CHAPTER 22

8 1 0
                                    

Erinn's Point Of View

Padabog akong umupo sa sofa at humalukipkip. Kahit nakauwi na ako sa apartment, hindi ko parin talaga maiwasang mainis sa lalaking yun.



"Bakit naman sambakol ang mukha mo? Ano na naman ba ang nangyari?" Tanong ni Ate Brina nang sumulpot sya galing sa kusina at tumabi sakin.



"Si Jk. Naasar na naman ako sa ugali nya!"



Inabutan nya ako ng isang coke in-can mula sa apat na dala-dala nya kanina. Agad ko naman itong binuksan at walang tigil na ininom ang laman niyon.



"Bakit? Ano namang ginawa ni Kookie sayo?"



"Hindi sya kumain ng cookies na dala ko dahil diet daw sya!"



"Boang! Baka nga naman kasi diet yung tao! Hindi ka naman siguro pinanganak kahapon para hindi malamang may dietary plan talaga silang mga idol para ma-maintain yung fitness nila."



"Alam ko yun noh?! Ang ikinaiinis ko lang, sinabi nyang diet sya pero naubos nyang yung dalawang bacon egg sandwich na dala ni Taehyung!"



"Diba para kay Hobi yung cookies?" She asked, out of the blue.



"Oo. Why?"



Kumuha ako ng isa pang in-can at binuksan yun. Just like the first one, I drink it without hesitation.



"So bakit apektadong-apektado ka nung hindi sya tumikim ng cookies na dala eh para kay Hobi naman yun? Dapat nga mas magiging apektado ka kung si Hobi ang hindi kumain nun."



Naibuga ko ang iniinom kong coke at napaubo-ubo. Mabilis naman syang tumayo at kumuha ng isang basong tubig sa kusina. Pinainom nya ito sa akin habang hinihimas ang likod ko.



Gawd! Balak ba nila akong patayin ni Taehyung sa pagkasamid?!



"Oh sya! Change topic na nga tayo! Kamusta naman sila? Halos isang linggo ko rin silang hindi nakita ah!"



"Okay naman sila. Pero kitang-kita ko talaga kung gaano sila kapagod ngayon. Halata na nga mga eye bags nila. Lagi daw silang puyat eh, dahil sa mga rehearsals and everything."



"Kamusta naman si Taehyung?"



"Ayun, gwapo parin as always. There's no traces of tiredness. Hyper parin."



"Alam mo bang pinipilit nya akong makipagkita sa kanya pero tumanggi parin ako. Sabi ko mas mabuti kung magbabawi sya ng tulog at magpahinga nalang buong araw."



"Hindi ko sure kung makakapagpahinga sila, kasi nagpatawag ng early meeting si Pd nim at kinailangan nilang pumunta kaya nasa HYBE sila ngayon."



"Wait! Is that mean sa HYBE building ka pumunta?"



"Oo. Dun na ako pinapunta ni Hobi kasi hindi pa daw sila pwedeng umuwi because of some matters."



"Kawawa naman pala sila. Imagine, ganito pala sila in real life kapag magrerelease sila ng bagong kanta. Tapos panigurado mas busy sila kapag comebacks nila o kaya concert preparation." Sabi ni Ate Brina.



"You know what, bakit hindi mo tawagan si Taehyung at kamustahin sya?"



"Wag na. Baka mamaya busy pala sya."



"Hindi yan! Dali! Kim Taehyung will never be busy when it comes to you. You see gusto ka pa nga nyang makita after all his hectic schedules." Sabi ko.



She's The Cause Of His EuphoriaWhere stories live. Discover now