CHAPTER 25

18 0 1
                                    

Erinn's Point Of View

Agad akong bumaba ng kotse nang maayos itong nai-park ni Ate Brina. Lakad takbo na ang ginawa ko para mabilis akong makapasok sa dorm ng Bangtan. Hindi ko narin alintana kung gaano kataas ang stilettos na suot ko at kung gaano kahaba ang gown ko.

Napatigil ako nang nasa mismong harapan na ako ng main door nila.

Pano kung wala sya dito?! Pano kung iba pala yun?! Saan ko sya hahanapin?!

Huminga ako nang malalim bago ko pinihit ang doorknob. Hindi ito nakalock kaya malaya akong nakapasok sa loob. Bumungad sakin si Anais na nakaupo sa couch. Nasa tabi naman nya si Namjoon at Hobi.

"ERINN!"

Sinalubong nya ako ng mahigpit na yakap. Sobrang nag-alala ako sa kanya nang sabihin ni Seol Wo na hindi nya masusundo si Anais. Inisip ko kaagad kung nasaan na ba sya, ligtas ba sya, saan ko sya hahanapin? Ewan, para akong mapapraning sa sobrang pag-aalala ko sa kanya kanina.

"Anong nangyari? Pano ka nakarating dito?" Umupo kami sa couch.

Tumingin muna sya kay Namjoon bago nagsalita. "Nagtaka ako nung wala yung run-away vehicle ko kaya tumakbo nalang ako sa kakahuyan."

Napatango-tango ako. Tama, may kakahuyan nga sa gilid ng simbahan. Pero hindi ko akalain na dun sya tatakbo para lang makatakas.

"Naligaw pa ako kaya punit-punit na at ang dami nang putik nung wedding gown na suot ko. Hanggang sa makita ko yung highway, kaso halos walang dumadaan na sasakyan. May dadaan man, nilalampasan naman ako kasi akala siguro nila nababaliw na ako."

Tumingin naman ako kay Hobi. Ngumiti lang sya sakin.

"Hanggang sa sobrang naging desperada na ako. Nung may padaan na itim na kotse, humarang na ako sa gitna ng kalsada. I almost risk my life, if those people didn't want to help me. I might rather die than to marry that jerk."

"She just collapsed the moment Hobi stopped the car infront of her. We thought we hit her but thank God, she just collapse because of tiredness." Namjoon said.

"So you're the one who helped her?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila.

"Hmm-mm. We thought someone was chasing her and trying to take advantage of her, so we immediately took her and treated her wounds."

"Do you know why she's wearing---"

"Yes. She already told us. Don't worry, we won't tell anybody. Actually, I want to give her an offer..." Tumingin muna sakin si Namjoon bago muling nagsalita.

"If you want, you can stay in my dorm, few doors away from here. It's not safe to just check-in on a hotel. I'm sure your fiance will search the whole country, including the check-ins and outs of the hotels." Seryosong sabi ni Namjoon.

Ngumiti naman si Anais sa kanya. Doon ko lang ang napansin ang suot nitong brown shirt at boxer short, ang pagkakaalam ko kay Namjoon yun.

"Even if it's too much, i won't turn down your offer, RM. Thanks for helping me get through with this crazy marriage. I owe you this."

Matagal silang nagngitian at nagkatitigan. Napatingin naman kami ni Hobi sa isa't-isa. Pilyo akong napangiti habang natatawa-tawa naman syang nagkibit-balikat. I saw some love interest between them, bagay sila.

Hehehe... Ibugaw ba naman daw yung kaibigan.

Naputol lang ang staring contest nila nang bumukas ang main door at pumasok ang ibang members kasama sina Ate Brina at Via.

Pinuntahan nila agad si Anais at tinanong kung okay lang ito. Nagtataka naman akong bumaling kay Via.

"Bakit parang hindi nagulat ang mga yan na natagpuan nila dito si Anais?"

"Ahh yun ba? Naikwento na kasi namin ni Ate Brina sa kanila ang lahat-lahat at handa daw silang tumulong para mabilis na makaalis si Anais dito sa Korea."

"Talaga?!" halos mapatalon ako sa tuwa nang marinig ang sinabi ni Via. I know BTS would make a big help sa problemang 'to.

Ilang ulit pa nilang tinanong si Anais kung okay lang ba ito o kung may masakit pa ba sa kanya. I know they also worried, halos lahat kami dito. I'm also glad that Namjoon and Hobi saved her.

Dun ko lang din napansin yung mga gasgas at sugat sa braso at binti ni Anais, dala narin siguro ng pagsuot nya sa kakahuyan.

As they talking about Anais' situation. Naramdaman kong may nakatitig sakin. I know it, i can feel when i'm being stare at. As I gazed at someone, i knew it was him. That Jeon Jungkook!

Bakit naman sya nakatitig sakin?! Is he mesmerized by my beauty?!

I somehow felt weird kasi hindi parin sya umiwas ng tingin. Bakit ba sya nakatitig? I wonder what's running through his mind right now.

Tinaasan ko sya ng kilay. To my surprise, akala ko ay gaganti din sya ng pagtaas ng kilay pero bigla syang napaiwas ng tingin. Parang napaso pa sya sa gulat.

Iniwas ko narin ang tingin ko sa kanya at nakinig sa usapan nina Namjoon. Weird. Bakit ba titig na titig sya sakin kanina?!

I can't help but to check on him from time to time. Minsan nahuhuli kong tumitingin din sya sakin pero umiiwas din agad ng tingin. Like he's scared of my eyes.

Bumalik ang tingin ko kina Namjoon, Jin at Suga na nag-uusap-usap. Nagpaplano ata sila kung paano makakalabas ng bansa si Anais kung kalat na kalat na sa buong bansa ang pagtakas nito sa sarili nyang kasal.

Ilang minuto pa ang nakalipas bago sila magpasya na magbihis na. Hindi narin naman nagtagal sina Hobi at Namjoon doon dahil kelangan pa nilang bumalik sa Ilsan. Tumawag narin si Hobi sa manager nila para sabihing umuwi na sila sa apartment at gusto nang magpahinga. Inihatid narin namin si Anais sa apartment ni Namjoon na ilang apartment lang ang pagitan mula sa apartment nila para doon muna sya tumuloy pansamantala.

Alam naming pagod na silang lahat dahil narin sa mga nangyari pero nagpumilit parin si Taehyung na ihatid kami pauwi.

It was a long day, ang dami rin nangyari especially on Anais' wedding. I just did my night routine and immediately dozed off the moment i laid my back on the bed.














A/N: Hi, i know some of you really waited for me to update this story so i am really sorry for making you wait. I also got busy last year and these past few months that's why i temporarily stopped writing. I also had to deal some personal issues to the point that i almost planned to delete this. But because of your support, especially my cousin, Loraine, i decided to continue writing this. Thank you so much for all the support. Lovelots!♡

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's The Cause Of His EuphoriaWhere stories live. Discover now