Chapter 5

1K 31 0
                                    

PANG-LIMANG KABANATA:

Lady Guard





Nasa lamisa kami ni Nang Ellen habang naghihintay sina Tiyo at Tiya sa pintoan.

"Nasaan na ba 'yong batang 'yon! Lagpas na siya sa oras ng uwian!" Nakahawak ang kamay ni Tiyo sa kaniyang mga buhok habang pabalik-balik sa lakad dahil sa pag-alala na hindi pa nakauwi si Barry, ang sabi ng kaniyang mga kaibigan ay kasama nila itong nagsayahan sa isang kaarawan.

"Santiago kalma ka lang, baka pauwi na siya..." hinawakan ni Tiya Loren ang kamay ni Tiyo kaya napa kalma siya.

Sina Tiyo at Tiya daw ay gabi na umuuwi minsan naman hindi makaka-uwi, dahil sa kanilang magkaibang trabaho.

Si Tiya Loren ay ina-asikaso ang kaniyang Fashion Compania, sila daw ay nag de-decinyo ng mga magarang damit. Ang sarap siguro sa pakiramdam na ikaw ang unang makasuot ng pinag-isipan at pinaghirapan na damit.

Si Tiyo naman sa kaniyang Omega Hotel, ang mga ganito daw ay madalas pinupuntahan ng mga pamilya. Sana balang araw makapasok din kami ng pamilya ko diyan.

Sabi ni Nang Ellen, ang madalas talaga daw pumu-punta sa mga hotel ay mga mag kasintahan, dito daw sila guma-gawa ng milagro at gustong-gusto niya ito...wala naman akong alam sa mga sina-sabi niya kaya hindi ko nalang ito sini-seryoso.



Mayamaya bumukas ang pintoan at bumungad sa amin ang seryosong mukha ni Barry. Agad siyang nilapitan ni Tiyo "Uuwi ka pa pala! Kung ganitong oras ka uuwi huwag mo na lang ituloy!" Pinaggalitan siya ni Tiyo.

"Ano ba mahal! Hinay-hinay lang sa galit..." sabay hinaplos ni Tiya ang mga kamay ni Tiyo.

"Kailangan maturoan ito ng leksyon!" Pinagtuturo ni Tiyo si Barry.

"Himala atang nagkaroon kayo ng oras mag-abala sa akin. I've been searching that time." Tila galit man ang tuno ng boses ni Barry pero wala pa rin akong nakitang mga detalye sa kaniyang mukha, blanko, para lang itong walang kagana-gana at seryoso lang nakipagtitigan sa kanila Tiyo't Tiya. Lumakad siya papunta sa hagdan.

"Kung ganito man lang, eh lubosin na natin 'to! Bukas na bukas meron ka ng tagabantay nang sa ganun malayo ka sa mga hindi kaaya-ayang kabataan!" Napahinto si Barry sa pag hakbang, nang wala ng sinabi si Tiyo ay nagpatuloy siya.

Niyakap ni Tiyo si Tiya na umiiyak, tsaka sila pumasok sa kanilang kwarto.




"Nang Ellen pwede mo ba akong kwentohan tungkol sa kanilang pamilya," iniligpit ko ang mga sina-sagotan at naka-handang makinig, siya nama'y napabuntong hininga.

"Hindi naman ganyan dati si Barry, hindi siya pala-kaibigan sa kung sino-sino lang, natitiyak kong natulog lang siya sa party, bored lang siguro kaya sumama.

"Mabait siyang bata, pero hindi siya 'yong batang subrang energytic, kalma lang siya. Mula nong namatay ang Ina ni Ma'am Loren ay kay Ma'am na ipinagkatiwala ang kanilang companya. Pariho ng busy sa trabaho sina Sir at Ma'am kaya nawawalan na sila ng oras kay Barry.

"Hindi na niya naranasan na magdiwang ng masayang kaa-rawan dahil wala ang kaniyang mga magulang, sa graduation minsan dumadalo pero parihong babalik din sa trabaho. Buong mahalagang araw niya ay madalas hindi na masaya, kami lang lagi ang nasa kaniyang paligid. Mula no'n ay unti-unti ng nagbago si Barry at inilayo ang sarili sa mga tao. Ginagawa nila Sir at Ma'am ang lahat para sa kaniyang magandang kinabukasan..." kwento niyang bakas ang lungkot sa mukha.

"Ganyan po ang mga magulang, lahat gagawin para sa mga anak. Kami ng pamilya ko ay kahit mahirap at nakatira sa bundok ay subrang saya namin, walang problema, walang gulo. Mahirap pala ang buhay dito sa syudad..." saad ko.

My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)Where stories live. Discover now