Chapter 11

175 12 0
                                    

IKA LABING-ISANG KABANATA:

Magsaya Sa Perya






Dinala niya ako sa lugar na napakaraming tao, may nakita akong nagsisigawan habang nakasakay sa isang malaking bilog at umiikot.

Nakahawak ako sa kamay ni Bruce kaya dama ko ang nanginginig na katawan niya habang nakatitig din sa umiikot na sinasakyan ng mga tao.

"Hala! Nakakatakot naman...gusto ko 'yon..." abot tenga ang ngiti ko.

Agad siya napalingon sa akin "Huh? Eh, ayaw ko, nakakatakot...hindi masaya 'yan, paiikotin ka lang..." nanginginig na ng subra ang katawan niya.

Bumitaw ako sa hawak niya at nakikiusap "Sige na please...masaya siguro 'yan, gusto kong subukan..." sabay talon-talon ko na para bang isang bata.

Napalunok siya "A-Ahm, sige...sa perris whale tayo..." lumakad na kami papunta sa gusto kong sasakyan.

"Kuya dalawa po." Sabi niya sa lalaki at nagbayad ng pera.

"Tamang-tama dalawa na lang kulang magsisimula na..." sabi ng Kuya.



Sumakay na kami ni Bruce at may bagay na inilagay sa aming dibdib, abot tenga ang ngiti ko habang siya ay kinakabahan pa rin kaya hinaplos ko ang kaniyang kamay, napalingon siya sa akin at ngumiti kami sa isa't isa.

Mayamaya ay dama ko na ang biglang pagkilos ng sinasakyan namin. Pagsimulang ikot ay nagsimula din umingay ang mga kasama naming nakasakay, pero mukhang masaya naman kaming lahat.

Nong una ay mahina pa ang ikot, hanggang sa pabilis ng pabilis, kaya ang kaba sa puso ko'y bumibilis din, nahihilo na rin ako dahil sa kaka-ikot. Habang patagal ng patagal ay para na akong itatapon sa hangin. Sumigaw na ang lahat maging si Bruce, naaawa na ako sa kaniya dahil nasasampal ang mukha niya sa kulot kong mga buhok.

Nakadama na ako ng takot "Ahhhhhh tama na! Pakiusap itigil niyo na 'to! Maawa kayo sa amin! Ayaw ko na! Mahihimatay na ako! Tama na! Gusto ko pang ma-buhay...! Akala ko ba masaya ito! Hoy tama na! Ayaw ko na! Hindi na nakakatuwa! Pakiusap! Tulongggg! Hayop ang sama na ng pakiramdam ko! Tama naaaa...!" Halos naluha na ako habang nilikot ang buong katawan dahil gustong-gusto ko na makaalis rito.



Pagkatapos ay sa wakas nakahinga na ako ng maluwag. Parihong bagsak ang mukha't balikat namin ni Bruce at magulo rin ang mga buhok namin. Lumingon ako sa kaniya "Bruce, patawad...sana nakinig nalang ako sa'yo...nakakatakot pala..." sabi ko sa kaniya.

"Hindi, ayos lang basta ang magalaga nakasama kita..." pinipilit niyang ngumiti sa akin.

Inayos ko ang sariling mukha't buhok "Sakay pa tayo, gusto kong mawala ang takot ko, lalabanan natin ang takot...!" Sabay pakita ko ng mga kamao sa sinakyan namin.

"Tama na, ayaw ko na..." sabay hila niya sa akin.





Nag-iikot pa rin kami ni Bruce dito sa paligid at manghang-mangha ako sa mga nakikita "Ayon...gusto mong sumakay?" Turo niya sa mga kabayong umiikot na mga bata madalas naka sakay.

"Naku baka magalit pa ang mga kabayo at ihulog tayo," sabi ko.

Natawa lang siya "Hindi totoo ang mga 'yan, bali wala silang buhay kaya hindi nila tayo mahuhulog," sagot niya.

Napatakip ako sa bibig "Walang buhay? Eh bakit sila umiikot...? Ang dami pa lang kababalaghan dito sa syudad..." saad kong naka-nguso.

Napa-isip ako "At tsaka sinong hinu-huli nila? Kung trip lang nilang maghulihan, eh medyo bobo naman, ang layo ng distansya nila kaya hindi talaga nila mahuhuli ang isa't isa..."

Natatawa lang si Bruce "Hali ka na nga, sakay na tayo..." sabay hila niya sa akin.

Isang kabayo lang ang bakante kaya ninais namin na magsama na lang dito.

Sasakay na sana ako pero natigil ako ng mahaplos ko ang katawan ng kabayo "Hala bakit ang tigas naman?! Ganito ba talaga mga kabayo rito sa syudad...? Kasi sa amin ang lalambot ng kanilang mga katawan at may mga balahibo pa...pero ito matigas, wala ba silang kain...? Oi pakainis niyo naman bago sila ipa-takbo, mauwa kayo..." nag-ingay na naman ako dahil sa kakaibang kabayo na ito at ang mga batang nakasakay ay nakatingin sa akin habang si Bruce nama'y natatawa.


Sinubukan kong paulin ang bandang bewang ng kabayo at nagtataka ako dahil hindi man lang ito sumigaw, pinalo ko ulit ng maraming beses "Neighhh...sumigaw ka ng neighhhh...neighhhh...neighhhh...hala naligaw ba ang iyong kalolowa..." ginagaya ko na ang boses ng kabayo pero wala pa rin akong narinig na boses galing sa kanila.

"Agua sakay na tayo, baka magalit na sa atin ang may-ari..." pag-aawat sa akin ni Bruce.

Napa-isip ako "Taika...mukhang alam ko na kung paano kita mapapasigaw..." ang ngiti ko'y may masamang balak.


Papalapit ang mukha ko sa pwet ng kabayo at nang madapo ko ang aking labi rito ay nanlaki ang mga mata ko dahil maging ang pwet nito'y matigas rin. Agad kong madiin na kinukumot ang pwet ng kabayo "Sumigaw ka...!" Naiinis na ako pero wala pa rin akong narinig na boses galing sa kabayo.

Napalingon ako at nakita kong halos maluha na ang ibang mga bata dahil hindi pa tumatakbo ang mga kabayo, kaya agad kong hinawakan ang kamay ni Bruce "Hali ka na sakay na nga lang tayo..." sabi ko.

Sumakay na kami at nasa likod niya ako, sa subrang kaba dahil bago palang ay napahawak ako sa kaniyang tiyan.





Makalipas ang ilang oras ay tapos na kaming magsaya kaya naglalakad na lang kami habang nag kwentohan.

"Ang ganda naman nito..." niyayakap ko itong isang bagay na malambot, premyo ko ito kanina sa potokan ng balloon, habang si Bruce ay hindi nanalo.

"Iyan ang teddy cat," sabi niya.

"Ano ba tawag sa lugar na ito?" Tanong ko.

"Ito ay perya..." sagot niya at lumilingon kami sa mga bagay na nakikita rito.

"Ang dami palang makikitang maganda sa syudad na wala sa bundok. Pero wala pa ring tatalo sa ganda ng kalikasan..." ngumiti ako sa labi habang nakatingin sa mga ulap kung saan may mga butuin at buwan na lumiliwanag.








My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)Where stories live. Discover now