Chapter 14

233 14 0
                                    

IKA LABING-APAT NA KABANATA:

She's Part Of My Life







"Oh my gosh Dai check this out..." rinig kong bulong ng classmate kong babae sa katabi niya, lumingon ako sa kanila at may pinapanood sila sa hawak na cellphone.

Mayamaya ay napalingon sila sa akin at nanlaki ang kanilang mga mata nang makitang si Agua ay nasa labas ng bintana, sinalubongan ko sila ng mga kilay, bagay na ikinaiwas tingin naman nila.

"Dai nainis ako pero hindi talaga maikubli na talo na tayo sa panget na 'yan..." balik sila sa bulongan na tiyak namang naririnig ng mga katabi, hanggang ang iba ay curious na sa pinapanood nila kaya gumaya ang mga babae, gumamit ng cellphone kahit nasa klase, habang si Ma'am ay tuloy lang sa pagsulat ng answers sa board masyado kasing marami.

"Besh kinikilig ako sa part na she's part of my life..." yakap niya sa sarili habang parang kinagat ng bubuyog sa subrang likot.

Ngayon napagtanto ko ng may kumuha pala ng video sa nangyari kanina sa entrance gate, hinayaan ko na lang sila at ngumiti akong ibinalik ang tingin kay Agua, inabot ko ang aking kamay para kumuha ng biscuit na hawak niya.

Bigla siya natawa "Naku sorry, naubos ko..." ngumi-ngiti siyang halos nawala na ang mga mata.

Nagsalubong ang mga kilay ko "Panget na nga, matakaw pa..." seryoso kong pang-aasar.

"Ano sabi mo?!" Taas boses niya sabay hawak sa kaniyang biwang.

"Pssh quite! Oras ng klase ang ingay niyo!" Sigaw ni Ma'am habang nakatalikod pa rin at tuloy sa pag sulat sa board, sabay ang lahat na itinago ang mga cellphone.





Halos puno na ang canteen, buti na lang may lamisa na kami. Kasama ko sa iisang lamisa sina Agua at Megan.

Mayamaya ay dumaan si Bruce na may hawak ng tray, diretso ang lakad niya na para bang hindi kami nakita, agad naman hinawakan ni Megan ang kaniyang kamay kaya napahinto siya.

"Saan ka uupo?" Tanong ni Megan na inangatan ng tingin si Bruce at sila'y nagkatitigan.

"Kahit saan basta malayo sa isa diyan," sagot niya.

"Walang bakanteng upuan..." saad ni Megan, napalingon siya at nakitang wala ngang bakante, puno pa rin lahat ng lamisa, may mga ilan kasing tapos na kumain pero hindi pa tapos ang usapan.

"Kahit saan nga..." inalis niya ang kaniyang kamay kay Megan at lumakad palayo, tinignan namin siyang umupo sa daan ng entrance sa canteen.

"Anong ginawa ni Bruce...kinakaawa niya ang sarili..."  sabi ni Megan.

"Sira-ulo," kumunot ang noo ko, lumingon ako kay Agua at napa-nganga ako nang makita siyang subrang bilis kumain na parang wala ng bukas, kaya natitiyak kong hindi niya nakita si Bruce na lumapit dahil naka focus lang siya sa sarap ng kain.


"Kain na kayo, kanina pa ako busog..." sabi niya habang ngumu-nguya ng pagkain at may dumi pa ang pisngi niyang malapit sa labi.

Nagsalubong ang mga kilay ko habang tinitigan siya, napatitig naman siya sa akin at tumigil sa pagkain.

"Barry kinilabutan ako sa'yo..." dahan-dahan niyang inalis ang tingin sa akin at bumalik sa pagkain, maging siya hindi kinaya ang tingin ko.

"Barry maluwag pa naman 'yang kinaupuan mo, tabi na lang kayo ni Bruce..." muling kumunot ang noo ko sa mga sinabi ni Megan.

"Seryoso ka?! Si Agua na lang sa tabi ko, kayo ni Bruce..." sabi ko.

"Hindi, masarap kain ko kaya hindi ko magawang kumilos..." sagot ni Agua na inilanlan ang huling fried chicken.

"Nanggigil ako sa'yo sarap mo ibaon sa puso ko..." tumayo ako at humakbang palapit kay Bruce habang nakatago ang mga kamay ko sa dalawang bulsa ng aking pantalon.




Pagkalapit ko kay Bruce ay umangat siya ng tingin habang ako nama'y nagsasalubong ang mga kilay at nakatitig sa kaniyang mga mata.

Isinirado niya ang kaniyang baon at tumayo tsaka lumakad papunta sa aming lamisa, hanggang ngayon talo pa rin talaga siya sa akin.


Ayaw ko ng maraming daldal, titigan ko lang at alam na nila ang ibig kong sabihin, iba'y tawag sa akin  guwapong may kilabot na tingin.

Bumalik ako kinaupuan. Kaharap ni Bruce si Megan, samantalang ako kaharap si Agua na matakaw, kabalik ko pa nga lang may dagdag na kanin at friend chicken na ang kaniyang plato.

Naka ngiti akong tumitig kay Agua na napapikit pa ang mga mata, sarap na sarap siya sa kain at kinamay pa. Rinig ko ang bulongan na naman ng mga nasa kabilang lamisa.

"Sis wala na talaga tayong pag-asa...tignan mo ang love natin, ngayon lang siya ngumiti ng pagka-ganyan sa isang babae..."

"Karamihan sa atin hanggang mangha, tingin at gusto na lang sa kaniya. Pupusta ako, iibig si Barry kay Ignoranteng Panget..." sabi ng isa.

Nginitian ko na lang ang mga naririnig. Kung ako sa inyo humanap nalang kayo ng iba, dahil I need to figure it out kung pag-ibig na ba talaga itong nararamdaman ko kay Agua, o baka bored lang ako.




Uwian na at ako na lang ang naiwan sa classroom dahil ako ang pina-check sa lahat ng bagong answer sheet namin kanina, kahit ayaw ko walang magawa dahil nakasanayan na eh.

Pagkatapos ng pagkarami-raming papel halos hindi na ma-stretch ang mga daliri ko. Nasa kabilang classroom si Ma'am kaya iniwan ko na lang sa kaniyang lamisa ang mga papel tsaka lumabas na sa room.


Paglabas ko sumalubong sa akin ang mga ayaw ko ng makita.








My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon