CHAPTER 13

6 2 0
                                    

Erinn's Point Of View

Nagising ako sa walang tigil na pagtunog ng phone ko. Tiningnan ko ang caller pero unknown number.




Sino naman kaya ang tatawag sakin nang ganito kaaga?! Nagsilbi pa syang alarm ko, mas maaga nga lang.




Nakapikit kong sinagot ang tawag.




"Hello? Who's this?"



["Hello, Erinn babe! Nagising ba kita? I'm sorry."]




Huh? Ano daw? Erinn babe?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Wait! Erinn babe?



"Anais? Ikaw ba yan?"



I heard her sighed. ["Shesh! Akala ko hindi mo na ako makikilala eh!"]



"Muntik na! Nagbago ka ng digits eh, akala ko kung sino! Pero tinawag mo akong Erinn babe kaya nakilala agad kita. Ikaw lang naman ang tumatawag sakin nang ganyan."



["Haha... I knew it, makikilala mo ako kapag tinawag kita nang ganun."]



"Yep. So, bakit ka napatawag, after almost 3 months?"



["Hindi ko alam kung para sayo good news ba 'to o bad news, pero para sakin bad news, as in sobrang samang balita."]



"Oh? Ano ba yun? Pinapakaba mo naman ako eh."



["I'm getting married."]



Napaupo ako sa gulat. "ANO?!"



["Yep, hindi ka nabibingi. Ikakasal na ako."]



"Wait. Pano nangyari yan?! 3 months ago, parehas tayong walang boyfriend, tapos ngayon ikakasal ka na?! Anong nangyari? Nabuntis ka ba kaya bigla kang ikakasal ngayon?!"



["Chill ka lang, Erinn babe. Virgin parin ako noh! Hindi ako buntis! Porket maaga ikinasal, may dala agad sa tiyan?! Hindi ba pwedeng arrange marriage lang para sa merging ng mga lintek na kompanyang yan?!"]





Natutop ko ang bibig ko. Naamoy ko tuloy yung morning breath ko. Medyo mabaho, pero wala naman akong bad breath eh.





"You mean, you were arrange to marry a guy who doesn't even your lover?"



Tumayo ako at pumunta sa banyo para mag-toothbrush.



["Yes. Kaya nga kita tinawagan kasi kelangan ko ng tulong mo eh. Okey lang ba sayo?"]



Tss... Yan ang problema ng ibang mayayamang pamilya eh! Sa kagustuhang mas yumaman pa sila, ipapakasal pa nila ang anak nila sa iba para lang mas lumawak ang negosyo nila.





Naaawa tuloy ako kay Anais. Buti nalang galing ako sa mahirap na pamilya kaya ligtas ako sa mga arrange marriage na yan.




"Of course. Anong klaseng tulong ba ang kelangan mo?"



She's The Cause Of His EuphoriaWhere stories live. Discover now