Chapter 36

1.1K 28 0
                                    

IKA-TATLUMPONG ANIM NA KABANATA:

Sa Huli, Ang Mga Puso'y Nabuo






Barry's POV

Nasa Dalampasigan ako habang hinihintay si Agua, nag text ako kay Nang Ellen na papuntahin siya kung saan ako ngayon.

"Barry..." rinig ko ang boses niya sa aking likuran, tinabihan niya ako at sinabayan akong tumanaw sa karagatan.

"Paborito mo talaga ang dalampasigan noh...saan ka ba nakatira ngayon? Ano bang nangyari sa'yo? Okay ka lang ba...?" Sunod-sunod niyang tanong.

Nilingon ko siya "Dami mo namang tanong..." napakamot ako sa ulo.

"Ano ba seryoso ako...nag-alala ako sa'yo, kaming lahat..." sumeryoso ang mukha niya.

"Hindi kailangan, kaya ko ang sarili ko." Tinitigan ko ang mga mata niya, as if ito na yung huli.

"Barry naman..." sumimangot ang mukha niya at parang pinipigilan niyang umiyak.

"Ito na ang huli nating pagkikita Agua, paalam..." sabay haplos ko sa kaniyang mga pisngi.

Nagsimula na ngang pumatak ang kaniyang mga luha "Kailan tayo muling magkapiling...? Kailan kita muling mayayakap...?" Nadudurog ang puso ko sa mga tanong niya at nasasaktan ako sa tuwing makikita siyang umiiyak.

"Walang kasiguradohan, pero lagi mong tatandaan na ka-gaya ng simoy ng hangin ay kasama mo lang ako..." ipinunas ko ang aking mga kamay sa mga luha niyang nakadapo sa kaniyang mga pisngi.

"Eh aalis ka nga eh, iniwan mo na ako..." pinikit niya ang kaniyang mga mata at dinama ang haplos ng aking mga kamay.

Maingat kong idinapo ang isa kong kamay sa kaniyang dibdib "Nandiyan lang ako sa puso mo." Sabi ko.

Inimulat niya ang mga mata "Paano ka naman makapasok dito? Ang sikip-sikip nito, makakahinga ka ba?"

"Gago ka ba?!" Sinalubongan ko siya ng mga kilay.

"Ayaw ko ng umiyak, nauubos na ang mga luha ko..." pinipilit niyang matawa kahit nagtuloy-tuloy sa pag buhos ang mga luha.

"Huwag ka ngang umiyak, mas lalo kang puma-panget." Idinaan ko nalang sa tawa ang sakit na nararamdaman habang siya na may nag salubong ang mga kilay.


"Paalam aking Creepygnorant." Dagdag ko tsaka tumalikod at sabay humakbang paalis.

Pero bigla niya akong niyakap sa likod "Barry huwag mo akong iwan...hindi ko kaya..." naluluha siya habang hinahabol ang paghinga niyang mabilis

"Pero kung sigurado ka na talagang umalis, hindi na kita pipigilan...ngunit sandali lang, kahit sandali lang...hayaan mo akong mayakap ka, at baonin mo ito sa iyong pag-alis..." mahigpit niya akong niyakap.

"Be an author, don't forget me on your story." Hindi ko na napigilan ang pag patak ng aking mga luha.

"Ngunit paano...? Inilapit mo nga ako sa pangarap ko, iniwan mo naman akong hindi pa na-abot ito...ikaw ang una kong nais makatabi kapag naabot ko na ang pangarap ko..." tila nagiging ilog na naman siya sa pagbuhos ng mga luha.

"May tiwala ako sa'yo, alam kong makapag-sulat ka ng kwentong mamahalin ng lahat, maging magaling kang manunulat, nandito lang ako, laging naka-suporta sa'yo." Ito na ang huli kong salita sa kaniya at maingat ko ng inalis ang kaniyang mga kamay sa aking tiyan, at nagpatuloy sa pag hakbang.

Subrang hapdi ng dibdib ko habang naririnig siya na mabigat ang bawat paghinga.

Agua, kung nakatadhana tayo sa isa't isa, mabubuo ang mundo natin.







My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon