My Taekwondo Teacher #1

1.4K 27 8
                                    

Park Chorong as Chorong

Nam Woohyun as Woohyun

Camille - Friend of Chorong

Jecelle

~

"Okay. Class dismissed." 

Tumayo na ako saka nagmamadaling lumabas ng classroom. Agad akong dumiretso sa locker ko para kunin ang uniform ko. Meron akong training ngayon sa Taekwondo dahil nagpa-practice ako para sa laban ko sa finals.

"Oy Chorong! Didiretso ka ba mamaya sa Gym?" Agad akong napalingon sa tumawag sakin, si Camille, kaibigan ko. President ng Student Council President.

"Actually, papunta na ako ngayon doon. Bakit mo natanong?" Tanong ko habang inaayos ko ang mga gamit ko sa locker.

"Eh kasi, gusto ka makausap ng Principal ngayon eh," Napalingon agad ako kay Camille saka ako natigilan sa ginagawa ko.

"Bakit naman daw?" Bigla akong kinabahan. Hindi kaya may ginawa ako?

"Ewan ko, Napagutusan lang din kasi ako eh, nakakapagtaka no?" Bumuntong hininga ako.

"Sige.Tara na. Samahan mo ako," Yaya ko kay Camille.

*At the Office

"Ma'am? Pinapatawag niyo po daw ako?" Tanong ko kaagad pagkapasok na pagkapasok ko sa loob. Umupo ako sa sofa katabi si Camille habang si Ma'am ay palapit na sa kaharap na upuan.

"Oo. Pinatawag nga kita dahil may importante akong sasabihin sayo." Napatingin ako saglit kay Camille na ngayon ay curious na din.

"Tungkol po sa'n?"

"Since, ikaw ang taekwondo player ng Academy may gusto lang akong ipagkatiwala sayo." Nagtaka ako. Mukhang mapapasabak ako na ewan sa kung saan ah. Ano bang ibig sabihin ni Ma'am?

Bumuntong hininga siya bago ulit magsalita.

"Park Chorong, You will be the new trainer of the Taekwondo Club."

"PO?" Napatayo ako dahil sa gulat.

Hindi naman kasi porket 3 beses ako nag champion sa taekwondo eh babagay na sakin ang ganung posisyon? 4th year high school lang ako.

"Pero ma'am? Bakit po naisipan niyo na ako ang maging bagong trainer. Ma'am student lang po ako, Masyado pong malaki ang responsibilidad na ipinagkakatiwala niyo sakin." Sunod sunod na sabi ko.

"I have no choice Ms. Park. Pero sayo ko na iyon ipagkakatiwala. Alam ko na babagay ka sa posisyon na yun.

Why...

this..

is..

happening?...

Lumabas ako ng office na kasama si Camille. Hindi rin siya makapaniwala na sa isang gaya ko? Napunta ang taekwondo club? Napaka imposible talaga.

Pumunta kami ng Canteen.

"So anong desisyon mo Chorong? Payag ka ba? Eh mukhang seryoso si Ma'am sa sinabi niya ehh." Nakapila kami ngayon sa Coffee Machine.

"Alam mo, di ko inaasahan na mangyayari sakin to. Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako o ewan?" Sagot ko habang papunta kami sa isang vacant table.

"Eh anong gagawin mo? 3 days na lang bago mag finals. Mukhang sunod sunod na ngayon ang Schedule mo ahh."  Napatungo ako bigla sa mesa.

"Hays, tatanggapin ko na lang siguro kahit mahirap."

"Wag ka mag alala Chorong, if you need help nandito naman ako."

Napangiti ako. "Salamat Camille."

*3:46 pm at taekwondo Club.

Nakaupo lang ako sa harap ng salamin, Nakatitig lang ako sa sarili ko.

Naman kasing buhay to! Namomoblema na nga ako sa training ko para sa finals tapos....

ganito pa?

Tumayo ako at nagsimulang mag training. Almost mga 30 minutes din akong nagpa-practice when I heard something.

Nakarinig ako ng parang umiiyak.

Tinigil ko ang ginagawa ko saka ako lumabas ng Club.

Nagpalinga linga ako at pinapakinggan ko kung saan galing ang boses.

Nakarating ako sa likod ng isang classroom kung saan isang playground.

Nilapitan ko yung batang umiiyak sa swing.

"Bata?"

Lumingon siya sakin."1st year na ako. Di na ako bata." Pasensya naman, mukha ka kayang bata. Sarap sabihin pero di ko na lang pinatulan.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko.

"K-kasi, yung bestfriend ko, ayaw na sakin." Tapos parang maiiyak na naman siya.

"O? Eh bakit?"

"Kasi sabi ko, gusto ko siya ang kaso, ayaw niya sakin eh."

Umupo ako sa katabing swing.

"Yun lang?"

"Hindi. sabi pa niya, gusto niya yung matuturing niyang prinsipe at knight in shining armor niya. At hindi ako yun."

Pinagmasdan ko yung 1st year.

Mukha lang siyang nerd tapos medyo payat pero matangkad naman ng konti.

"Eh anong gusto mong gawin ngayon? Umiyak lang?"

Napatingin siya sakin.

"Fix yourself. Ipakita mo sa kanya na pwedeng maging ikaw yung hinahanap niya."

Dahan dahan siyang ngumiti.

~

A/N: Comments and Votes Please!


APink 'Secret Garden'Where stories live. Discover now