CHAPTER 02

18 3 0
                                    

Erinn's Point Of View

Inubos muna nya ang isang basong tubig bago ulit nagsalita.



"I didn't know na ganun pala ka-desperate si Tito Tim na makuha ang loob ko para bigyan pa ako ng scholarship dito sa Korea."



"At sinamantala mo naman?!" Ate Brina blurted out.



"Duh, syempre! Ang mga ganung opportunity, hindi dapat pinapalampas!"



"Kahit na! You should've talk to us first bago mo tinanggap yung offer nya, pano kung mag-away sila ni Tita Wena, na alam mo naman na may possibility talagang mangyari at bigla nalang nya bawiin ang scholarship mo?! What would you do, huh?!" I raised my left eyebrow.



"I don't know, okay?! Pero gagawa nalang ako ng paraan if ever na mangyari nga yun."



"D*mn it, Via. Hindi ganun lang kadali ang buhay dito sa Korea, wala ka sa Pilipinas para magpadalos-dalos ng desisyon. Stop being impulsive decision-maker!"



"Okay, okay. I was wrong, i know. But please, stop giving me life lessons! It sucks!"



Sabay kaming napabuntong-hininga ni Ate Brina. Kahit noon pa man, matigas na talaga ang ulo ni Via.




Palagi syang sakit sa ulo ni Tita Wena kahit bata palang kami. Nang-aaway sya ng kalaro nya kapag hindi nasusunod ang gusto nya. She loves bullying her classmates when she was in her elementary days. Peers, parties and drinks was her life when she reached highschool. Nag-umpisa lang syang naging ganyan nung namatay si Tito Ace, her biological father because of a car accident.






Nalubog din sila sa utang nang ma- bankrupt yung real-state company nila dahil sa pagkamatay ni Tito.





All her luxuries in life was gone like a balloon suddenly popped. Kaya hindi ko rin sya masisisi nang mas lumala ang ugali nya.





Cutting class, failing grades, being mess with someone, drinking beers, taking cigarettes, making out with some stranger she just met in the club. Lahat na ata ng pwedeng gawin ng isang teenager na nagrerebelde ay ginawa nya. And even worse was she almost take drugs kung hindi lang namin sya agad napigilan ni Ate Brina.





Natauhan naman sya after that night. Nagtino na ulit sya at bumawi sa pag-aaral kahit last semester na nila para lang maka-graduate parin sya ng highschool.




We saw how determine she was para lang makabawi sa mga pagkakamali nya. Day by day, she became a better person. Yun nga lang, hindi namin nabago sa kanya ang pagiging impulsive nya pagdating sa pagdedesisyon, kaya eto ngayon padalos-dalos na naman sya.



"Okay, fine. But what about Tita Wena? Anong sabi nya?"



Karga-karga lang ni Ate Brina si Czana habang parang tao na nakikinig samin.




Kung siguro nakapagsasalita lang si Czana, baka nag-agree din sya sa gusto naming ipinpoint ng Mommy Brina nya.



"Pumayag naman sya, as long as kasama ko daw kayo. Alam nyo naman, she trusted both of you more than her own daughter. Akala ata ni Mommy, magrerebelde ulit ako sa kanya."



I saw how she rolled her eyes the moment she said the word "Mommy". Via's relationship with her Mom wasn't bad at all, but I couldn't say that it was good also.




Sadyang malayo lang talaga ang loob ni Via kay Tita Wena. She prefer to be with Tito Ace than her Mom. She was Daddy's girl. Kaya naman ganun nalang ang epekto sa buo nyang pagkatao nang iwan sya ng Daddy nya.



"Okay, I'm done. I want to take a rest. My flight was so exhausting! Goodnight, Unnie's!"



Tumayo si Via na parang walang nangyari at dumiretso sa kwarto na dating walk-in closet namin.




Buti nalang malawak itong apartment na nabili ni Ate Brina. Malaki ang living room at kitchen. May tatlong malalawak na kwarto at tig-iisang banyo. Malapit din sa mga convenient stores ang location ng Apartment complex na 'to. I wonder kung manghuhula si Ate Brina at nakita nya sa future na susunod kami ni Via sa kanya dito sa Korea.



"Ikaw? Hindi ka pa inaantok?" Baling ni Ate Brina sakin.



I shook my head as an answer. Baka manood pa ako ng Kdrama o kaya BTS RUN episode para magpaantok.



"What about you? Diba Monday bukas? Babalik ka na ulit sa Busan."



Kumuha sya ng snacks sa cupboard at coke-in-can bago muling humarap sakin.



"Nah! Manonood pa ako ng Kdrama, maaga nalang akong gigising bukas."



Napatango-tango nalang ako habang sinusundan sya papuntang living room. Binigyan nya din ako ng coke at snacks na kinuha nya kanina.



"Isasama mo ba si Czana sa Busan bukas?"



"Mmm-hmm. Wala syang kasama dito kapag nagsimula ka na sa work mo, ganun din naman si Via. I don't want my baby to be left alone, atleast dun nababantayan ko sya."



Napako ang tingin ko kay Czana na ngayon ay tahimik na nakahiga sa kandungan ni Ate Brina. "Edi mamimiss ko ang Czana na 'to!"



"Isasama ko rin naman sya pag-uwi ko next week, so don't worry."



Nabalot kami ng katahimikan, nakasandal lang ako sa balikat nya habang nanonood. Until, something suddenly popped on my mind.



"Unnie, may chance kaya na makasalubong ko sa busy streets ng Seoul si Jeon Jungkook?"



She looked at me with her what-the-hell-are-you-saying?! look. It's like i asked a ridiculous question or i asked a very wrong question that could make earth destroy.



"That's a very, very impossible to happen. Kahit nasa Korea na tayo, 0.1% chances na makakasalubong natin sila sa daan. Remember, they're the biggest K-pop boy group all over the world, hindi pwedeng casually lang silang magpagala-gala dyan sa kanto na parang mga ordinaryong tao. Miski nga pagkain nila sa labas eh kelangan pang ipasara ang buong restaurant para lang makakain sila ng maayos without being interrupt by their own fans. Sa halos isang taon ko na dito sa Korea, never ko pang nakabanggaan sa daan si Kim Taehyung, my loves. You can only meet them in concerts, fanmeets and fansigns, pero kung meant to be talaga kayong magkabanggaan ni Jungkook sa daan tulad ng mga napapanood natin sa mga romantic movies, then why not?!" Paliwanag nya sabay kindat sakin.



"Don't worry, kapag may enough savings na ako. Aattend tayong tatlo sa concert nila or guesting sa mga tv shows." She added as she caressed my hair.



"Daya naman! Naka-attend ka na kaya!" Pagmamaktol ko.



"Aba! Eh malay ko bang may balak pala kayo ni Via na sumunod dito!" Inirapan nya lang ako bago muling nanood.


She's The Cause Of His EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon