Kabanata 5

21 1 0
                                    

Hindi ko alam kung pano niya nalaman ang daan papunta sa bahay kahit wala naman akong sinasabi sa kaniya. Agad niyang itinigil ang kotse sa gilid nang bahay pagkarating namin. Tatanggalin ko pa lang sana yung seatbelt ko nang maunahan niya ako.

Umiwas na lang ako ng tingin at pinagmasdan ko na lang ang dumidilim na paligid.

Pagkatapos niyang tanggalin ang seatbelt ko ay agad na siyang bumaba saka ako pinagbuksan ng pinto. Inalalayan rin niya ako sa paglabas ko ng kotse niya. Pumunta siya sa likuran ng kotse saka niya kinuha ang mga pinamili ko.

"Ako na magbubuhat niyan" inilayo lang niya sakin ang mga yon saka siya nanguna sa paglalakad. Wala na akong nagawa kundi buksan ang pinto ng bahay saka siya pinatuloy. First time kong magpapasok ng bisita lalo na't mag-isa na lang naman na ako dito sa bahay.

"Ahm...salamat sa paghahatid. Kumain ka na ba?" umiling siya sa tanong ko. Iminuwestra ko naman ang kusina upang ilapag doon yung mga buhat buhat niyang pinamili ko. "Ah...gusto mo bang dito na lang kumain ng dinner?" hindi siya sumagot sa halip ay nagpatuloy na lang siya sa paglalapag ng mga dala dala niya.

"What will you cook? I'll just eat here, I'm tired of driving" para naman niya akong kinukonsensiya. Hindi ko naman kasi sinabi sa kaniyang ihatid ako eh.

"Magluluto na lang ako ng adobo..magbibihis lang ako saglit. Pwede ka namang ma-upo na lang muna sa may sofa habang naghihintay. Pwede ka ring manood muna tutal ay may tv naman" mukhang hindi yata siya nakikinig sakin dahil iginagala lang niya ang paningin niya sa loob ng bahay. Maliit lang naman ang bahay eh pero kompleto naman sa gamit.

Agad na akong dumeretsyo sa kwarto ko at nagbihis ng mabilisan dahil baka mainip naman siya kahihintay sakin. Nang matapos akong magbihis ay agad na akong naglakad patungo sa kusina at nakita ko siyang nandun pa rin. Kahit na hindi man ako komportable sa pagluluto dahil nakatingin siya ay wala na akong nagawa. Hinayaan ko na lang siyang panoorin ako habang nagluluto.

Ilang beses din siyang lumalapit sa gawi ko pero sa tuwing tinitignan ko siya ay iiwas naman siya ng tingin. Nakahinga lang ako ng maluwag ng matapos na ako sa pagluluto.

Inayos ko ang mga plato namin saka ko siya inayang kumain na. Na-upo siya sa may harapan ko kaya naman hindi ako masiyadong makagalaw dahil lagi siyang napapatingin sakin.

Nagulat ako nang bigla niyang lagyan ng kanin ang plato ko. "Ah...tama na yan masyado nang marami" imbes na pakinggan ako ay dinagdagan pa niya ang kanin ko. Siya na rin ang naglagay ng ulam sa plato ko at pagkatapos ay naglagay na rin siya sa plato niya.

"You should eat a lot, you're skinny" hindi na ako naka-angal ng magsimula na siyang kumain kaya kumain na rin ako. Tanging ang mga tunog lang ng kubyertos ang maririnig dahil walang nagtangka saming bumasag ng katahimikan. Kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sakin ay saka lang siya mag-iiwas ng tingin at napapansin kong namumula ang mukha niya. Mainit ba?

Ilang sandali lang ay natapos na kaming kumain. Ako na ang nagpasiyang maghugas ng pinagkainan namin lalo na't nakakahiya naman kung siya pa ang gagawa.

Ang buong akala ko ay uuwi na siya pero nang makita ko siyang naka-upo sa may sofa ay saka ko lang napagtantong hindi pa pala.

Lumapit ako sa may gawi niya saka na-upo. Nasa tv lang ang paningin ko habang siya naman ay tingin ng tingin sakin.

May problema ba siya?

Nagulat ako ng bigla niyang kunin ang kamay ko saka dahan dahang hinaplos ang bandang nasugatan kahapon.

Tila ba sa ginagawa niyang paghaplos ay gusto nitong tanggalin ang sugat at yung sakit na nararamdaman ko. Hinayaan ko lang siya at pakiramdam ko ay sasabog na yata ako sa sobrang kilig.

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Where stories live. Discover now