Kabanata 7

16 2 0
                                    

Pagkagising ko kina-umagahan ay namumugto ang mga mata ko dahil sa ginawa kong pag-iyak kagabi. Nagdasal ako na sana panaginip na lang sana yun pero alam ko namang imposible...pinapaasa ko lang sa wala yung sarili ko.

Minsan kasi pinaparanas satin ng tadhana ang grabeng problema para mas magiging matatag tayo...depende na lang sayo kung susugal ka ba o susuko na lang agad.

"Tumingin ka naman sa dinadaanan mo..paharang harang ka eh" napapahiya akong humingi ng tawad sa babaeng nabangga ko. Nasa iba kasi ang isip ko kung kaya't hindi ko na napansing may mababangga na pala ako. Inirapan lang ako nito saka nagpatuloy sa paglalakad.

Napabuntong hininga na lang ako dahil parang ayaw kumilos ng katawan ko...parang pagod na pagod na ako eh wala pa naman akong ginagawa. Araw araw bang ganito na lang ang magiging buhay ko?

Tadhana...baka naman pwede mong bawasan yung mga pagsubok mo sakin oh? kahit kaunti lang ayos na sakin.

Pagkarating ko pa lang sa room ay agad ko nang napansin ang mga nakasulat sa blackboard namin.

Malandi...

Hampas-lupa..

Gold-digger...

'Yan ang mga nakasulat at alam kong para sakin ang lahat ng yan dahil nakasulat rin yung pangalan ko. Napangiti na lang ako ng mapait dahil sa totoo lang...gustong gusto ko nang umiyak kahit na makita pa nila.

Kahit na sabihin ko sa sarili kong hindi naman ako ganyan ay para nang hindi na rin ako naniniwala sa sarili ko. Baka nga ganyan talaga ako pero ayoko lang tanggapin...ayoko lang aminin. Baka sadyang tama sila. Baka hindi ko lang talaga lubusang kilala ang sarili ko.

Buti na lang bago dumating ang guro namin ay agad na rin nilang in-erase yung nakasulat ngunit kahit na ganon ay hindi pa rin nito nababawasan ang sakit na nararamdaman ko. Marami na akong problem eh kaya sana huwag naman na nilang dagdagan pa.

Gusto kong magmaka-awa...

Gustong gusto kong magmaka-awa sa kanila...

Pero kahit na gaano pa yata ako magmaka-awa ay hindi pa rin nila ako papakinggan. Magpapanggap silang walang naririnig dahil wala naman silang paki-alam kung masaktan nila ako eh.

Ayesha...akala ko ba immune ka na? akala ko ba talagang sanay na sanay ka na? pero bakit ka ganito ngayon?

Akala ko rin kasi eh...mas maganda pa rin kasing mamuhay ng payapa lang. Wala kang taong natatapakan. Walang taong manghuhusga sayo at higit sa lahat tanggap ka nila. Pero kasi ang dali dali lang para sa kanilang husgahan ako.

Hindi ako kompetisyon na kailangan ng mga hurado...wala ako sa laro para kailangan kong laging matalo.

Nakinig na lang ako at hindi na lang pinansin ang mga mapanghusga nilang tingin sakin. Tama...mas madami pa akong dapat na problemahin at hindi makakatulong kung pati sila ay dadagdag pa.

Alam kong pagkatapos ng mga problemang meron ako ngayon ay magiging masaya naman ako. Hindi man ngayon pero alam kong darating rin ako sa panahong iyon.

Nagliligpit na ako ng gamit ko nang bigla na lang itong nagkalat sa sahig dahil sa ginawa ng kaklase kong may galit talaga sa'kin. Hindi na lang ako nagsalita at sinimulan ko na lang na pulutin ang mga yun. Kukunin ko na sana ang notebook ko nang bigla itong apakan. Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay may ngising nakapaskil sa kaniyang mukha.

"Kawawa ka naman Ayesha...akala mo talaga inosente yun pala may tinatago ring ugali dapat kasi matuto mong ilugar yang sarili mo"

"Tama na yan...masyado naman na yata kayo sa kaniya. Wala naman siyang ginagawa sa inyo ah pero kung maka-asta kayo akala niyo may kasalanan siya sa inyo eh" gustuhin ko mang magpasalamat sa kaklase kong si Carl ay hindi ko na nagawa. Naiiyak ako.

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon