CHAPTER 21

9 1 0
                                    

Erinn's Point Of View

Napakurap-kurap ako habang hindi ko parin inaalis ang tingin ko sa kanya. Tanging statement pants lang ang suot nya at walang damit pang-itaas. I unconsciously touched my hair and bit my lower lips. Pinaglandas ko ang tingin ko sa buo nyang katawan. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa paperbag na dala ko.



I can't help but to look at his perfectly shaped body. His sweat dripping from the upper part of his back to the lower makes him more attractive in a different way. I never seen Jungkook in a state like this.



Naramdaman kong tumulo ang pawis ko sa gilid ng noo ko nang makita ko ang repleksyon nya sa salamin. Malaya kong napagmasdan ang kabuuan nya. Ang likuran at harapan nya. He's like a living sculpture because of his well toned body.



"Erinn?"



Bumalik ako sa katinuan at agad na tumalikod sa kanya. Hindi na ako nagpakaharap-harap sa kanya. Maling kwarto ang napasukan ko, practice room ata ito dahil may malaking wall mirror at mag-isa lang syang nagrerehearse dito.



"I-I think I enter a wrong room. I was searching for the dressing room but I guess---"



Binuksan ko ang pinto para lumabas pero nagulat ako nang bigla nya itong sinarado. Kaya napilitan akong harapin sya. Halos tumigil ako sa paghinga nang marealized ko kung gaano sya kalapit sakin, kung gaano kalapit ang katawan nya sakin. Our face was just an inches apart, isang maling galaw ko lang, alam ko na agad ang mangyayari. Naaamoy ko narin ang perfume na gamit nya. Pawisang-pawisan na sya sa pag-rerehearse ng sayaw pero ang bango-bango parin nya.



Yung puso ko, nagwawala na! Ngayon ko lang naranasan ang mapalapit ng ganito sa isang lalaki, sa kanya lang, kay Jungkook lang. At ang mas nakakailang pa, he didn't even bother to wear any t-shirt to cover his top. Nananadya ba sya?! Is he trying to seduce me or what?!



Kung gwapo na sya kapag malayo, mas gwapo sya kapag malapitan. Wala man lang akong nakitang kahit isang blackheads o pimples man lang. He's not wearing any makeup, only his bare face but I can see how good-looking he is.



Bigla tuloy akong nailang nang mapagtanto kong nakatitig din sya sa mukha ko. Light makeup pa naman ang in-apply ko dahil hindi naman ako magtatagal dito. Baka makita nya ang not-so-beautiful skin ko.



"This is practice room. The dressing room you've searching is in the left side of this room."



"Ah! Y-Yeah, thanks!"



Bahagya syang umatras kaya mabilis kong binuksan ang pinto at lumabas.



"Hoo!"



Para akong nabunutan ng tinik nang tuluyan akong makalabas. Napahawak ako sa dibdib ko at napasandal sa pinto ng practice room. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, para akong galing sa marathon. Ang lalaking yun. Sya lang talaga ang may kakayahan magparamdam sakin ng ganito.



"ERINN!"



Napalingon ako sa left side ko. Malawak ang ngiti na lumapit sakin si Taehyung. May dala syang dalawang coffee at sandwich. "Is Jk asked you to come here?"



"Bakit ba lagi nalang kayong naka Jk?" Bulong ko.



"What, Erinn?"



"Ah--nothing! I came here because I want to give this cookies to Hobi." Ipinakita ko sa kanya ang paperbag na dala ko. Ngumiti lang sya at tumango-tango.



"Ah.. Hobi hyung. Yeah, he's in the dressing room. I thought you came here for Jk because I just saw you step out from the practice room. He's inside, right?"



"Yeah. He is---"



"Then i assume you saw him dancing without any shirt on." Pilyo syang ngumiti.



Nasamid ako sa sarili kong laway sa sinabi nya. Hinimas-himas nya naman ang likod ko at in-offer pa yung dala nyang kape sakin. Tinanggap ko ito at mabilis na ininom.



Jusme! Balak ata akong patayin ni Taehyung sa pagkasamid.



"I'm really sorry, Erinn. I didn't mean to choke you. I was just joking around, don't take it seriously."



"It's okay. I know *cough* you were just joking."



"Yeah! It's just that.. Jk used to rehearse without any top when he's alone in the practice room."



"But I didn't saw him shirtless." Pagsisinungaling ko.



Aba! Wala akong balak na ipaalam sa kanila ang nakita ko noh! Ang nakita ko sa practice room ay mananatiling sa practice room lang. The shirtless Jungkook will be deleted in the back of my mind as if nothing happens.



"I know. Ah-! I almost forgot, you came here for Hobi hyung, right? Then let's get inside."



Iginaya nya ako papasok sa dressing room. Kaya pala practice room ang napasukan ko, napasobra pala ang bilang ko. Pang-pitong pinto pala ang practice room at nalito ako nang nakabanggaan ko ang isa sa mga staff nila.



Naabutan naming palakad-lakad si Hobi at parang hindi napakali. Paroo't-parito syang naglalakad habang tutok na tutok sya sa phone nya. Nasa couch naman si Yoongi at Jin na natutulog. Habang si RM at Jimin naman ay tutok na tutok din sa sari-sarili nilang phone.



"Hobi hyung!" Tawag ni Taehyung.



Napatingin samin sina RM, Jimin at Hobi. Binati lang ako ni RM at Jimin habang mabilis naman akong sinalubong ni Hobi.



"I was worried when Dong Suk hyung told me that he can't accompany you because of a sudden problem and left you alone. I thought you lost because you didn't answering my calls."



Pinaupo nya ako sa couch kaya chineck ko ang phone ko.



87 missed calls...



Long lost sister ba nya si Via? Grabe sila makatawag, ang tyaga!



"I saw her on the practice room, hyung." Sabi ni Taehyung.



"I almost lost. I thought the practice room was actually the dressing room. Gladly, Taehyung saw me."



Tumango-tango sya. "More important is you're finally here."



Bumaba ang tingin nya sa dala kong paperbag. "Is that my favorite cookies?"



Malawak akong ngumiti at tumango-tango. "Yep. A freshly baked cookies."



Inabot ko ito sa kanya at agad naman nyang tinanggap. Tuwang-tuwa nya itong binuksan at tinikman. Inilagay nya pa sa case ng phone nya yung maliit na sticky note. Binigyan din nya ang ibang members.



Nagkakasiyahan kami nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Jk. Unlike kanina na shirtless sya, ngayon ay may suot na syang black oversized shirt. Tumabi sya kay Hobi.



"What's that, hyung?" Tinuro nya yung garapon ng cookies na nasa center table.



"It's from Erinn. I requested her to baked some cookies for me. It's really delicious. You should try it." Sagot sa kanya ni Hobi.



Saglit nya pa ito tinitigan. Pero maya-maya lang ay bigla syang tumayo. "I'm on a diet."



Lumabas sya ng dressing room nang hindi man lang kami nilingon.



Eh ano naman kung hindi sya kumain?! Para sa mga hyung lang naman nya ito! Psh!



She's The Cause Of His EuphoriaWhere stories live. Discover now