My Dancing Angel #7

66 4 0
                                    

Sorry for long no post! ^_^

~

Naeun's POV

I was standing here in front of Academy. Ewan ko ba kung bakit napahinto ako sa paglalakad at hindi ako makapag-isip ngayon ng tama. Well, katulad ng dati naka-disguise na naman ako as Eunhae para walang makapansin sakin. Bakit nga ba parang may gumugulo ngayon sa isip ko at hindi ako makapag-isip ng tama ngayon? Bakit nga ba kinakabahan ako ngayon at parang ayokong pumasok sa loob?

Bumuntong-hininga na lang ako saka na ako naglakad sa gate ng Academy at pumasok sa gate kaso sa may gate pa lang ako nakita ko bigla si Tina na tumatakbo palapit sakin kaya naman napatigil ako sa paglalakad. Tumigil siya sa harapan ko with a serious look. Napalunok ako at kinabahan, naalala ko kasi bigla yung ginawa kong pagtakas kaya siguro alam ko na kung bakit galit sakin ngayon si Tina.

"Bakit di ka man lang nagsabi sakin kahapon na hindi ka makakapunta dahil may family gathering kayo ha? Eunhae?" Tanong niya. Wait? Family Gathering? Anong ibig niyang sabihin?

"Fami-ly.... Gathering...?"

"Eunhae! Tina!" Napalingon kami pareho ni Tina kay L na kakarating lang at kakapasok lang din ng Academy. 

"L? Napaaga ka ata ngayon? Excited much sa meeting?" Tina asked.

"Ah. Hindi naman masyado. Gusto ko lang maghanda ng advance. Nga pala Eunhae, pasensya ka na ah. Alam ko na ayaw mong ipagsabi kahit kanino pero ako ang nagsabi kay Tina na may family gathering kayo. Sorry." Sabi ni L. So, nagpalusot siya kay Tina para pagtakpan ang pag-absent ko kahapon?

"Ah ganun ba? Ah, don't worry. It's okay." Sabi ko na nakisunod na lang kay L.

"Okay guys, since wala namang klase ngayon at ang lahat ay busy sa school fest tara na sa Night Angels Fansclub." Yaya ni Tina sabay kapit sa braso ni L. 

Nakita kong medyo nairita ang expression ng mukha ni L pero hinayaan na lang niya si Tina hanggang sa makarting kami sa Night Angels fansclub. Pagpasok namin ay nagulat ako sa nakita ko sa loob. napakadaming posters and different merches ng grupo namin ang binibenta sa loob. Puro din mga kanta namin at mga music videos ang makikita sa screens at maririnig sa speakers. 

Infearness ah! Ang galing ng pagkaka-design. Sino kaya ang nakaisip ng ganitong theme?

"Nagustuhan mo ba ang theme design?" Ngiting tanong sakin ni L ng pabulong. Ngumiti lang ako sa kanya at nag-nod.

Pumasok kami sa isang office kung saan ay officers lang ang pwedeng pumasok. At since si L ang president ng fansclub ay nagsimula na siya ng meeting. Matapos ang halos dalawang oras na meeting ay tinapos na din ni L ang meeting. Kaso, dahil sa madami siyang kausap ay hindi ko siya magawang i-approach. May sasabihin ako sa kanya about sa pagki-quit ko sa fansclub.

Nagulat na lang ako ng bigla akong higitin ni Tina palapit sa kanya at dinala ako sa isang Fitting room. Nakita ko ang galit sa mga mata niya nang tingnan ko siya.

"It looks like there is some parasites that keeps on biting my favorite pet. Eunhae." She said.

"Ah. Hindi kita maintindihan Tina." Sagot ko.

She smirked. "Of course, Parasites never understands." Is she's pertaining me?

"Kung ako sayo Eunhae, ngayon pa lang I'll keep my distance around L. Kung ayaw mong makahanap ng makakaaway na pagsisisihan mong nakilala mo. You should stay away from him." Sagot niya sakin habang ang mga mata niya ay matalim lang na nakatitig sakin.

"Sa-Sandali lang, wala akong ginagawang masama kay L. Isa pa, kaibigan ko siya." Sagot ko naman.

"Friends? Then tell me why he knows that you were in your family gathering yesterday?" She asked.

"K-Kasi..." Ano bang dapat kung sabihin kay Tina? Alam ko na gusto niya si L matagal na pero kailangan bang, pagisipan niya kami?

"Ayoko sa mga kagaya mo. Wag ka ng lalapit kay L. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag hindi mo ako sinunod. Tandaan mo, sakin lang si L at mapupunta siya sakin." Yun lang saka na niya ako iniwan sa Fitting room.

i sighed. She misunderstood everything.

Lumabas ako sa Fitting room at nagmamadaling um-exit ng may makabangga akong lalaki na mukhang may hinahanap. Napatingin ako sa school uniform niya. Hindi siya nag-aaral dito.

"Ah sorry miss. Can i ask you something. Ah nasa'n po dito ang room ni Crystal? Yung member ng Night Angels group?" Tanong niya. Anong kailangan niya kay Crystal?

"Ah. Oo alam ko. Sino po sila?" Tanong ko.

"Don't worry. Hindi ako mass media or kung ano pa man. Pinsan ko siya, would you give me a hand?" Tanong niya. Mukha namang nagsasabi siya ng totoo kaya naman sinamahan ko siya sa room ni Crystal. At tamang-tama naman ang dating namin dahil nasa kalagitnaan ng advance tutorial si Crystal. Napalingon agad siya samin nung kumatok kami sa pinto.

"Eu-Eunhae? Ca-Calvin? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong niya samin. "Ah, excuse me sir." Paalam ni Crystal saka siya lumapit samin at sa labas ng room niya kami nag-usap. Takang-taka siya na tinitingnan kaming dalawa ni Calvin.

"So you know this girl pala pinsan?" Biglang tanong ni Calvin.

"Of course I know her." Sagot naman ng napapakamot na si Crystal.

"Ah, sinamahan ko lang siya dito because he asked me. Nagkabanggaan lang kami sa may baba kanina." Sagot ko. "Ah, aalis na ako." Dugtong ko saka na ako tumalikod at lumakad paalis.

"Thank you, Eunhae!" Rinig kong sigaw ni Calvin sakin. Nag okay sign lang ako without looking at them.

Crystal's POV

That was unexpected!

"Bakit ngayon ka pumunta? Diba sabi ko naman sayo sa Friday pa dapat?" Panimula ko. Ang totoo kasi niyan ay pinakiusapan ko ang pinsan ko na hiramin ang van nila para sa gaganaping secret mountain climbing na gagawin namin sa friday. Hindi kasi namin pwedeng gamiting ang kahit na anong designated van namin dahil ginagamit namin yun sa mga projects namin sa night angels. Mahirap na, baka masundan pa kami ng media.

"Nabalitaan ko kasi na school fest ngayon ng school niyo kaya pumunta na ako. Dala ko din ang DSLR ko para kumuha ng mga magagandang litrato." Sagot niya sakin.

"Sana naman, nagsabi ka sakin ng hindi ka maging distorbo sa lessons ko." Inis na sagot ko.

"i just wanted to surprise you. Saka, di naman ako magtatagal eh. Nga pala, pwede ba akong magpasama dun sa Eunhae na yun kanina para libutin ang school niyo? Gagawa kasi ako ng documentary reports about different school fest and activities of all universities." 

I forgot about his course. Journalist nga pala ang lokong 'to.

"Why not ask her? Hi-Hindi naman kami ganun ka-close no." Sagot ko. Naman! Kailangan ko talagang maitago ang buong pagkatao ni Naeun kahit kanino, kahit pa sa pamilya ko.

"Okay. Hahabulin ko na siya ngayon! Kita-kits na lang sa friday Crys!" Sabi niya sabay patakbong lakad at nag-wave paalis.

Sighed. Kung may makulit ka nga namang pinsan ano?

Bumalik na lang ako sa loob at pinagpatuloy ang tutorial lessons ko.

~~

A very long sorry for long no updates! T^T

Busy lang po talaga!

Hope you like it! ^_^

Vote and Comment! :)

#LadyEmina

APink 'Secret Garden'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon