Kabanata 15

20 2 0
                                    


Nagising ako kinabukasan dahil sa marahang haplos sa pisngi ko. Iminulat ko ang mga mata ko at agad na bumungad sa harapan ko ang nangingiting si Khairo.

"Morning" hinalikan rin niya ako sa noo ko saka inalalayan sa pagbangon.

"Morning" bati ko pabalik sa kaniya.

Nag-ayos na muna ako habang nanatili naman siyang naka upo sa kama at hinihintay akong matapos. Tinatawag na daw kasi kami ng mama niya. Sobrang hiya ang nararamdaman ko sa ngayon dahil late pa akong nagising.

Sabay kaming lumabas at nagtungo ngayon kung nasaan ang mama niya. Nakita naman namin siyang humihigop sa tasa niya habang nakangiting nakatingin saming kasalukuyang papalapit ngayon sa kaniya.

"Goodmorning, hija..pasensiya na kung pinagising kita. Gusto ko kasing sabay sabay na tayong mag breakfast lalo na't maaga akong aalis ngayon"

"Ayos lang po at pasensiya na rin po kung late ako nagising"

Pati sa pag-upo ay inalalayan pa rin ako ni Khairo kaya naman mas lalo lang akong nahiya dahil nakangiting nakamasid saming dalawa ngayon ang mama niya.

Masaya at naging breakfast namin dahil kay tita. Lagi niya daw sinasaway ang anak niya dahil lagi daw itong nagsusungit. Natatawa na lang ako dahil masungit naman talaga itong anak niya.

Si tita ang unang umalis sa hapag matapos naming kumain dahil kailangan na talaga niyang umalis. Naka-upo naman ako ngayon sa sofa habang hinihintay ko si Khairo dahil kinuha niya yung mga gamit ko na naiwan sa kwarto niya.

Hinatid niya ako sa bahay samantalang agad rin siyang umalis dahil na rin tinawagan siya ng papa niya.Nung una ayaw pa nga niya pero pinilit ko talaga siya dahil baka naman mamaya ay importante pala kung bakit siya tinatawag.

Lumipas ang ilang linggo at patuloy pa rin sa pagsama sakin si Khairo kahit na sa trabaho ko pa.

Hatid sundo rin niya ako kahit na hindi naman na kailangan. Ang research naman namin ay naipagpaliban muna dahil sa sobrang dami ng mga school activities na gagawin namin.

"Anong gusto mo?"

Kasalukuyan kaming nasa SSG office ngayon para sa lunch namin. Nakahawak siya sa bewang ko habang ang mukha ay nakasiksik sa leeg ko. Nangingiti ako dahil sa kiliting nararamdaman kapag nagsasalita siya.

"Kahit na ano ayos lang sa'kin" nilabas niya yung phone niya saka siya nagtipa ng mensahe para kay Ethan.

"Kailangan bang lagi kayong magkasama nung Carl na yun? parang araw araw ko kayong nakikitang magkasama e" tunog nagtatampo siya.

These past few days kasi ay lagi kaming magkasama ni Carl dahil siya ang naka-assign na partner ko sa bawat activities namin. Si Venice naman ay si Kiro ang partner niya.

"Siya kasi yung partner ko kaya lagi talaga kaming magkasama" pagpapaliwanag ko naman sa kaniya.

Kunot ang noo niya sa kadahilanang ayaw niya sa ideyang iyon pero sa huli ay hindi na siya nagpumilit.

Malaking tulong na maging partner ko si Carl dahil noong mga nakaraang araw ay nahihirapan na ako sa pag-aaral. Tila ba kapag nagrereview ako ay hindi ito pumapasok sa utak ko at madalas na rin akong makaramdam ng panghihina at kahirapan sa paghinga.

Ayokong sabihin iyon kay Khairo dahil baka maabala ko lang siya.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang hinihingal na si Ethan habang dala dala niya ang tray na may lamang mga pagkain.

Lalapit na sana ako sa kaniya para tulungan siya ngunit naunahan na ako ni Khairo. Kinuha niya ang tray at siya na rin ang naglapag nito sa mesa.

Aayain ko pa sanang sumabay na si Ethan samin ngunit agad na itong umalis.

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Where stories live. Discover now