CHAPTER 17

10 2 0
                                    

Erinn's Point Of View

"So kamusta naman ang motorcycle with Jeon Jungkook experience?"



Tanong ni Ate Brina. Inilapag nya ang isang tray na may lamang dalawang mug at cookies.



"Is this were all planned?"



"Sorf of, actually. Masyado ka na kasing attached kay Hobi, so syempre naisip namin ni Via si Kookie. Pano na sya? Eh diba sya yung bias mo?"



"Dati. Bago ko pa malaman ang tunay nyang ugali."



"Tunay na ugali?"



Humigop muna ako bago muling sumagot. "Hmm-mmm... He's too rude and childish."



"Minsan naman talaga childish sya ah Napapanood nga natin sa Run BTS eh! Psh, sabi mo pa nga samin noon..." Ibinaba nya ang tasa ng kape na hawak nya.



"Handa akong tanggapin kahit anong ugali meron sya, ganun ko sya kamahal." Panggagaya nya sa boses ko at inilagay ang kamay nya sa baba nya na parang nagpapacute. "Tsaka anong rude?! Ang bait kaya ni Kookie!"



"Sa inyo lang, sa akin hindi. May sama ba sya ng loob sakin?"



"Susunduin ka ba nya kung may sama sya ng loob sayo?"



"Sabi nya kaya sakin, ginagawa nya lang yun kasi sabi nyo."



"Pwede kaya syang tumanggi, but he chose not to."



Natahimik ako at napatingin sa malayo. I choose not to bring that topic anymore. Mas lalo lang akong maguguluhan.



Hanggang ngayon naiisip ko parin ang nangyari kanina. Kaya nga pumunta agad ako dito sa veranda nang matapos ang dinner namin para mag-unwind. Pero heto, sinundan naman ako ni Ate Brina.



"Bakit biglaan naman ata ang invitation ni Taehyung para mag-sleep over dito?" Pag-iiba ko ng usapan.



"Magiging busy na daw sila sa isang araw eh! Malapit na daw kasing i-release yung bago nilang kanta kaya magiging hectic ang schedule nila sa mga susunod na weeks dahil sa mga tv guesting."



"Hmm... Kaya pala ang bilis mong pumayag at agad-agad ang pag-uwi mo dito sa Seoul."



"Syempre. Mahirap tanggihan ang isang Kim Taehyung noh! I bet hindi mo rin matanggihan si Hobi."



"Eh ano ba talagang real score between you two?"



"Friends, i guess?"



"I guess? Hindi ka sigurado?"



Tumango sya. "Medyo naguguluhan lang ako sa mga ikinikilos nya."



"Like what?"



"Ate Erinn! Ate Brina!"



Parehas kaming napalingon kay Via. Malawak syang nakangiti habang may dalang throw pillow.



"Binigyan ako ni Namjoonie oppa ng oversized shirt!" Excited nyang sabi. Medyo pasiring-siring pa syang lumapit samin.



Umupo sya at niyakap si Ate Brina. "Miss ko na kayo!"



Nagpumiglas naman si Ate Brina sa pagkakayakap nya. Tumayo pa si Ate Brina para layuan sya. "Ano ba yan, Via?! Ba't amoy-alak ka?! Uminom ka ba?"



Kumunot-noo sya at umiling-iling.



"Hindeeeeeee..."



"Anong hindi?! Lasing ka kaya!"



Todo iling lang sya. Ako naman ang niyakap nya at hinalikan pa ako sa pisngi.



Marahan ko din syang tinulak nang maamoy ko ang hininga nya. Amoy-alak nga!



"Amoy-alak ka nga, Via!"



Nagpout sya. Halata naman na lasing sya eh. Nung naglakad sya papunta samin, sumisiring sya tapos sobrang lambing nya samin. Eh hindi naman sya ganoon. Nagpapacute narin sya na hindi naman nya ugali.



Nagcrossed-arms lang si Ate Brina at pumasok sa loob. Sumunod naman kami. Parang matutumba pa si Via kaya hinawakan ko na sya sa braso para alalayan.



Naabutan naming nagchechess sina Jimin at Yoongi habang nakapanood lang sina Jk, RM, Jin at Hobi. Lumapit kami sa kanila at pinagmasdan narin sina Jimin.


Sa pwesto palang ng mga chess pieces, halatang matatalo na agad si Jimin. Pero malay ba, baka bigla syang makabawi at matalo pa nya si Yoongi.


"Let's drinkkkkkk!!!"


Biglang lumabas mula sa kusina si Taehyung habang may dalang bucket of beers. Medyo nagulat pa ako nang mabilis na tumayo si Via para salubungin sya.


Mapatingin ako kay Ate Brina. Pero umiling lang sya at nagkibit-balikat.


"They've been drinking since we started to play Chess." Baling sakin ni Hobi.


"Just the two of them?"


Hindi makapaniwalang tanong ni Ate Brina.


"No. We also drinking but I stopped when I feel dizzy. Jin and RM were now totally drunk." Tinuro nya sina Jin at RM.


Doon ko lang na-realized na nakatungo na pala sila dahil sa kalasingan, hindi dahil nanonood sila sa laro nina Jimin.


"Then how about that two?"



Inginuso naman ni Ate Brina sina Jimin at Yoongi. "They're just tipsy--"


"YAAAHHHH!"


Nagulat kami nang sumigaw si Yoongi kasabay ng pagtayo nya. Nagsasayaw sya na parang tuwang-tuwa habang nangingiti lang sa kanya si Jimin. Sunod na tumayo naman si Jk at nagsayaw din tulad ni Yoongi.


Para silang nagb-ballroom dancing kaya tawa kami nang tawa. Pati sina Jin at RM na akala ko'y tulog na eh nakikitawa narin.


Lasing na nga sila!


Lalong lumakas ang tawanan namin nang magpatugtog si Taehyung. Nakisali sya, si Jin at Jimin sa pagsasayaw nina Yoongi at Jk habang nagdu-duet naman sina RM at Via na ginawa pang microphone yung bote ng beer.


Kumuha naman si Hobi ng dalawang bote at inaabot samin. Umiling kami ni Ate Brina. Dapat may matira saming hindi lasing para magligpit ng kalat dito sa dorm.


Pero bigla syang nagpuppy eyes.



"Come on. It'll be weeks before we see each other again so...tonight..."


Nagulat kami nang tumayo sya at tumuntong sa ibabaw ng center table nila.


Jusme! Buti matibay yung lamesa at kinaya sya!


"LET'S GET DRUNK UNTIL WE DROP! WOOOOOOOHH!!" Sigaw ni Hobi.


Parehas kaming natawa at lalong maghiyawan sina Via. Inabot nya samin yung beer kaya wala na kaming nagawa ni Ate Brina kundi tanggapin.


Hobi has a point. Magiging busy nga sila sa mga susunod na linggo at siguradong ganun din kami sa trabaho at si Via sa pag-aaral nya. So why not we enjoy this night?





She's The Cause Of His EuphoriaWhere stories live. Discover now