Kabanata 27

21 2 0
                                    

Magaan sa pakiramdam ng magising ako. Laking gulat ko nang mapansing parang ang may nakapatong sa tiyan ko. Nang tignan ko ay nakita kong nakapatong ang kamay ni Khairo. Wala na yung unan na nilagay ko sa gitna namin kagabi! Ang masaklap ay nakayakap na sa'kin si Khairo.

"Hey" panggising ko sa kaniya ngunit hindi niya ako pinansin. Himbing na himbing ang tulog niya. Napakaamo ng kaniyang mukha at payapang payapa habang natutulog.

"10 more minutes, please" husky ang boses niya at mas lalo lang tuloy bumilis ang tibok ng puso ko.

Isiniksik niya ang ulo sa may leeg ko at pansin ko ang ginawa niyang pag-amoy. Hindi ko tuloy naiwasang hindi makiliti dahil sa ginagawa niya.

Tulad ng sinabi niya ay hinayaan ko na muna siya sa ganung posisyon. Baka kasi ngayon lang nakapagpahinga ng maayos. Mas humigpit din ang pagkakayakap niya sa'kin. Gusto ko man siyang itulak ngunit sa lakas niya ay tiyak kong hindi ako magtatagumpay.

"Wake up, may trabaho ka pa" hindi ko nakilala ang boses na ginamit ko. Gusto ko na lang tuloy matawa para sa sarili ko.

"I don't want to go to work. You're not there" marahan ang kaniyang boses. "I've missed you" hindi ko narinig ang huli niyang sinabi dahil sa mas lalo pa niyang pagyakap sa'kin.

Gustong gusto kong magalit sa sarili ko dahil hinahayaan ko na naman siyang pumasok sa buhay ko. Hinahayaan ko na naman siyang saktan ako. Sigurado akong kapag nasaktan ulit, hindi na ako makaka-ahon muli.

Gusto kong pagbigyan ang sarili na hayaan lang si Khairo sa ginagawa niyang nagpapagulo sa'kin. Gustong gusto ko dahil matagal na akong nangungulila sa bawat yakap niya. Sa mga paghalik niya sa noo ko at sa pagpaparamdam sa'king buo ako--na may kasama ako. Yung bang tipong may papahid sa mga luha ko. Yung bang tipong makita mo lang siyang nakangiti sayo ay maglalaho ang pagod mo.

Siya ang naging pahinga ko kaya nung iniwan ako ay tila ba pagod na pagod ako.

Isang ngiti, isang marahang pagtawa, isang pagdampi ng labi sa noo...pakiramdam ko higit pa sa nanalo sa lotto. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Na kahit na saktan ako ay ngingiti pa rin sa kaniya. Na kahit na itulak ako palayo ay babalik at babalik pa rin ako sa kaniya hindi dahil sa tanga ako kundi dahil sa mahal ko siya.

Posible pala yun noh? Yung mas mahal mo ang isang tao na mas  higit pa sa pagmamahal mo para sa sarili mo. Yung ok lang na masaktan ka basta masaya lang siya. Yung tanggap mo na hindi kayo ang para sa isa't isa.

"Ihahatid na kita"

"Hindi na kailangan. Late ka na rin sa trabaho mo"

"You forgot that I am the boss" ngumisi pa siya.

Nahirapan ako kanina sa paghihikayat sa kaniyang gumising na. Buong pwersa ko pa nga ang ginamit ko para lang mapabangon siya. At ngayong tapos na kami sa pagkain ay nagtatalo naman kung ihahatid niya ako o hindi na. Talo pa niya ang bata sa kakulitan.

"Can you please fix my tie?" inginuso niya pa ito.

"Can't you fixed it yourself?"

"Hey! I said please so....baby, fix my tie" ang tono niya ay para niya akong nilalandi o iba baka iba lang ang pagkakadinig ko.

Wala na akong nagawa kundi lumapit sa kaniya saka sinimulang ayusin ang tie niya. Sa edad niyang 'to imposibleng hindi pa rin siya marunong.

Napa-igtad ako dahil sa paghawak niya sa baywang ko. Mas inilapit kasi ako nito sa kaniya kaya nakatanggap na naman siya ng masamang tingin mula sa'kin. Ang aga aga naman kasi niyang lumandi!

So, Ayesha..dapat ba tanghali, hapon at gabi lang? Tsk.

Binilisan ko na lang ang pag-aayos dahil hindi ko kayang tumagal lalo na kung ang lapit lapit lang niya sa'kin. Magmula talaga nung nakita ko na naman siya ay hindi na naging normal ang pagtibok ng puso ko. Kasalanan niya kung maisugod ako sa hospital. Siya ang dapat na sisihin!

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Where stories live. Discover now