Kabanata 17

13 2 0
                                    

Hanggang sa makalabas kami ay hindi ko na ginawa pang tumingin muli kay Khairo.

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa paghintong ginawa ni Carl. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat saka marahang hinaplos ang buhok ko. Napatigil lamg siya sa ginagawa ng bigla na lang may bumangga sa balikat niya.

"Tss..." hindi ko na nagawa pang kausapin si Khairo dahil agad rin itong umalis at naglakad papalayo.

Agad na rin kaming naglakad ni Carl dahil uwian na rin naman namin. Pumunta muna kami sa room namin para kunin yung mga gamit namin.

Isasabay sana ako ni Carl sa kotse niya ngunit sinabi kong may gagawin pa ako. Pagdating ko sa parking lot ay nakaginhawa ako matapos kong makita ang kotse ni Khairo. Ibig sabihin ay hindi pa siya umuuwi.

Nagpunta ako sa gilid para doon umupo at hintayin ang pagdating niya. Ilang minuto ang lumipas ngunit hindi pa siya dumarating.

Napatayo ako nang makita ko na ang papalapit na si Khairo ngunit hindi ako tumuloy sa pagpunta sa kaniya dahil nakita kong kasabay niya si Stacey.

Sabay silang pumasok sa kotse ni Khairo. Nanatili na lang ako sa pwesto ko hanggang sa tuluyan na silang naka-alis.

Unti unti ko na namang naramdaman ang pagpatak ng mga luha ko dahil na naman sa sakit. Kailangan ba talagang ganito na lang lagi ang maramdaman ko?

Pumara ako ng tricycle upang masakyan papunta sa karinderya.

Todo ang ginagawa kong pagpapahid sa mga luha kong walang tigil. Ayesha, dapat talagang sanayin mo na yang sarili mo na mag-isa lang.

Pagkarating sa kariderya ay agad kong ibinigay ang pamasahe ko saka ako pumasok sa loob. Wala ako sa sarili ko habang inihahatid ko ang mga orders nila.

Panay ang pagtanaw ko sa dating inuupuan ni Khairo sa pagbabakasakaling nandun siya pero muli lamang akong nabigo.

Nasanay na ako sa presensiya niya kung kaya't ngayon ay naninibago ako.

Pagka-uwi ko sa bahay ay agad akong naligo para makakain na rin ako. Mukhang may nagawa talaga akong mali kung bakit ganon na lang ang inaakto ni Khairo.

Mas maaga akong pumasok ngayon upang hintayin si Khairo. Nagbabakasakali akong maka-usap ko siya. Hinintay ko siya sa may gate ng school at ng mamataan ko ang kotse niya ay dali dali akong sumunod sa parking lot.

Pagkaparada pa lang ng sasakyan niya ay naka-abang na ako sa paglabas niya.

Paglabas pa lang niya ng kotse ay dali dali na akong lumapit sa kaniya. Nakakunot ang noo at nakaigting ang panga niya ng balingan niya ako ng tingin.Halata sa reaksiyon niya ang pagkamuhi matapos akong makita.

Nanlumo ako ngunit agad rin akong nakabawi at ngumiti ng pilit sa kaniya.

"Ah...pwede ba tayong mag-usa---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa bigla niyang pagbunggo sakin sanhi ng pagkaka-upo ko sa sahig.

Ang buong akala ko ay titigil siya para maka-usap ko man lang ngunit ng magtuloy tuloy siya sa paglalakad ay tinanggap ko na lang ang kaisipang ayaw talaga niya akong kausapin.

Pinagpag ko ang palda ko matapos akong makatayo. Nakaramdam ako ng hapdi sa palad ko at ng silipin ko ito ay nagasgas pala dahil ito ang ginamit kong pangtukod upang suportahan ang katawan ko kaninang napa-upo ako.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at hindi ko na namalayang marami pala ang nakatingin sakin. Mukhang nasaksihan rin nila ang nangyari sakin kanina.

Binalewala ko na lang sila kahit na rinig na rinig ko ang mga tawanan nila. Marami rin akong naririnig na masasamang salita na ibinabato sakin pero hinayaan ko na lang sila dahil sanay na ako.

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Where stories live. Discover now