Chapter 32

545 19 0
                                    

IKA-TATLUMPONG DALAWANG KABANATA:

Unang Pag-ibig, Unang Bigo






Lumipas ang mga ilang oras. Ramdam kong tapos na sila kaya minulat ko ang aking mga mata.

Napatakip ako sa bibig "Ay...! Sino 'tong magandang babaeng kaharap ko...?" Ang mga mata ko'y nanlaki at niyuyuko ko ang aking ulo dahil sa subrang hiya nang hindi man lang nila sinabi sa akin na may magandang dilag pala akong karahap.

"Hi po...pasensiya na po kayo..." paghihingi ko ng tawad at muli ko siyang hinarap "Hala! Bakit niya ako ginagaya?! O tignan niyo o...aba, sira ulo 'to ah...!" Ginaya din niya ang pag salubong ng aking mga kilay at ang kamao kong susuntok sana.

"Iha ikaw 'yan..." tinawanan nila ako.

"Ho, ako?! Kailan pa naging ako 'yan...?" Kumukunot ang noo ko.

"Baka nakalimutan mong salamin 'yang kaharap mo, kaya ang nakikita mo ngayon ay walang iba kundi ang sarili mo, ganyan ka-kaganda iha..." sabay palakpak nila.

Dahan-dahan kong inilapit ang mga kamay at namangha ako nang nahawakan ko ang salamin. Sa subrang tuwa ay pumapatak ang mga luha ko at hinahaplos-haplos ko ang sariling bagong mukha.

"Ang ganda mo Iha..." sabi ng mga kasama ko rito sa loob.

"Parang gusto ko ng maging lalaki ulit..." nagtawanan sila sa biro ng beki, habang ako ay hindi pa rin makapaniwala sa ganda ko, nanatili lang akong namangha at abot tenga ang ngiti habang hinahaplos ang mukha.








Barry's POV

Marami ng nagsidatingan rito sa quadrangle na napaka-sweet at romantic place tignan, lahat ay kasama na ang kanilang mga ka-date, ang iba ay nagsimula ng sumayaw sa tunog ng musikang love song.

"Nasaan na ba si Agua?" Tanong ko kay Megan.

"Kalma lang Barry..." sagot niya na kasayaw si Bruce. Lumilingon ako sa paligid at ako nalang pala ang wala pang ka-date, sina Lawin at Maya ay nagsayawan sa kanilang mga partner.

Seryoso at normal lang akong naghintay kahit ang lahat may kasama na, ako nalang ang wala, ako pa itong nasa gitna, at ako pang naiiba ang suot sa lahat...suot ng mga lalaki ay itim at ako lang ang naka puti.

Bigla nalang parang lumiwanag ang mga mata ko na kasing ganda ng mga bituin sa gabi, ang paligid ko at maging mundo ko'y tumigil na parang kami lang dalawa ang nasa paligid, wala akong ibang nakita kundi siya...matagal ko ng alam sa sarili na siya na nga ang babaeng para sa akin...napaka-ganda niya.









Agua's POV

Pagkadating ko ay dahan-dahang napalingon sa akin ang lahat, sa daming namanhang nakatingin, ewan, pero kay Barry lang talaga ako nakatitig at ngumiti. Napansin kong ako lang ang naiiba, maraming babae suot ay pula, may mga asul at pink, pero ako lang ang nag-iisang puti ang dress...ay hindi, kami pala dalawa ni Barry ang tanging nakaputi, hindi ako makapaniwalang iisang kulay ang napili naming suotin.

Dahan-dahan kaming lumapit sa isa't isa. Pagkalapit namin ay maingat niyang hinawakan ang likod ko at idinapo ko naman sa kaniyang braso ang aking mga kamay habang kami ay nagkatitigan.

♪ Ikaw Na Nga by Willie Revillame Play ♪

"Maganda na ba ako?" Tanong ko sa kaniya.

"Subra...na halos hindi ko na gusto alisin ang mga tingin ko sa'yo..." nginitian niya ako sa labi.








My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon