Kabanata 14

12 1 0
                                    

Nagising ako dahil sa marahang haplos sa mukha ko. Hindi ko pa man namumulat ang mga mata ko ay hinalikan na niya ako sa pisngi at noo.

"Good morning" ipinikit ko ang mga mata ko dahil sadyang inaantok pa talaga ako. "Wake up, sleepy head" nagtalukbong ako ng kumot ngunit agad niya iyong hinila.

Pinilit niya akong bumangon kaya naman mas lumawak ang pagkakangiti niya ng tuluyan na nga akong nakabangon.

Naligo muna ako habang siya naman ay nasa kusina at kasalukuyan ngayong nagluluto. Maaga pa naman para pumasok sa trabaho kaya may oras pa ako para magmuni muni.

Kumain kami at ako ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Sinabi kong mauna na siya ngunit ihahatid daw niya ako sa farm nila dahil doon rin naman ang tungo niya. Para hindi na humaba ang usapan ay hindi na ako nakipagtalo sa kaniya.

Nang makarating na kami sa farm nila ay agad siyang tinawag ng Papa niya. Hindi ko alam kung bakit hindi nagulat ang Papa niya matapos akong makitang lumabas sa kotse ng anak niya. Hindi ba siya nagtataka?

Ipinagsawalang bahala ko na lang ang naiisip saka nagpatuloy sa paglalakad palapit sa seryoso ngayon na si Xandro.

"May problema ba?" nag-angat siya ng tingin sakin matapos akong marinig.

"Ah...wala"

"Bakit mukha kang problemado kung ganon?" peke siyang ngumiti sakin saka nagkibit balikat.

Alam kong may problema siya pero ayaw lang niyang ipagsabi.

Dahil alam ko namang wala siyang balak sabihin sakin kung ano man ang problema niya ay nagpaalam na ako sa kaniya at hindi na siya pinilit pa.

Nagpatuloy ako sa pagtratrabaho at napapansin ko ang panay na pagbaling sakin ng tingin ni Khairo. Sumasama ang timpla ng mukha niya sa tuwing may mga lumalapit sakin at nagtatanong tungkol sa trabaho.

Busangot niya akong tinignan pero nagkibit balikat lang ako. Lalapit na sana siya sa'kin kaya lang ay agad akong lumayo habang natatawa. Sinamaan niya ako ng tingin matapos mapansin ang ginawa kong paglayo sa kaniya.

Kung nasaan siya ay agad akong mag-iiba ng daan at dahil sa ginagawa niyang iyon ay mas busangot lang siya. Baka kasi pag napalapit ako sa kaniya ay may mapansin na sila. Mas okay na kung iiwas na muna ako dahil yun naman ang dapat kong ginagawa.

Habang kumakain kami para sa meryenda ay agad siyang na-upo sa upuan sa gitna namin ni Xandro. May dala dala siyang pagkain na agad niyang inilapag sa harapan ko.

Napatigil naman ang iba dahil sa ginawang iyon ni Khairo. Nahirapan tuloy akong nguyain ang kinakain ko dahil sa lakas ng presensiya ng katabi ko.

Tipid ang mga naging galaw ng mga kasama ko dahil sa masungit na mukha ngayon ni Khairo. Ang iba'y binilisan na lang ang pagkain pagkatapos ay agad ring nagpa-alam. Habang ang natitira naman ay nagpa-alam na kahit hindi pa ubos ang mga kinakain nila.

Hindi ko naman magawang bilisan ang pagkain ko dahil sa kadahilanang nakatingin sakin si Khairo. Parang humirap bigla ang pagnguya ko sa mga pagkain. Kaming dalawa na lang ang naiwan at nang mapansin yata niyang hindi ako tumitingib sa kaniya ay malakas siyang bumuntong hininga pagkatapos ay nagsimula na rin sa pagkain.

Kahit na tapos na ako sa pagkain ay hinintay ko pa rin siya. Mukhang sinasadya naman niyang bagalan ang pagkain dahil ilang minuto na ang lumilipas ay hindi pa rin niya nakakalahati yung kinakain niya.

Kapag nakatingin siya ay babalingan ko rin siya ng tingin pagkatapos ay magsusuplado siyang mag-iiwas. Naririnig ko siyang sumisinghal pero hinayaan ko na lang siya. Bahala siya diyan.

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Where stories live. Discover now