My Dancing Angel #5

355 18 12
                                    

Sorry po! Ngayon na lang ulit nakapag-post :3

~

 Naeun's POV.

Kinabukasan ay hindi ako pumasok. Kailangan kong pumunta sa condo unit ng 'Night Angels' at sasabihin ko nga kina Leiko ang tungkol sa pinapagawa sakin ni Tina na balak niyang magpatayo ng fan club para samin. Hay naku, hindi talaga ako maaasahan sa mga ganyan eh. Saka hindi na talaga dapat sila nagbalak pa ng mga ganyang bagay, ano bang goal nila para magpatayo nun?

Habang, papunta ako sa condo ay may na-receive akong text kay Crystal. Gamit ko yung phone ko na hindi ko masyadong ginagamit pero dahil nga naiwan ko sa locker ko yung phone ko, no choice ako kundi gamitin ito. Binasa ko na muna yung text at nakita ko na nag-reply na si Crystal sa text ko sa kanya kanina about nga dito sa sasabihin ko.

'Sige, papunta na kami diyan Naeun.' Text sakin ni Crystal. Nag-reply lang ako ng sige saka na ako dumiretso sa condo unit namin. Pagpasok ko sa loob ay walang ibang taong nandun. Mukhang ako lang talaga ngayon ang hindi pumasok ah. Pero, okay lang din naman yun kasi wala namang klase kaya lang kasi, hayss bakit pa kasi ako pa ang pinili ni Tina para gawin yun?

Agad akong naupo sa sofa at nilibot ko ang mga mata ko sa condo unit namin. Na-miss ko magpunta dito ah, minsan na lang kasi ako tumambay dito eh. Umiiwas kasi ako sa media. Napabuntong-hininga na lang ako ng maalala ko ang lahat ng mga moments ko kasama ang mga kaibigan ko. Nakaka-miss pala yung tulad ng dati na wala kayong aalalahanin, kasi wala pa naman kayo sa showbiz at hindi pa kayo kilala sa media. Nagagawa mo lahat ng gusto mo, walang privacy kaya naman free kang pumunta kahit saan. Pero, nabago talaga ang lahat ng nagsimula kaming pasukin ang showbiz.

Tumayo na lang ako at nagpunta sa kusina. Paglulutuan ko na lang ang mga kaibigan ko para naman magkaroon na din kami ng bonding mamaya. Alam ko na miss na nila ang luto ko. Kaya naman nagsimula na akong maghanda at magplano ng lulutuin ko. Nagluto lang ako para sa meryenda namin dahil alam kong na-miss nila ang luto ko.

Matapos ang ilang minuto ay nakarinig na ako ng pagbukas ng pinto. Napangiti ako at inilapag ang mga kutsara at pinggan sa mesa at hinubad ko ang aepron ko saka na ako lumabas papuntang sala at nakita ko sila na halos lahat ay galing sa school.

"Waah! Naeun, mabuti naman at naisipan mong dumalaw dito!" Bungad sakin ni Franzyne saka ako niyakap ng mahigpit.

"Ah-ah Zyne, can't breath." Binitawan naman niya ako at nag-peace sign sakin.

"Meron ka daw sasabihing importante samin Naeun?" Tanong naman sakin ni Leiko. Nag-nod naman ako kaya lahat sila ay umupo sa sofa at nasa akin ang atensyon.

"Tungkol 'to doon sa fan club na ipapatayo sa Academy. Si Tina ang nagpasimuno ng lahat at sa akin siya humingi ng tulong sa pagpapatayo ng fan club." Sagot ko sa kanila. Nag-iba bigla ang expression ng mukha nila. Si Leiko ay halatang nagulat samantalang kunot-noo naman sina Franzyne at Kelly pero sina Ayesha at Crystal eh tumatango-tango lang. Umupo ako sa single sofa at nag-antay ako ng sagot nila.

"T-teka, pumayag ka ba sa kagustuhan ng Tina na yun?" Tanong sakin bigla ni Leiko. 

APink 'Secret Garden'Where stories live. Discover now