Kabanata 13

14 2 0
                                    


Sinubukan ko na lang na magconcentrate kahit na mahirap. Panay ang pang-aasar sa'kin ng katabi ko ngunit hindi ko na lang siya pinagtuunan ng pansin.

Pakiramdam ko sobrang pula ko na talaga ngayon..

Bakit ba kasi kung saan saan na lang napapadpad yung isip ko? buti na lang talaga at hindi naman ako pinatawag sa Dean's office.

Uwian na nang muling bumalik sa room namin si Khairo. Ang buong akala ko ay hihintayin lang niya ako sa labas ng room ngunit nang makita ko siyang naglalakad na papasok ay mas lalo lang akong nailang sa mga tinging iginagawad ng mga kaklase ko sakin.

Parang gusto nila akong tuksuhin ngunit pinipigilan lang nila.

Siya na ang nag-ayos sa mga gamit ko at saka niya hinawakan ang kamay ko.

"Let's go?" tumango ako. Hindi pa man kami tuluyang nakakalabas ng room ay naririnig ko na ang mga bulungan.

"Sabi ni Pres. nililigawan daw niya si Ayesha"

"Narinig ko nga rin kaninang napadaan ako sa cafeteria. Mukha kasing nainis siya dahil may mga nag-uusap na liligawan daw nila si Ayesha kaya siguro nasabi niya yun"

"Natakot nga daw yung mga yun kaya baka hindi na nila ituloy yung binabalak nila"

Kunot noo akong lumingon sa gawi ni Khairo na kasalukuyan ngayong nangingiti dahil sa naririnig. So..totoong sinabi niyang nililigawan na niya ako? para saan? para wala ng ibang manligaw sakin?

Nakarating kami sa parking lot ng tahimik lang. Paminsan minsan ang ginagawa niyang pagsulyap sakin na tila ba nalilito sa mga galaw ko.

"Galit ka?" malumanay ang boses niya ng sabihin iyon. Agad naman akong umiling.

"Hindi"

"Then bakit hindi mo ako pinapansin?" tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil na rin ako.

"Hindi ako galit...naiisip ko lang na baka masira ka dahil sa'kin ngayong alam na nilang nililigawan mo ako" kumunot ang noo niya saka umigting ang panga.

"Masira na kung masira...ang mahalaga sa'kin ka" iniharap niya ako sa kaniya saka muling hinalikan ang noo ko.

Sa simpleng bagay lang ay sumasaya na ako pero sa simpleng bagay lang rin ay mabilis akong umiyak.

Sa totoo lang, kahit na ilang beses pang sabihin sakin ni Khairo na gusto niya ako....may parte pa rin sa puso ko na hindi makapaniwala. Darating rin yung time na kung saan maglalaho rin yung pagkagusto niya at mapunta sa iba yung atensyon niya. Kaya habang nasa akin pa ang atensyon niya ay susulitin ko na lang kaysa naman magsisi ako sa huli.

"Hihintayin kong maging handa ka na" ngumiti ako sa sinabi niya.

Darating man ang araw na ibaling niya sa iba ang atensyon niyan...atleast naranasan kong pahalagahan niya.

Tahimik akong lumabas sa kotse niya nang makarating kami sa karinderya. Sinabi ko ring umuwi na siya pero umakto siya na parang walang narinig at siya pa mismo ang naunang pumasok sa loob.

Gaya nang dati ay medyo dumami ang mga kumakain ngayon pero maaga rin naman kaming natapos. Hinatid niya ako sa bahay saka nagpa-alam na uuwi na dahil alam ko rin namang pagod na siya.

Maaga akong pumasok kinabukasan. Hindi ko rin nakita si Khairo dahil baka mamaya pa siya papasok.

Naglalakad ako patungo sa room nang bigla kong narinig ang boses ni Stacey sa isa sa mga room na madaraanan ko.

"Totoo bang nililigawan mo si Ayesha? Why? Do you like her?" hindi ako sigurado kung sino ang kausap niya pero parang bigla akong kinabahan.

"No."

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Where stories live. Discover now