Chapter 4

1K 32 2
                                    

PANG-APAT NA KABANATA:

Ignorant Meet Cold-Hearted






Barry's POV

"Bro mag-ingat ka diyan! Baka mamaya gapangin ka niyan..." tawa ng mga kaibigan kong sina Koy at Sam.

"Siya mag-ingat sa akin." Seryoso kong sagot.

"Naku Bro baka hindi magtatagal ma-in love ka sa panget na 'yan...and oh by the way, speaking of love, Bro ano ba 'yong feeling ma-in love?" Tanong ni Koy

"Ewan ko sa'yo, huwag mo akong tanongin bobo ako diyan." Pagsusungit ko

"Eh 'di ba writer ka, kaya malamang alam mo ang tungkol diyan..." pangungulit na naman niya.

"Horror, thriller at mystery ang genre ko, walang halong romance." Napakamot ako sa ulo

"Ah ganun ba, mga Bro sabi nila kapag daw titibok ang ating mga puso, eh in love ka raw sa taong 'yon..." sabi naman ni Sam

Natawa ako "Gago! Ibig sabihin lang niyan buhay ka! Tigil-tigilan niyo ako sa love-love na 'yan hindi niyo ikakatalino 'yan, study kayo mga sira..." sabay patay ko sa tawag.

Tsk, panigurado namang gagamitin lang nila para sa pam-babae, gawing banat gaya ng "Oh aking irog ikaw ang itinitibok ng puso ko..." mga sira-ulo, alam na alam ko na mga galawan nilang nakaka-suka.


Pero 'yong babaeng dumating ka-gabi, siya pala si Agua ang laging kinu-kwento ni Papa. Tsk, sabi pa niyang huwag turuan tungkol sa love si Agua, seryoso?!

Anong ikinatakot niya, eh wala namang iibig sa panget na 'yon. Naaawa lang ako sa mapapangasawa niya.

Sabi pa ni Papa maganda raw, saang banda?

Hindi naman siya gaano ka-panget dahil matangos naman ang ilong niya at maganda ang mga mata niyang kulay kayumanggi. Pero hindi, panget pa rin talaga siya.

Napaka-ignorante pa. Babasagin pa naman 'yong TV para matulongan ang isang actress. Ignorante na nga, ang creepy pa ng mukha!

Pagsisihan niyang pumasok siya sa buhay ng nag-iisang Barry Wilson Brown. Kilala ng lahat na cold-hearted at apathetic lalo na kung tungkol sa pag-ibig, pag dating diyan isa lang 'yang biro sa akin kaya hindi ko sini-seryoso.

Hindi ako 'yong tipong-tao na mahilig makihalubilo, I'd rather stay at home spend time reading books and writing stories. Ang gusto kong buhay ay 'yong tahimik at mapag-isa. Gaya ngayon, dinalhan lang ako ni Nang Ellen ng milk at hotcake habang silang lahat ay magkasama sa hapag-kainan.

Kinuha ko ang librong IT by Stephen King tsaka isinaksak ang earphone sa aking cellphone. Ito ang lagi kong ginagawa, reading book with some low volume soundtrack on my ear para hindi rin ako magugulohan sa binabasa ko. Mas gusto ko itong gawin sa beach, forest, mountain or either camping by myself.

Hindi ko pa natapos basahin dahil kailangan ng mag shower, pagkatapos maligo, tsaka ako nag  bihis ng white t-shirt at sinuot ang school uniform na kulay asul pati ang pants, tsaka lumabas sa kwarto at humakbang sa hagdan.

Naka-ayos ang Ignoranteng Pangit pero ang mukha hindi talaga ma-aayos. Suot niya ay itim na pantalon,  white t-shirt at naka-sapaw ng sky blue jacket. Habang kausap niya si Papa ay dumaan lang ako sa kanilang kilid at dumiretso sa kotse.







Agua's POV

Nakita kong bumaba sa hagdan ang guwapong anak ni Tiyo na si Barry at mas lalo siyang nagmukhang prinsipe habang nakasuot ng magarang school uniform daw tawag. Ito ay may kulay puti sa loob at asul ang sa labas, balot na balot talaga ang buong katawan. Seryoso lang niya kaming dinaanan pa-diretso sa sasakyan at pinag-buksan ni Kuya Pablo.

My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)Where stories live. Discover now