Kabanata 6

22 2 0
                                    

Nang tumunog na ang bell hudyat na lunch time na ay saka lang bumalik ang wisyo ko. Nagsimula na ako sa pag-aayos ng gamit ko nang biglang maghiyawan ang mga babae kong kaklase. Ipinagsawalang bahala ko na lang ito at nagpatuloy na lang ako sa pag-aayos ng gamit. Halos tuwing makakakita naman sila ng gwapo ay talagang hindi na mawawala sa kanila ang pagtili.

Ilang saglit lang ay nawala na ang ingay kaya nagtataka akong napatingin sa kanila. Hindi ko pa man naigagala ang paningin ko ay nahagip na nang mata ko ang bulto ng isang taong kanina ko pa iniiwasan.

"What's taking you so long? Let's go" napatulala ako sa sinabi niya. Siya na rin ang nag-ayos ng mga gamit ko pagkatapos ay basta basta na lang niya akong hinila palabas ng room namin.

"Teka....ba't mo ba ako hinihila?" hindi niya ako pinapansin at sa halip ay nagpatuloy lang siya sa paghila sakin.

Lahat ng mga nadaraanan namin ay napapatigil sa kanilang mga ginagawa. Gulat rin silang makita si Khairo na hawak hawak ang kamay ko habang buhat buhat pa niya ang bag ko. Kung gulat sila edi mas lalo naman na ako.

Nagulat ako ng nasa tapat na kami ng SSG office. Ano namang gagawin namin dito? Teka...may kasalanan na naman ba ako? Bakit mukhang hindi yata ako aware?

"Huy...hindi ako na-late ah...at isa pa wala akong kasalanang ginawa kaya bakit tayo nandito?" nagulat ako nang makita ko si Ethan sa loob ng office na kasalukuyan ngayong kumakain. Isang tango lang ni Khairo dito ay agad na siyang tumayo habang dala dala yung pagkain niya. Hahabulin ko sana siya nang bigla na lang siyang lumabas ng office at iniwan kaming dalawa ni Khairo.

"Are you avoiding me?" napasimangot ako sa naging tanong niya...obvious ba? "Why can't you look at me?" naglakad na lang ako palapit sa bag kong buhat buhat niya. Hinawakan ko ito ngunit agad lamang niya itong inilayo mula sakin.

"Aalis na ako...may kailangan ka ba?" nang hindi ako makatanggap ng sagot mula sa kaniya ay saka lang ako nagdesisyong tignan siya.

Mukhang wala yata siyang balak na sumagot kung kaya't bigla ko na lang na kinuha sa kaniya yung bag ko saka dali dali akong lumabas sa office. Ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko nang sandaling makalabas na ako.

Dumeretsyo na lang ako sa cafeteria saka bumili ng makakain ko. Dahil busy ang karamihan sa paggawa ng kani-kanilang mga booth ay kaunti lamang ang mga estudyanteng kumakain ngayon dito sa cafeteria kung kaya't hindi ako nahirapan sa paghahanap ng ma-uupuan.

Nakapagsimula na ako sa pagkain ng makita ko naman sa bungad ng cafeteria ang pagmamadaling pagpasok ni Khairo. Iginala niya ang paningin niya at sa kasamaang palad ay agad akong nahagip ng paningin niya.

Nakita ko siyang umorder ng makakain niya saka siya na-upo sa may katabi lamang ng kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung makakahinga ba ako ng maluwag dahil hindi sa tabi ko siya na-upo pero ang kaisipang nasa malapit lang siya ay sadyang hindi ako pinapatahimik.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at binalewala ang presensiya niya. Nagpanggap akong hindi ko siya nakikita kahit na kanina pa siya tingin ng tingin sa kinaroroonan ko. Nang magsimula na siya sa pagkain ay mas binilisan ko talagang ubusin yung sakin. Halos mabulunan na nga ako sa kamamadali.

Mukhang napansin yata niya ang pagkakataranta ko kung kaya't nakita ko na lang na nasa harapan ko na siya habang nagpapatuloy sa pagkain. Hindi ko pa man nauubos yung akin ay agad na akong tumayo saka walang pagdadalawang-isip siyang iniwan.

"Ayesha...buti na lang nakita kita. Pwede mo ba akong samahan sa pag-checheck ng mga booth?" tanong ni Drake sakin matapos akong makita sa exit ng cafeteria. Tumango ako bilang sagot saka na kami sabay na naglakad upang makita namin ang mga kasalukuyan ng ginagawang booth ngayon.

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Where stories live. Discover now