CHAPTER 23

10 1 0
                                    

Erinn's Point Of View

Marahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa living room. Wala naman sya doon. Baka naman nasa kusina sya. Pero anong gagawin nya sa kusina eh hindi naman sya nagluluto.



I tiptoe quietly and proceed to the kitchen, but I found nothing. Wala akong Jeon Jungkook na nakita. Wala sya sa living room at wala din sa kitchen.



Nakasimangot akong bumalik sa living room at umupo sa couch. Bakit ba ako umasa na sa sinabi nina Via? Syempre, hindi yun magsstay dito. Hindi naman kasi kami close para magpa-iwan sya dito noh!



Aish! Why am I sounded like I'm so disappointed that he wasn't here?! Ano bang nangyayari sakin?!



Marahan kong sinabunutan ang sarili ko at tumayo. Sigurado akong umuwi na yun sa dorm nila the moment na umalis narin sina Ate Brina.



Mas mabuti pang matulog nalang ulit at wag nang magdinner! Tss.



Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ko nang biglang bumukas ang main door. Pumasok si Jk at hinubad ang suot nyang sneakers. Hindi nya agad ako napansin dahil busy sya sa pagtatanggal ng sapatos nya.



Sinuot nya yung dati kong Kooky indoor slippers. Sa sobrang inis ko kasi sa kanya, nagpalit ako ng Mang indoor slippers na suot ko ngayon.



Napatingin sya sakin at doon ko lang napansin yung dala nyang plastic bag at paper bag. Dalawang milktea ang laman ng isa habang may tatak namang McDonald's yung paper bag. Mukhang lumabas sya saglit para bumili ng makakain.



Hindi ko maiwasang makaramdam ng saya. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagngiti ko.



"I'm hungry but I can't cook so I buy some foods for us." Sabi nya at dumiretso sa kitchen.



Sinundan ko sya doon at tinulungan syang iprepare yung mga binili nya. "Then you should wake me up so I could cook for you."



"But you're in your room, I don't want to invade your privacy. Especially you're a girl and I'm a boy, isn't awkward to just casually enter your room?" Napakibit-balikat nalang ako sa sinabi nya.



He has a point. Ang panget nga naman tingnan kung basta-basta nalang sya papasok sa kwarto ko at gigisingin ako para lang ipagluto sya. He's indeed a gentleman.



Isang one piece fried chicken with rice at isang chocolate sundae ang binili nya sakin habang chicken fillet with rice at fries naman ang sa kanya. Parehas namang chocolate ang flavor ng milktea na binili nya.



Tahimik akong kumain habang paminsan-minsan ko syang tinitingnan. Naubos ko kaagad yung fried chicken at rice dahil narin siguro sa sobrang gutom. Hindi kasi ako nakakain ng lunch kanina.



Sunod kong kinain yung chocolate sundae, pero bigla akong napatingin sa fries na katabi ng pinggan nya.



Shet! Parang gusto kong manghingi nun! Favorite tandem ko kaya yung sundae at fries lalo na kapag yung sundae ang ginagawa kong dipped ng fries instead of their ketchup.



"Hey, can I have some?" Tinuro ko yung fries nya at plastic na ngumiti.



"I bought you sundae, so we have our own dessert and yet you still asking for my fries. You should learn how to be contented." Sabi nya.



Kumuha sya ng isa at parang nang-iingit na kinain yun habang nakatingin sakin.



"Tss. Selfish jerk!" Padabog akong tumayo at iniwan sya sa kusina. Pumasok ako sa kwarto habang dala-dala ko ang sundae ko.



Medyo nababawasan pa naman na ang pagkainis ko sa kanya, pero dahil sa kadamutan nya lalo lang itong nadagdagan.



Bahala sya dun! Sya ang maghugas ng pinagkainan namin, kaasar!



Parang nanghihingi lang ng konting fries, pangaralan ba naman daw akong dapat makuntento sa mga bagay-bagay?! Hindi ba pwedeng gusto ko lang mapawi ang cravings ko?!



_______________


Naalimpungatan ako sa mga pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako pagkatapos kong ubusin yung sundae nang may sama ng loob.



Yep, masama ang loob ko. Parang konting fries lang naman, hindi pa ako mabigyan. Large fries naman yung binili nya. Kung gaano sya kagwapo, ganun din sya kadamot.



Kaya bahala sya mangawit kakakatok dyan sa laba---



"ATE ERINN!"



W-Wait! Boses ni Via yun ah!



Dali-dali akong tumayo at pinagbuksan sya ng pinto. Nakasimangot sya habang nakatingin sakin. Mukhang kararating lang nila dahil hindi pa sya naka-pambahay.



"Kanina pa ako kumakatok eh! Ang sakit nalang ng kamay ko!"



"Sorry, akala ko kasi si Jk ka."



"Oh! Pinabibigay ni Jungkookie oppa!" Inabot nya sakin ang isang paper bag na may tatak din na McDonald's.



Lumabas ako sa kwarto at umupo sa couch. Ipinatong ko ito sa center table bago ko sinilip ang laman.



Isang chocolate sundae at large fries?



"Kami na sana ang kakain nyan kung hindi mo talaga bubuksan yung pinto. Kaso kabilin-bilinan ni Jk na kapag idineliver, ibigay agad sayo." Pagsingit ni Ate Brina.



"Anyare? Bakit may pa-sundae at large fries?" Tumabi sakin si Via at ganun din si Ate Brina.



"Inaway ko kasi sya dahil dito. Hehehe..." Napakamot ako sa noo ko.



"Bakit na naman?! Ang init lagi ng ulo mo sa kanya! Samantalang dati, halos lahat ata ng manliligaw mo eh basted dahil gusto mo maabot nila ang napakataas mong standards na alam naman nating lahat na si Jungkook lang ang pwedeng makapasa."



"Eh kasi naman, sundae yung binili nya sakin tapos sa kanya, fries. Alam nyo naman, gustong-gusto ko ang sundae-fries tandem kaya naghingi ako sa kanya kahit sana kaunti lang. Pero ayaw akong bigyan, sabi pa dapat daw matuto akong makuntento."



"Imagine, gusto ko lang naman manghingi ng fries nya tapos pangangaralan nya ako na dapat marunong akong makuntento. Sino ba namang tanga ang hindi magagalit sa kanya kung ganun?!" Dagdag ko.



Napailing-iling lang si Ate Brina. "Ang babaw." Sabi ni Via.



"Hoy! Wag ako, Via! Mas maikli pa nga ang pasensya mo kesa sakin! Ikaw ang pinakama-aatitude sating tatlo kaya wag kang bait-baitan dyan!"



"Bait-baitan pala, huh..." Bigla syang tumayo at hinigit yung fries ko. "Akin na 'to!"



"VIAAAAAAA!"





She's The Cause Of His EuphoriaWhere stories live. Discover now