Chapter 7

872 28 0
                                    

PANG-PITONG KABANATA:

Bully







Barry's POV

Nakita kong pumasok sina Agua at Megan sa comfort room, mayamaya ay umalis si Megan.

"Tara may gagawin tayo..." sabi ni Koy at sinundan namin siya papasok sa comfort room.

Nasa loob ng banyo si Agua at dahan-dahan namang kinandado ni Sam ang pinto habang tumatawa ng mahina.

Bumalik si Sam sa kinatatayoan namin at mayamaya ay binubuksan na ni Agua ang pintoan. Nagtawanan lang kami habang tinutulak niya ang sarili sa pinto.

"Tulong! Tulongan niyo ako...hindi ko mabuksan ang pinto! Megan nasaan ka na ba?!" Sigaw niya habang pilit pa ring buksan ang pinto.

Nilagyan ko ng maraming harina ang kulay puti na towel at lumapit sa pintoan "Hey, Creepygnorant! Gamitin mo ito, trapo mo sa buong katawan mo para makalabas ka..." inabot ko ang towel sa itaas ng pinto.

"Taika parang namumukhaan ko ang iyong boses...Barry ikaw bayan?" Tanong niya habang tinanggap ang towel, hindi ako sumagot at nanatiling seryoso lang.

"Tapos ko ng na-trapo sa mukha, mga kamay, buhok at sa damit. Makakalabas na ba ako?" Tanong niya, lumapit si Sam sa pintoan at kinuha ang kandado tsaka kami umalis.


Inaabangan namin si Agua sa labas "O makinig kayong lahat! Dito ang tingin, dahil matutuklasan na natin ang ating campus dyosa!" Napatingin sa amin ang lahat ng students at ang iba ay lumapit, tumatawa ang aking mga kaibigan habang naka lahad ang mga kamay sa banyo.

Mayamaya ay lumabas na si Agua sa comfort room. Pinagtawanan siya ng lahat sabay kuha ng litrato habang wala pa rin siyang alam anong mga nangyari at kung bakit nagtawanan ang lahat, nanatili lang siyang nakatayo at naka ngiti.

Biglang dumating si Megan "Agua? Agua anong nangyari sa'yo...?" Agad niyang nilapitan si Agua at hinawakan ang mga kamay.

Kumukunot ang noo niya "Sinong may gawa nito?!" Bakas ang galit sa mukha niya habang tinitigan ang bawat ang students na nandito


Dumating si Luxy kasama ang dalawa niyang kaibigan at sila'y nagtawanan. Agad kinuha ni Megan ang towel sa kamay ni Agua at lumapit kay Luxy sabay ipinahid sa buo nitong katawan.

"Ano ba! Hayop ka Megan! Tigilan mo 'to!" Taas boses ni Luxy habang patuloy pa rin siyang inaataki ni Megan, sinubukang pigilan si Megan ng mga kaibigan ni Luxy, pero itinulak niya ang mga ito.

"Sumusubra na talaga kayo! Pikon na pikon na ako sa inyo!" Malakas na sinapak ni Megan si Luxy at kaya tumilapon siya sa dingding.

"Ano bang kasalanan ko sa'yo ha?!" Nanlilisik ang mga mata ni Luxy habang nakadapa sa sahig at napahawak sa kaniyang ulo na natamaan sa sapak ni Megan.

Tila takori kung umuusok ang ilong ni Megan "Sa akin wala, pero sa kaibigan ko meron!" Nangangalit ang kaniyang mga ngipin habang pinagtuturo si Luxy.

"Anong pinagsasabi mo...wala kaming alam diyan, tumawa lang naman kami nang makita siya!" Tumayo si Luxy sabay hawi sa kaniyang mga buhok at muling hinarap si Megan.

"Sinungaling!" Sinampal siya ni Megan ng pagkalakas kaya namumula ang pisngi niya.

Ayaw ko man kay Luxy dahil bully din ito pero sa nakikita ko ngayon kay Megan ay parang wala na siya sa sarili, para bang handa siyang pumatay para lang kay Agua. Kung walang pipigil sa kanila mas lalong lalaki ang gulo.


"Kami! Kami ang may gawa!" Seryoso kong sambit at napalingon ang lahat sa akin.

Hinawi ni Luxy ang kaniyang mga buhok at inilapit ang sariling mukha kay Megan "Kita mo na! Basta-basta ka kasing nagbibintang!" Umuusok na rin ang mga ilong niya, si Megan nama'y napalunok. Nilapitan si Luxy ng kaniyang mga kaibigan at sila'y umalis.

Agad kaming nilapitan ni Megan na nagsasalubong ang mga kilay "Mga lalaki pa naman kayo, tapos ganyan ang mga ugali niyo! Hindi niyo ikina-gwapo o ikina-lalaki ang pagiging bastos! Kinasusuklaman ko kayo!" Panunumbat niya sa amin.

Nilapitan niya si Agua na pumapatak ang mga luha at nakatitig sa akin, tsaka sila bumalik sa comfort room.

Hays ano na ba itong nangyayari sa akin. Parang hindi ko na ata kilala ang sarili ko.

Pero hindi, nakasanayan ko na ito kaya bakit ako makaramdam ng pagsisisi, tsaka nangyari na ano pa bang magagawa ko. Hindi naman siya ang pinaka-una kong biktima at napag-tripan eh, kaya ayos lang.







Agua's POV

"Hoy walang hiya ka! Paano mo nagawa sa akin 'yon ha?! Ano bang kasalanan ko sa'yo!" Galit na galit akong nagtuturo kay Barry habang ang isa kong kamay ay nakahawak sa bewang.

Napahinto si Barry na lalabas na sana sa tarangkahan dahil uwian na "Alam mo, bumili pa ako ng salamin sa canteen para lang sa'yo." Sabay bukas niya ng kaniyang bag at may inilabas siyang sakto lang sa laki at liit kaya kasya sa loob.

"Ano na naman 'yan?" Dahan-dahan ko itong tinanggap habang sa kaniyang mga mata pa rin nakatingin.

"Ay...!" Nanlaki ang aking mga mata at halos napatalon ako sa gulat nang tumitig ako sa salamin.

"A-Ako ba ito? Hala! Bakit iba ang mukha ko sa inyo, subrang dumi..." nong una hindi ako naniniwalang mukha ko ang tinitigan ko, pero nong ginagaya nito ang galaw ng mukha ko ay napagtanto kong ako talaga ito.

Hinahaplos ko ang sariling mukha "Ganito ba talaga ako ka-panget?"

"Ganyan kalala." Seryosong sagot niya at tumalikod sabay hakbang palabas.

Pero bigla siyang napahinto "Kung ayaw mo sa akin, maaari ka ng bumalik sa inyo at umalis sa bahay, hindi rin naman kita gusto. Ignorante ka, wala kang napag-aralan..." sabi niya habang nakatalikod pa rin.

Napakumot ako sa aking mga palad dahil umiinit na ang dugo sa mga pang-iinsulto niya, pero mas pinili kong kumalma at ngumiti sa labi "Itong tandaan mo, hindi ako natatakot sa'yo. Lalabanan ko ang pagiging sira-ulo mo." Matapang kong saad na walang halong takot.

Nakita ko na parang nanginginig ang kaniyang mga palad at kamay na tila ba nainis o nagulat. Tsk, baka ngayon  lang siya napagsabihan na sira-ulo, kaya ganyan ang kilos niya.




Hanggang sa kotse gigil na gigil pa rin ako kay Barry, pinipigilan ko lang dahil wala sa tamang lugar.

Nang dumating na kami sa bahay ay nauna siyang pumasok at dali-dali akong sumunod.

"Hoy hindi pa ako tapos sa'yo! At hindi kita tantanan hanggat hindi ko makuha ang sagot kung bakit mo nagawa sa akin 'yon!" Muli kong pagtuturo sa kaniya, siya nama'y napahintong aakyat sana sa hagdan.

"Hindi ko kailangang magpaliwanag sa'yo, hindi kita kilala." Sagot niyang nasa itaas ang tingin at tsaka siya umakyat sa hagdan.

"Aba...walang hiya ka talagang bata ka!" Napahawak ako ng madiin sa aking mga bewang.







My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon