Chapter 28

684 19 0
                                    

IKA-DAWAMPU'T WALONG KABANATA:

Manunulat






Agua's POV

Napakamot ako sa ulo "Wala pa rin akong naiisip na ipakitang talent..."

"Ano bang gusto mo sa buhay?" Tanong ni Barry na kasama ko ngayon sa lamisa.

Napalingon ako sa kaniya na walang tigil pa rin sa pagsusulat "Ang gusto ko ay maibahagi sa mga tao ang masaya naming buhay sa bundok..." ngumiti ako sa labi habang sinabi ang gusto ko sa buhay at isa sa dahilan kung bakit ako naparito sa syudad.

Tumigil siya sa pagsusulat at nilingon ako "Writer, ay pangarap mo ay maging writer..." ngitian niya ako sa labi.

"Ano 'yon?" Tanong ko.

"Isang manunulat. Sinusulat mo ang mga nais mong ikuwento at iparating sa mga tao, pwede ding base sa totoong buhay. Ang maganda dito ay makapag-bigay inspiration ka..." sagot niyang nakipagtitigan sa aking mga mata.

Naging abot tenga ang ngiti ko "Iyan nga ang pangarap ko...pwede mo ba akong turoan...?" Halos ikapunit na ng labi ko ang ngiti ko.

"Nasa tamang tao kang nilapitan." Sabay kindat niya sa akin.

Ibinuhos namin ang buong oras sa pagtururo niya sa akin tungkol sa pagiging writer, paano magsulat, paano magkaroon ng sariling libro o tinatawag na published author, at marami pa na mga alam niya gaya ng pagtutula.






Nag enjoy ang lahat ng mga taong nandito ngayong gabi sa quadrangel kung saan ginanap ang HighU2014, ito 'yong pinaka-special na program rito sa High University, dahil tanging gaganapin lang ito sa tuwing anniversaryo ng High University. Ang maging isa sa mga winners ng HighU2014 ay ang kadalasan na hiling ng mga students rito. Maraming activities ang HighU2014, isa na diyan ang racing, pagents, at itong sinalihan ko na talent contest.


Natapos ng nagpakitang gilas ang mga iba pang students na kasali sa contest, marami sa kanilang kumanta, sumayaw at umarte, ako lang ang naiiba at huling performer. Mayamaya ay tinawag na ang pangalan ko at pumalakpak ang lahat gaya ng pagpakita nila ng suporta para sa mga contestant.

Sumabay sa aking pagtayo ang mga kasama ko sa bahay "Go Agua! Nandito kami para sa'yo..."  napangiti ako sa sinabi ni Tiyo Santiago. Ang tanging wala dito na gusto kong makita ay sina Bruce, Megan at ang aking mga pamilya, pero kahit ganun pa man buo ang lakas ko na sasabak sa panimpalak na ito.

Nilapitan ako ni Barry "Kaya mo 'yan, tiwala lang. Para sa pamilya at sa iyong mga pangarap..." sabay haplos niya sa aking braso.

Hindi ko napigilang yakapin siya "Maraming salamat..." pasalamat kong naka ngiti sa labi habang nakapikit ang mga mata at dinamdam ko ang mahigpit kong yakap sa kaniya na napahawak din sa aking likod.


Humakbang na ako papunta sa stage. Nang makatayo sa stage at hawak ko na ang mike ay tumahimik na ang paligid maging ang mga taong kaharap ko ay handang-handa na manood. Napahaplos ang isa kong kamay sa aking dibdib, medyo kinabahan ako dahil unang sabak ko pa ito sa stage at ang daming tao. Pero mas isina-saisip ko na katabi nila Barry ang mga pamilya ko at naka ngiting pinapanood ako. Para sa pamilya ko ito at nakatapak ako rito sa stage na dala-dala ang aming mga pangarap. Huminga muna ako ng malalim. At dahan-dahan kong inilapit ang mike sa aking labi.



"Daang Kalikasan, isang mapayapang lugar, ganda ng kalikasan ay makikita.

Sa nakatagong bahay, may pamilyang nagtutulongan.

Walang problemang mawawalan ng kuryente, mawawalan ng tubig, ma-ubusan ng pagkain.

Bagkus masayang pumupulot ng mga kahoy upang maging ilaw, naliligo sa may sapa, at namimitas ng prutas upang makain.

Ang tunog ng mga ibon, tunog ng ilog na dumadaloy sa isang lambak, ito'y ilan sa mga kaaya-ayang bagay ang babati sa'yo sa sandaling ika'y nasa bundok.

Walang ibang nakakapalibot sa iyo kundi mga kalikasan. Mga kahoy na kaagabay ng mga hangin para makapag-bigay ng malamig na simoy ng hangin.

Mga ibong umaawit, malayang lumilipad sa mga ulap. Sinag ng araw, na para bang binabati ka ng magandang araw.

Matutulog kang binabantayan ng mga bituin at isang maliwanag na buwan.

Kapag ika'y tumira sa bundok, pinagpala ka ng Panginoon.

Saan mang dapo ka dalhin, 'wag mong kalimutan kung saan ka galing.

Gaya kong unang tapak sa syudad, isip ko'y nasa ibang mundo pero puso ko'y nasa bundok.

Ano man ang mangyayari sa bawat araw, hinding-hindi ko kakalimutan ang aking pinanggalingan, Daang Kalikasan!"



Ang lahat ay agad na tumayo at pumapalakpak, agad din akong nag-bow habang abot tenga ang ngiti. Buong akala ko'y hindi nila magugustohan, pero nanaig ang mga sinabi ni Barry. Bumaba ako sa stage at dali-dali kong nilapitan si Barry sabay niyakap siyang mahigpit.

"Nahanap mo na ang iyong pangarap..." sabi niya sa akin habang nakadapo sa aking ulo ang kaniyang kamay.

"Dahil sa'yo...maraming salamat Barry..." ngumiti akong nakapikit ang mga mata.




Nagtipon-tipon na kaming lahat ng contestants dito sa stage para malaman na kung sinong mananalo sa contest.

"The winner of this night is literally inspired us! No other than, Agua Paraluman...!" Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ako sa bibig habang ang mga luha ko'y pumapatak dahil sa labis na tuwa. Mga kasama ko sa contest, judges at ang lahat ay naka-ngiting pumapalakpak.

Dala na ng isang judge ang aking trophy at kasama niya si Barry na lumapit sa akin dito stage, ibinigay ng judge ang trophy kay Barry.

"Ako 'yong panalo sa taong 2012, at wala rito 'yong nanalo sa nakaraang taon kaya ako mag abot sa'yo nito. Congratulations, at hindi ako makapaghintay na makita kang magkaroon ng sariling librong naglalaman ng mga salitang galing sa iyong puso..." naka ngiti siya habang ginugulo ang aking mga buhok na para bang anak niya ako, mas matangkad kasi siya sa akin.

"Hindi ako magsasawang pasalamatan ka, inilapit mo ako sa mga pangarap ko...biyaya ka ng Panginoon sa akin..." nagpapasalamat ako sa kaniya at halos walang pagsidlat ng saya ang nararamdaman ko ngayong gabi. Dahan-dahan ng papalapit ang kamay ko na hahawak na sana sa trophy, pero mas pinili kong muli siyang yakapin ng mahigpit at ang lahat ng mga tao nama'y pinapalakpakan kami.








Pagpasok ko palang sa paaralan ay bumubungad sa akin ang mga kapwa student at binabati ako ng "Congratulations!" Nginitian ko naman sila pabalik. Nakakatuwang bumuti na ang pakitungo nila sa akin.

Pero pakiramdam ko ay parang may kulang pa rin. Hinahanap ko sa campus sina Megan at Bruce.  Hanggang nakarating ako rito sa quadrangle.

"Megan..! Bruce...! Nasaan na ba kayo?! Hindi na ako sanay na wala kayo..." sumisigaw ako habang lumilingon sa paligid.

"Agua Paraluman!" Biglang tumayo ang aking mga balahibo at nagsimulang pumatak ang aking mga luha. Ang dalawang tuno ng boses na tumawag sa pangalan ko ay ang mga boses ng dalawang taong subrang mahalaga sa akin at subrang miss na miss ko.


Dahan-dahan akong humarap at abot tenga ang ngiti ko nang malamang tama ang kutob ko. Dali-dali akong tumakbo palapit sa kanila at niyakap sila ng mahigpit na mahigpit.

"Subrang miss na miss na miss ko kayo..." sa wakas, sa hinahaba ng panahon, muli na kaming magkasama. Bumubuhas ang mga luha ko habang kayakap sina Lawin Rajah at Maya Rajah.

Humagolgol sa luha si Maya "Kami din..." sagot niya na maririnig ang boses niyang naiiyak sa tuwa.

Humarap kami sa isa't isa "Nagpasalamat akong tinupad ng Panginoon ang ating mga dasal..." sabi ni Lawin habang ang mga ngiti namin ay abot tenga at magkahawakan ang mga kamay.








My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)Where stories live. Discover now