Chapter 2

1.4K 35 0
                                    

PANGALAWANG KABANATA:

Para Sa Kinabukasan




Hindi ako makatulog, nakatayo lang ako dito sa labas ng bahay tinitignan ang ganda ng tanawin at bituwin, habang pinag-isipan ang mga sinabi ni Tiyo Santiago.

"Hindi ka makatulog?" Rinig kong boses ni Inay sa aking likuran.

Agad akong lumingon "O Ina...nandiyan pala kayo," kasama din niya si Lawin

Tinabihan ako ni Ina "Napag-isipan mo na ba anak?" Tanong niya.

Bumuntong-hininga ako "Mahirap po...oo gusto kong maranasan ang mga sinabi ni Tiyo, pero hindi ko naman kayang iwan kayo..." sagot ko.

"Anak mahirap din sa amin, pero hindi pa sinabi ni Tiyo Santiago mo, ay matagal na rin namin itong pinag isipan. Gusto naming maranasan mo yung mga sinabi niya...'di ba sabi mo gusto mong maibahagi sa mga tao ang buhay na meron tayo, ito na 'yon.

"Hindi rin pwedeng sumama kami sa'yo dahil dito na ang buhay namin ng iyong Itay. Anak mahirap mabuhay ng wala kang kaalaman, walang napag-aralan...habang buhay nalang tayo ganito. Ang pag-aaral ang pinaka mahalaga sa mga batang katulad niyo...hindi para sa amin ito kundi para sa iyo, 'yan lang ang maipamana namin sa'yo anak," mga sinabi ni Ina na nagpa-patak sa aking mga luha.

Idinapo niya ang kaniyang kamay sa dibdib ko "Sundin mo ang gusto mo anak, sundin mo ang iyong puso." Nakatitig siya sa aking mga mata. Bumalik siya sa loob at kami ni Lawin nalang ang natira dito sa labas.


Tinabihan niya ako  "Tama sila. Masasaktan ako kung malayo ka sa amin, gusto sana naming sumama ni Maya pero naisip ko ring mas malulungkot ang mga magulang mo kung wala na silang kasama dito..." sambit niya.

"Lawin may tanong ako sa'yo, kung malayo na ako sa inyo, kakalimutan mo ba ako?" Tanong ko habang nakipagtitigan sa kaniya.

"Siyempre hindi! Nandito ka kaya sa puso ko. Agua nangyayari din ba sa'yo ang lagi kong nararamdaman, yung hindi ako masaya kung hindi kita makita at kapag 'andiyan ka ay laging bumibilis ang tibok ng puso ko..." sagot niyang nagpanganga sa akin.

"Ikaw din? Ganyan din ako, hindi ko alam anong ibig sabihin nito eh..." sabay kaming nagtawanan.

Dahan-dahang naghawakan ang aming mga kamay "Ma mi-miss kita..." saad ko at pinipilit kong pigilan ang ma-iyak.

Nginitian niya ako sa labi "Lagi mong tatandaan na kahit saan ka magpunta ay lagi kang nandito sa puso ko..." idinapo ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib at niyakap niya ako ng mahigpit, habang naka tanaw sa amin ang buwan.






Hinawakan ni Ina ang aking kamay "Mag-ingat ka doon anak hah...lagi mong tandaan na ikaw ang aming...anong tawag ba do'n? Prinsesa! Ikaw ang prinsesa namin..."

"Maraming salamat Ina," nag simulang pumatak ang aking mga luha.

Hinaplos ni Itay ang aking mukha "Anak yung turo ko sa'yo...maging mabait ka, pero kapag inaabuso na ay lumaban ka na! Huwag mong hayaang may mag-aapi sa'yo...maganda ka anak, 'yan ang lagi mong tandaan..." sabi niya sa lagi niyang pina-paalala sa akin.

"Lagi ko pong tatandaan 'yan Itay." Sagot ko.

Naghawakan kami ng kamay nina Maya at Lawin, lumapit si Tiyo Santiago sabay yakap kay Inay at Itay "Ikaw na ang bahala kay Agua hah...wag na wag mo siyang pababayaan, may tiwala kami sa'yo..." sabi ni Inay sa kaniya.

"Opo, maraming salamat sa pagtiwala at makakaka-asa po kayo..." sagot ni Tiyo at lumingon sa akin "Hali ka na Agua, hinihintay ka na ng bago mong mundo..."

Nagyakapan muna kaming lahat ng mahigpit na mahigpit.

Humakbang na ang mga paa ko papunta sa sasakyang maghahatid sa akin sa bagong mundo. Subrang bigat ng dibdib ko na halos nahihirapan akong huminga habang tuloy sa pag buhos ang aking mga luha.

Pagkapasok ko sa sasakyan ay kumaway ako bilang pag-paalam, mayamaya ay nag simula ng bumiyahe ang kotse, tuloy lang kami sa pagkaway habang palayo na ako sa kanila.

Hanggang hindi ko na sila tanaw, mga bundok, kalikasan at daan nalang ang tina-tanaw ko habang tuloy sa pagluha. Lagi kong isip, ano kayang maging buhay ko sa bagong mundo?






Nanlaki ang aking mga mata at napanganga ako sa subrang pagkamangha sa mga nakikita.

Napakaraming taong duma-daan, maraming mga liwanag, may mga matataas na bahay na merong mga gamit na mukhang pamimigay kasi napaka-raming taong puma-pasok at paglabas ay dala na ang mga ito.

Abot tenga ang ngiti ko "Ang bait naman pala nila...nilalagay nila ang kanilang mga gamit para ipamigay sa mga tao..." sambit kong pumalakpak.

Tinawanan ako ni Tiyo "Hindi iyan bahay mall 'yan, tsaka hindi libre ang mga 'yan kundi binibili," sabi niya habang tuloy sa pag maniho.

"Ano naman pong i-babayad nila...?" Nagugulohan kong tanong.

Ipinakita niya sa akin ang parang papel nama'y iba't ibang kulay at may mga nakasulat "Iyan, 'yan ang pera,"

Nanlaki ang mga mata ko "Hala! Bakit may mga tao? Paano po sila nakapasok dito, naku tulongan po natin sila...mukha lang po silang naka ngiti sa papel pero baka nahihirapan na sila..." nataranta ako.

Pero tinawanan na naman niya ako "Marami ka pang dapat malaman Agua...pero sa ngayon, tignan mo muna ang magagandang makikita rito..." sabi niya.


Ibinalik ko nalang ang tingin sa napaka-gandang lugar. Hindi ko napigilan ang sarili sa tuwang nadama kaya inilabas ko ang sariling mukha sa bintana ng kotse, abot tenga ang ngiti kong lumanghap sa malamig na hanging naki-sabay sa byahe, at itinaas ang aking mga kamay.

"Magandang gabi sa inyong lahat...!" Malakas kong sigaw ng pagbati at napatingin sa akin ang mga taong naglalakad.

Hindi ako makapaniwalang sa wakas nakarating na ako dito sa syudad, ganito pala ka-ganda ang itsura ng Manila. Kung dati kinu-kwento lang ni Tiyo sa amin ang ganda ng syudad, pero ngayon tanaw na ng dalawa kong mga mata.

Masakit lang dahil lahat kami ng pamilya pinangarap makapunta rito sa syudad, pero ako lang ang nandito ngayon. Kaya magsisikap ako para pagdating ng panahon, maisama ko sila rito.







My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora