Chapter 35

628 21 0
                                    

IKA-TATLUMPONG LIMANG KABANATA:

The Truth Will Set Him Free





"O kape ka muna Iho..." sabay abot ni Tatay Datu sa akin ng kape at tinanggap ko itong may ngiti sa labi.

"Kwentohan mo naman kami kung bakit ka umiiyak ngayon..." sabi ni Nanay Ligaya.

Bumuntong hininga muna ako bago mag salita "Nagbalik na po ang mga ala-ala ko. Opo, nawalan po ako ng memorya dahil sa nangyaring trahedya matagal ng panahon..." napayuko ako sa ulo.

"Naku ang hirap niyan..." sambit ni Tatay.

"Ang mas masakit, na-wala po 'yong anak namin ni Loren...habang nagsasaya ako hindi ko man lang alam na nagdurosa ang aking anak...kasalanan ko lahat ng 'to..." nagsimula na namang pumatak ang aking luha.

"Hindi mo kasalanan Iho...ang lahat ay may dahilan..." sabay haplos ni Nanay sa aking balikat.

"Kung hindi lang sana kami bumisita dito noong araw na 'yon, hindi sana malagay sa kapahamakan ang anak ko..." pag-sisisi ko sa sarili, ako kasi ang nag pumulit no'n na bumisita sa Daang Kalikasan.

"Taika, ang ibig mong sabihin dito naganap ang aksidente?" Tanong ni Tatay na kumukunot ang noo.

"Opo, noong 1995, bumisita kami dito ni Loren kasama ang aming anak na si Galad, bigla nalang may mga lalaking dumating, sinaktan kami at kinuha si Galad para sa kanilang masamang gawain, at itinapon nila ako sa bangin na naging resulta sa pagkawala ng memorya ko..." bigla silang natahimik at nagtitigan.

"Bakit po?" Hindi sila makasagot.

"Taika, nakita niyo po ba ang pangyayari?" Dagdag kong tanong.


Hinawakan ni Nanay ang aking mga kamay at ngumiti ito na may kasamang luha sa mga mata "Hindi lang ang pangyayari ang nakita namin...ang iyong anak, nailigtas namin..." biglang tumayo ang aking mga balahibo at ang buo kong katawan ay nabubuhayan.

Napanganga ako na halos nahuhulog na ang aking panga "T-Talaga po...? Nasaan na po ang anak ko...?" Hindi na ako mapakali at makapaghintay na makita ang anak ko.

"Si Agua, siya ang anak mo..." sa mga sinabi ni Nanay ay pumapatak ang mga luha ko.

Napatingin ako sa mga ulap "S-Si Agua...?" Abot tenga ang ngiti ko habang naiisip ang mahihigpit na yakap sa akin ni Agua.



"Wala kaming alam sa mga nangyari doon sa inyo, ang tanging nakita lang namin ay ang pag-alis ng mga masasamang kalalakihan na 'yon kasama ang bata, dali-dali namin silang inataki kasama ang mga magulang nina Maya't Lawin, pinagtulongan naming panain ang sasakyan ng mga ito kaya napahinto sila, lumapit kami at pinag-saksak sila sa tulis ng mga pana at agad naming kinuha si Agua, ang iyong anak, kaso lang sila ay nakatakas. Gusto naming pumunta sa lugar kung saan naganap para ibalik siya pero wala na kaming naabutan do'n, wala ng mga tao..." Kwento ni Tatay.

"Lumipas ang ilang araw wala pa ring naghanap kay Agua, kaya napag-decitionan namin na angkinin nalang si Agua dahil hinihiling din namin na magkaroon ng sariling anak kaso hindi kami pinalad ni Datu, kaya inisip naming naging sagot si Agua sa aming mga panalangin. Ang nakapagtataka lang ay kami naalala mo, ngunit ang trahedya ngayon mo palang naalala." Pagpatuloy ni Nanay Ligaya.

Subrang labo ng mga pumapasok sa aking isip na panahong 'yon. 2005, hindi na ako mapakali, kaya mag-isa kong pinuntahan ang Daang Kalikasan, naglilibot ako hanggang makita ang bahay nina Nanay Ligaya at Tatay Datu, habang tinitigan ko ang bahay nila ay mga dumadaan sa aking isip na mga boses at mukha ng mga taong nakakasama ko, at sila nga 'yon Nay at Tay, naalala ko pang walang kibo akong umiiyak sa kanilang harapan at agad nila akong niyakap na para bang matagal na nila akong nakasama, do'n ko pa na-discobreng sila nagligtas sa akin nong bata pa ako. 'Yon na rin yung araw na una kong nakilala si Agua, 10 years old siya noon.



My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)Where stories live. Discover now