CHAPTER 06

5 2 0
                                    

Erinn's Point Of View

Literal akong napanganga nang makita ang screen ng cellphone ko. May 89 missed calls si Via sakin simula pa kaninang tanghali. Nagsilent kasi ako ng phone para hindi ako maabala sa trabaho ko as a hotel receptionist.




Pero hindi ko naman akalain na tumawag sya sakin nang 89 times dahil hindi ko nasasagot.




Noong isang araw naman umabot sa 178 missed calls, lagi kong sina-silent ang phone ko kapag nasa oras ako ng trabaho. Pero kada uuwi ako sa apartment, halos laging patay lahat ang ilaw at laging lampshade lang ang nagsisilbing ilaw sa buong bahay.





Ganun ba kaimportante ang sasabihin nya para magmissed call sakin ng ganun kadami?




Minsan talaga bilib din ako kay Via.





Nang makasakay na ako ng taxi, nagtext ako sa kanya na pauwi na ako. Tinanong ko narin kung may gusto syang ipabili kasi dadaan ako sa grocery store para mamili ng kulang na groceries namin sa apartment.




Naalala ko kasing naubusan na kami ng snacks at drinks nung nakaraang gabi kaya minabuti kong mag-grocery muna bago ako umuwi dahil medyo maaga pa naman.




Wala pang 5 minutes ang nakakalipas nang makarating na ako sa Grocery Store.




Luckily, kaunti na ang mga tao nung pumasok ako. Mapapabilis ang pamimili ko.




Kumuha ako ng 10 pirasong chips at 5 balot ng kettle corn. Kumuha din ako ng 15 piraso ng coke in-can. Pumunta naman ako sa mga sweets at kumuha ng Toblerone, Dairy Milk at Oreo.






After 5 minutes, nabayaran ko lahat ng pinamili ko kaya nag-antay ulit ako ng dumadaang taxi.




Hindi rin ako natagalan sa pag-iintay dahil gaya ng sabi ni Ate Brina, marami daw taxi-ng masasakyan dito sa Seoul. Pero mas ideal daw na bumili ako ng kotse kapag may sapat na ipon na ako para mas convenient ang pagpasok ko sa trabaho.





Makalipas ng 15 minuto, nakarating narin ako sa apartment complex namin. Nasa fifth floor pa ang room namin kaya sumakay ako sa elevator, ang hassle naman kung hagdan ang gagamitin ko lalo't ang dami kong pinamili.




Kakatok sana ako pero naalala kong medyo late narin at baka natutulog na si Via. Mahirap pa naman bulabugin sa pagtulog ang isang yun.





Kung ma-attitude na sya dati, mas ma-attitude sya kapag ginulo mo sya habang natutulog.




Nilabas ko nalang ang duplicate key ko at binuksan ang pinto.




Just like the past two nights, patay lahat ang ilaw nang makapasok ako. Maliit lang na lampshade na nasa side table na katabi ng sofa ang nagsisilbing ilaw sa buong bahay.




Hindi ko na binuksan ang ilaw, abot naman ng liwanag ng lampshade ang kusina kaya dumiretso na ako dun para ilagay sa cupboard yung mga chips. Sunod kong binuksan ang ref at inilagay yung mga drinks and chocolates na binili ko.



Napahikab ako kasabay ng pagsara ko sa ref. Kahit naman receptionist lang ako, nakakapagod din namang halos maghapon kang nakangiti at nakikipag-usap sa mga guests.



"AY! Put*ngkjhsdh!!"



Halos mapatalon ako nang may nakita akong nakatayo sa bungad ng kitchen habang nakatingin sakin. Nakasuot ito ng puting damit at may mahabang buhok na nakalugay.



"Ate Erinn..."


"V-via?!"



Binuksan nya ang ilaw sa kusina kaya mas lalo ko syang nakita. Naka-white oversized shirt sya at gulo-gulo ang mahaba nyang buhok. Kitang-kita ko rin na mangingitim na ang ilalim ng mata nya.



"Via? Anong nangyari sayo?"



Hinigit ko sya papunta sa living room. Binuksan ko muna ang ilaw bago ako umupo sa tabi nya. Nakatulala lang sya at nakatingin sa malayo. Para syang batang na-trauma.


"Tell me, what's wrong? Napasok ba tayo ng magnanakaw?"


Umiling-iling sya bago humarap sakin.


"Si Jimin..."


"Jimin? Bakit? Anong nangyari kay Mochi?!"



"I-i met him, last last night. Nung first day mo sa trabaho."


"Huh? Pano?" I asked in disbelief.


"I made a mango float, yung favorite desert natin nina Ate Brina para sana ibigay sayo as a gift. Eh gusto ko na agad matikman mo kaya napagpasyahan kong puntahan ka. Nag-bus ako para mas tipid, pero nawala ako! Hindi ko na tanda kung saan yung exact location nung hotel, all i know is malapit sya sa Han River. Nagpagala-gala ako sa busy street ng Seoul, tinry ko namang magtanong-tanong pero lagi nilang sinasabi-No english!-kaya nakarating na ako sa isang park."


"Then?"


"Then, dun ako ngumawa nang ngumawa. Hanggang sa may lumapit sakin na guy at nag-offer ng handkerchief nya---"


"Sya si Jimin?!" I interfered.


Tumango-tango naman sya.


"Pero hindi lang yun, hindi ko naman agad nalaman na si Jimin sya. Sinungit-sungitan ko pa sya, pero in the end, ini-offer ko sa kanya yung dala kong mango float. Kinain naman nya, huli na nang malaman nyang may mangga pala yun. Kaya pala parang nag-iba ang timpla ng mukha nung sinabi kong may mangga yun. Hinatid pa nga nya ako dito, tinanong pa nya kung bakit ako nandito sa Korea eh dakilang assumera ako kaya sinabi kong nandito ako para puntahan yung boyfriend kong Korean. Tinanong nya kung sino kaya pinakita ko yung picture ni Jimin na  naka-wallpaper sa phone ko. Natawa sya tapos bigla nyang inalis yung mask nya, at dun ko lang narealized na all through this time, si Jimin pala yung kausap ko! Tapos nakipagbeso pa sya sakin at sabi pa nya, 'I didn't know i already have a girlfriend.' bago sya umalis. Tell me, Ate Erinn! How am i supposed to be calm and okay after that night?! Nakakahiya! Hiyang-hiya ako sa sarili ko! Baka mamaya nyan, isipin pa nyang assumera ako--"


"Bakit hindi ba?" I chuckled.


"Ate naman! Stressed out na nga ako oh!"


"Ok fine. Sorry. Wag mo nalang isipin masyado. Look oh! Ang laki na nang eyebags mo! May pasok ka pa naman na sa Monday tapos ini-stress mo pa sarili mo!"



"Hindi nga kasi ako makatulog, magtatatlong gabi na!"



"Kaya pala ang dami mong missed calls sakin, nawala ka na pala! Eh kanina? Bakit ang dami mo namang missed calls?"



"Magpapabili sana ako sayo ng sleeping pills, kaso hindi ka naman sumasagot."


"Nag-message ako kanina bago umuwi, tinanong pa nga kita kung may ipapabili ka. Hindi ka naman nagreply."


"Patay ang phone ko, nagchacharge!"



"Hmm... Oh sya, pumasok ka na sa kwarto mo at matulog ka na. Matutulog narin ako."


Patayo na ako nang higitin nya ang laylayan ng damit ko na parang bata kaya napaupo ulit ako sa couch.



"Kantahan mo 'ko, please!"

"Ano?"

"Kantahan mo ako para madali akong makatulog, alam mong fan ako ng maganda mong boses. Kaya bagay na bagay kayo ni Jungkookie oppa eh, parehas maganda ang boses nyo!"


"Lizz Vianne Samonte, wag mo na akong bolahin!"


Natawa lang kami bago sya humiga sa couch at umunan sa hita ko.


"I want Promise by: Jimin, my loves!"



"Oo na!"


I caressed her hair as i started to sing her lullaby.



She's The Cause Of His EuphoriaWhere stories live. Discover now