CHAPTER 15

9 2 0
                                    

Erinn's Point Of View

Paulit-ulit kong sinasaway ang sarili ko dahil sa ilang beses kong patitig sa kanya mula sa malayo.




Tatlong oras na ang nakakalipas simula nang maghintay sya sakin. Nagtataka nga ako kung bakit parang hindi sya nangangalay sa pag-upo. Ni hindi kasi sya tumayo sa loob ng tatlong oras na yun, panay lang ang cellphone nya.




Alas-kwatro palang nang hapon at mamayang 6 pa ang tapos ng shift ko. Hindi pa ako sigurado kung makakauwi agad ako kasi minsan nalalate pa si Jamie na pang-night shift tulad nung sinundo ako ni Hobi.



"Kanina pa naghihintay yung boyfriend mo dyan, nag-away ba kayo?"



Hindi ko pinansin si Lindsey. Huminga ako nang malalim habang nakatitig parin kay Jk.



"Mukha kang badtrip nung kinausap mo sya kanina ah. Nag-away ba kayo?"



"Hindi. Hindi kami nag-away at hindi ko rin sya boyfriend. Period."



"Hindi ba?! Eh mukhang magjowa nga kayo nung nag-aaway kayo kanina?"



"Aish! Friend sya ni Ate Brina, inutusan sya na sunduin ako. Hindi ko nga sya boyfriend, ang kulit mo naman!"



"Ahh, ganun ba? Sayang naman! Boyfriend material oh! Kahit plain black shirt at ripped jeans lang ang suot, ang gwapo parin ng dating. Ba't di mo kaya jowain?"



"Pano ka nakakasigurado na gwapo 'yan? Alam mo bang kaya naka-facemask 'yan kasi hindi sya pinagpala pagdating sa mukha. As in sobrang pangit nya to the point na masusuka kapag kaharap mo sya."



Sumimangot sya.



"Gusto kong maniwala pero ang exaggerated mo."



"Totoo nga yun, promise."



"Hmpff... Feeling ko gwapo yan. Yung mala-BTS ang datingan o kaya Park Hyung-sik. Yung tipong napapasigaw ka with matching laglag panty kapag kinindatan ka."



"Ikaw ang exaggerated! Tsaka kung ayaw mong maniwala edi wag! Siguradong madi-disappoint ka kapag nakita mo yung mukha nya."



"Bakit hindi mo sya utusang alisin yung facemask nya?"



"Kahit utusan ko sya, hindi nya gagawin yun."



"Bakit naman?"



Haistt! Kelan ba sya titigil kakatanong sakin tungkol sa lalaking yun?!



"Ang daming guest na paparating at ang dami mo ring tanong."



"Hehehe... Sagutin mo nalang."



Hindi ko na sya pinansin pa at inasikaso ko na ang mga guest namin.



_____________



Kinuha ko ang sling bag ko at nagpaalam na kay Jamie. Natapos na ang shift ko nang sakto sa oras. Hindi na-late si Jamie eh kaya napalitan nya agad ako.



Nauna nang umuwi sakin si Lindsey kani-kanila lang. Inaakit ko pa nga na sumabay na samin ni Jk pero tumaggi sya.


Nakakahiya daw na chaperone pa sya sa date namin. Pilit nya parin talagang kini-claim na boyfriend ko ang lalaking yun.


She's The Cause Of His EuphoriaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora