My Taekwondo Teacher #2

794 26 0
                                    

~

Chorong's POV.

*At the 7eleven 8:30 pm

Nasa labas lang ako ng 7eleven. Pumunta ako dito dahil wala na naman sa mood ang tatay ko. Baka lang mag away kami pag nakita ako nun. Bakit ba kasi parang lagi na lang galit ang papa ko?

Kainis talaga! Saan ako pupunta ngayon? Kay Camille?

Tinapon ko na yung iniinom kong Chuckie.

Hahakbang na sana ako paalis nung makarinig ako ng sumisigaw.

Napatingin ako bigla sa may isang kanto malapit sa sakayan ng Jeep. Nakita ko na may isang matandang babae na pilit inaagawan ng dalawang lalake.

Nang makita ko yun agad ko silang pinuntahan.

"Hoy! Itigil niyo nga yan!" Sigaw ko. Napatingin sila sakin saka ngumisi.

"Ang lakas naman ng loob mo na awatin kami? Bakit sino ka ba? Babae ka lang!" Sigaw ng isa.

ABA! Ako pa hinamon ng ugok na ito? Oh well, ito naman ang gusto ko.

"Sige nga. Ipakita mo nga sakin na lalaki ka?" Hamon ko.

Sabay nilang binitawan ang matanda saka dahan dahan lumapit sakin. Nag unat na ako ng leeg at kamay at naghanda na sa atake nila.

At mayamaya nga sumugod ng suntok yung isa pero iniwasan ko yung saka ko siya sinipa sa tiyan niya gamit ang tuhod ko. Saka naman sumugod yung isa may hawak na kahoy iniwasan ko yung kahoy bago ko siya tinadyakan sa tiyan at saka ko siniko sa may batok. Parehong nawalan ng malay yung mga ugok.

"Hija, salamat sa pagligtas. Kaawaan ka ng diyos."

"Wala po yun. Mag iingat po kayo sa daan. Sige po. Mauna na po ako."

Yung mga taong nanonood pala sakin ang tumawag sa barangay para ipakulong yung mga magnanakaw. Didiretso na sana ako ng biglang may sumalubong sa harap ko. Bigla kong hinanda ang sarili ko kung sakali manna susugurin ako ng taong to.

"Wait lang Master, Ako po ito." Master?

Tumayo ako. "Bata?" Yung batang kausap ko pala kanina.

"Its Woohyun. Di nga sabi ako bata." Maktol niya.

"Ah. Okay. Ano ginagawa mo dito? Gabi na ah?"

"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan Master. Bakit nasa labas ka pa? Gabi na kaya." 

"Teka nga, bakit master ang tawag mo sakin? At saka, lumalabas akong gabi dahil ayoko samin saka, ikaw? Bata ka pa. Dapat di ka naglalalabas kapag gabi na."

"I told you I'm not a kid. Tss." Okay nainis ko ata.

"Okay fine. Woohyun."

"Nakita ko yung ginawa mong pagligtas. Sa tingin ko, matutulungan mo akong magbago." Panimula niya.

"What do you mean?"

"Please. Gusto ko maging kagaya mo. Magaling sa Taekwondo."

Nagulat ako at hindi agad nakapagsalita.

"So, you mean? Ako ang makakatulong sayo? Sorry. I think  I can't help you" Lalagpasan ko na sana siya ng bigla niyang hawakan ang braso ko. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba.

At dahil magkasing tangkad lang kami napatitig ako sa mukha niya. Yung mukha niya ngayon ay seryoso at nakikiusap.

"Pakiusap. Tulungan mo ako. Ayokong maging lampa sa paningin ni Jecelle."

Hindi ko alam pero....

"Sige."

Yun lang saka siya ngumiti at niyakap ako.

~

Leave any Votes and Comments PLSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS


APink 'Secret Garden'Where stories live. Discover now