CHAPTER 03

8 3 0
                                    

Erinn's Point Of View

The cold breeze welcomed me the moment i stood in front of our main door. Katatapos lang ng autumn season kaya ramdam na ramdam na agad ang lamig ng buong paligid.


Naeexcite na ako kahit iniisip ko palang na finally mararanasan ko na din ang winter season na never ko pang naexperienced sa Pilipinas dahil tropical country yun.

Imagine, seeing myself enjoying the snow falling from above. Making a snow man i dreamt since i was a child. Kung pwede ko lang i-adjust ang oras para magwinter na, gagawin ko eh.


Buti nalang makapal yung coat na niregalo sakin ni Mama nung nagbirthday ako last year kaya hindi ako masyadong nilalamig kahit 15° ang temperatura ngayon.

Kaaalis lang ni Ate Brina kaninang 5 am. Maaga nga syang umalis gaya ng sabi nya kagabi. Ni hindi narin sya nakapagpaalam kay Via na tulog na tulog parin hanggang ngayon.

Wala naman sana akong balak lumabas ngayon pero naalala kong hindi ko pa nga pala nata-try yung paboritong banana milk ni Jungkook. Sabi ni Ate Brina, mabibili ko daw yun sa mga groceries and convenient store. Naalala kong may convenient store nga pala na walking distance lang mula dito sa apartment.

Kaya eto ako ngayon, naglalakad sa busy street ng Seoul papunta sa convenient store habang palihim na nagdadasal na sana makabanggaan ko man lang ang isang Jeon Jungkook kahit alam kong suntok sa buwan ang gusto kong mangyari.


Makalipas ng halos kalahating oras, nakarating ako sa convenient store nang mapayapa. Walang Jeon Jungkook na nakabanggaan sa daan. Inaamin ko, umasa ako kahit konti. Syempre, laging may pag-asa kahit konti lang ang posibilidad na mangyari yun.

After all, South Korea parin 'to, we're still on the same country, we're still stepping on the same land, we're still breathing the same air.

Halos walang tao sa loob nang pumasok ako. Yung cashier na sa kalkulasyon ko ay nasa mid-40's na, at mangilan-ngilang customer na busy sa pamimili ng mga bibilhin nila ang naabutan kong nasa loob.

Isang Korean pop song din ang tumutugtog sa buong store na hindi ko naman maintindihan ang bawat lyrics. Hindi rin masyadong malamig sa loob dahil iisa lang ang air-conditioned at maliit pa.


Dumiretso ako sa beverage section ng store. Buti nalang may English translation ang mga sign na nakasulat kaya naiintindihan ko parin kung nasan naka-classify ang mga paninda nila.

Dahil nga konti lang naman ang customer ngayon, wala akong natagpuang tao dito. May kalawakan ang beverage section kaya feeling ko medyo matatagalan ako sa paghahanap ng banana milk.

Puno ng determinasyon kong tiningnan ang bawat refrigerator, umaasang nandun na ang hinahanap ko.


Halos 5 minuto na ang nakakalipas pero hindi ko parin matagpuan ang lecheng banana milk na yun.

Pati ba naman banana milk, ang hirap din matyempuhan?!

Ganun ba talaga kapag connected kay Kookie, sobrang rare?!

Gawd! Kung hindi lang ako desperadang matikman ang banana milk na yan, hindi ako magtitiyaga na maglakad nang halos kalahating oras at isa-isang magbubukas ng sampung refrigerator para lang maghanap ng ganun!

I absentmindedly scanned the content of the last refrigerator I opened.

Kung wala akong matatagpuang banana milk dito, baka magtingin nalang ako sa groceries store na malapit din dito.

Kahit naman panay ang reklamo ko, handa akong halughugin ang buong South Korea, mahanap lang ang banana milk na pinaka inaasam-asam ko!

O_o

She's The Cause Of His EuphoriaWhere stories live. Discover now