to and laugh with her.

Apollo Consunji was a very kind hearted person. Iyong dapat na kinamumuhian niya ako pero mas pinipili niya akong kilalanin at pakitaan ng kabutihan ay isang patunay na napakabuti ng kanyang puso.

Nagtagal pa ang mga tao sa libing na iyon. I was just waiting. I needed to be near her grave and pay her my last respect. Inilagaan niya ako noon. Naging magkaibigan kami, hindi ko man madalas ipakita sa kanya pero minahal ko si Apollo Consunji.

Later that day, isa-isa nang nag-alisan ang mga tao sa paligid niya. Siniguro ko munang walang tao sa paligid bago ko nilapitan ang puntod ni Apollo. Axel John was behind me and he was whistling the song Unchained Melody. Hindi ko na siya nilingon. Nagdiretso ako sa puntod niya. The smell of cement was still fresh. Huminga ako nang malalim at saka lumingon kay Axel. Inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya. Hinihingi ko ang bulaklak na dala ko kanina. I smirked at him and looked at Apollo's grave again.

I kneeled in front of the grave. Hinaplos ko ang harapan ng puntod niya. Napapailing ako habang nakatingin sa portrait niya na nakalagay sa ibabaw ng puntod.

"Hey... its me." Wika ko na para bang naririnig niya ako. I'm sure gonna miss the little things she does for me. Lukas' wife was a charming lady. Naalala ko sa tuwing tatawagan niya ako ay sasabihin ko ang nga katagang binitiwan ko ngayon. Inilapag ko sa tabi ng larawan niya ang bulaklak na dala ko tapos ay naupo lang ako doon.

"I'm gonna miss your warmth, Sunshine Lady." Mahinang bulong ko. Alam kong tulad na lamang si Apollo ngayon ni Mom ---kahit na anong tawag ko sa kanya ay hindi naman siya sasagot. I really feel sad about her leaving this world.

"Azul, it's time." Narinig ko si Axel. Muli kong hinaplos ang puntod ni Apollo bago ako tumalikod. I whispered to her and ask her to hug my mom for me. Magkasama na sila ngayon. Dalawa na silang guardian angel ko.

Sumakay ako sa sasakyan ni Axel. Tahimik lang ako hanggang sa dumating kami sa bahay ni King David. He was having a party and that it's exactly what I needed right now - isang distraksyon.

Nang dumating kami doon ay puno na ng tao. I was looking for a bottle of beer at nang makuha ko iyon ay umalis din ko agad. Alam kong kailangan kong libangin ang sarili ko dahil ayokong maisip si Apollo pero doon pa rin ako bumagsak.

My mind should be in the party. My mind should be fucking girls. My mind should have bad things right now but all I could think about was Apollo and how I am not going to talk to her anymore.

Lumabas ako ng garden at dumiretso sa pool. Doon nakita ko si Arruba na nakaupo sa gilid ng pool habang may hawak na glass of wine. Nasa mismong tubig ang mga paa niya. I joined her.

Simoun: The Aggressive Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon