Kabanata 21

22 2 0
                                    

Umiyak ako habang nakayakap rin siya sa akin. Nilabas ko lahat dahil punong puno na ata ako. Wala ng iba pang lugar para paglagyan sa kalungkutan ko ngayon.

Tama siya, wala naman kasing nagsabi sa'kin na kailangan kong magpanggap na malakas kahit na mahina naman talaga ako. Nakakapagod rin kasing magpanggap.

Ilang buwan na pala ang lumipas mula nang araw na kina-usap ako ni Carl tungkol sa problema ko. Nung una, ang gusto niya ay siya na lang daw ang magbabayad sa utang na dapat kong bayaran ngunit hindi ko iyon pinayagan kaya wala rin siyang nagawa.

Ang bahay namin ang ipinambayad ko sa utang ko at ang kulang naman ay si Carl na ang nagbigay. Ayoko sana pero wala na rin kasi akong pwede pang malapitan. Nangako naman akong babayaran ko rin siya.

Ang gusto pa sana ni Carl na sa bahay na lang nila ako tumuloy pero agad naman akong tumanggi. Si Venice ay ganon din ang sinabi--na sa bahay na lang rin nila muna ako tumuloy pero baka maabala ko lang sila kaya nagpasiya akong huwag na lang.

Nanibago ako sa buhay syudad dahil ang nakasanayan ko na talaga ay ang buhay probisya. Mangha man ako sa mga nagtatayugang mga gusali, mga maiingay na sasakyan, at mga taong laki sa syudad pero hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot lalo na't wala na ako sa probinsiya.

Nung una ay naging mahirap para sa'kin ang makipagsabayan dito sa Manila ngunit nilakasan ko talaga ang loob ko.

Nakahanap ako ng bahay na mura lang ang renta. Nakapasok din ako sa pampublikong paaralan. Nagsisilbi rin akong working student para naman matustusan ko ang mga pangangailangan ko sa araw araw. Mahirap noong una pero unti unti na rin naman akong nasasanay.

Pitong taon na pala ang lumilipas mula ng umalis ako mula sa Isabela. Tandang tanda ko pa kung paano ako umiyak noon at sumubok na puntahan si Khairo para sana makapagpa-alam naman ako sa kaniya at makapagpasalamat na rin ngunit nabigo lang ako. Wala si Khairo sa mansiyon nila nang pumunta ako. Magkasama raw sila ni Stacey na nagtungo sa Batangas. Sinabi ko na lang sa katulong nilang humarap sa'kin na huwag na lang niyang sasabihin na pumunta ako. Kahit na umuulan noon. Kahit na basang basa na ako ay hinintay ko pa rin siya kaya naman pagka-uwi ko sa bahay ay basang basa na ako.

Mapait akong napangiti matapos magbalik tanaw sa mga nangyari noon. Sa pitong taon ay sinubukan ko siyang kalimutan. Nagbabakasakali ako na baka makakalimutan ko rin siya. Na baka paggising ko kinabukasan ay hindi na ako malulungkot kapag siya ang na aalala ko. Na baka tuluyan na ring maglaho itong nararamdaman ko para sa kaniya.

Nag-ayos ako dahil mamaya lang ay nandito na si Venice. Nagplano kasi silang dalawa ni Carl na lumabas kami para naman daw malibang ako kahit papaano.

Mula ng umalis ako sa probinsiya ay dumalas naman ang pagbisita sa'kin ni Venice dito sa Manila. Si Carl naman ay dito na rin sa Manila nagpatuloy ng pag-aaral niya dahil matagal na rin talaga iyong na-plano ng parents niya.

Kapag papasok ako ng school ko noon ay sinusundo pa ako ni Carl para lang maihatid lalo na kung hindi naman maaga ang schedule ng klase nila. Malapit lang rin kasi sa school ko ang school nila kaya hinahayaan ko na lang siyang ihatid sundo ako. Ang katwiran pa niya ay ibinilin daw kasi ako ni Venice sa kaniya kaya naman natatawa na lang ako kapag kailangan pa niyang tawagan si Venice para lang mapapayag ako.

Ngayon naman ay parehong dito na rin sa Manila nakatira dahil dito na rin sila nagtratrabaho.

Nang marinig ko ang pagbusina ng sasakyan niya ay nagmadali na ako sa ginagawa. Ang pinaka-ayaw pa naman niya ay ang paghihintay.

"Bestfriend!!! ang tagal mo!!"

"Nandiyan na!!"

Pagkalabas ko sa bahay ay ang siya namang pagbaba niya mula sa kotse niya. Hindi ko mapigilan ang pagtawa lalo na nang makita ko ang nakabusangot niyang mukha.

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon